35

3.1K 67 8
                                    

3 hell days were done. Nairaos namin ang examination hopefully with flying colors. As for me, feeling ko maganda naman ang score ko. Ewan ko lang sa isang 'to. Sabi niya pasado naman daw siya. Nanguuto lang ata 'tong mokong na'to. Nandito kami ngayon sa cinema para manood. Libre niya daw, namiss niya daw ako makasama. Naglambing pa ang bata. May point rin naman siya, halos hindi kami magkausap o magpansinan nitong week na'to siyempre studies first. "Ba't 'di mo sinama si Kyle?", tanong ko sa kanya habang bumibili ng ticket. "Gusto ko masolo kita", sagot nito sabay hawak sa aking baywang. Nagsibulungan naman ang mga tao sa pila kaya agad ko itong inalis. "Jayvee", bulong ko bilang pagsuway sa kanya public display of abnormality, joke affection. Nang nakabili na kami ng popcorn, chips at drinks ay pumasok na kami sa looban.

"Masyado ata tayong maaga"

"Ayos lang 'yan, may gagawin naman tayo"

"'Yan nanaman eh!"

"Joke lang, ikaw masyado kang protective sa sarili mo, relax ka lang ako naman kasama mo, safe ka sakin"

"Safe ka diyan, ikaw nga 'tong sobrang advance ang mga ginugusto, feeling ko mamomolestiya ako ng 'di oras sa'yo"

"Hehe nagpapaalam naman 'di ba? Bakit? Gentle naman ako"

"Ewan ko sa'yo"

Nakahanap na kami ng puwesto, hindi masyadong matao ang sinehan kaya kalat kalat kaming mga manonood. Inilibot ko ang aking mata at pansin ko na marami 'ding couples sa paligid. Hindi kaya langgamin kami dito sa loob ng sinehan? Sa aming pagkaupo ay agad niya akong inakbayan.

"Huy, baka may makakita"

"Madilim naman, okay lang 'yan"

"Sige na nga", paubaya ko at isinandal ko na lamang ang ulo ko sa kanyang mga braso. Ramdam ko ang pagpisil pisil niya sa aking tenga. Anong trip nito ginawa ba naman akong aso.  Kikiligin ba ako o maiinis, sakyan ko nalang trip nito behave naman siya kaya okay na 'yan. Nakatuon lamang ako sa patalastas nang bigla niya akong ninakawan ng halik. "Huy! Ano 'yun?", tanong ko. Ngumiti lamang siya, kriminal na 'to, ninakawan ako ng halik.

"Idedemanda kita"

"Hehe ano naman kaso?"

"Sexual abuse tapos siguro theft kasi ninakawan mo ako ng kiss eh"

"Isa pa para multiple counts at sure na guilty ako"

"Ayoko nga"

"Sige na 'di mo ba namiss ang kiss ko?"

"Nagulam kami ng bulalo nung isang araw kaya hindi naman"

"Huh? "

"Wala, never mind"

"Ahah! Inisip mo ako 'yung sinisipsip mo sa buto noh???"

"Hindi noh! Ang kapal mo"

"Deny pa, 'wag ka magalala mamaya bugyan kita ng bulalo hahahahah"

"Ewan ko sa'yo!", ba't ko nasabi ba 'yun? Bulalo? Anong pumasok sa utak ko? Epekto ata 'to ng stress, sabaw pa!

Nagsimula na ang palabas, may temang suspense horror ito pero hindi naman ako matatakutin. In fact, mas gusto ko nalalaman ang story sa likod ng mga nakakatakot na mga characters na 'yan. "Pag natakot ka yakapin mo lang ako huh?", bilin niya. Kaya naman pala, kaya pala ito napili niya kasi akala niya matatakutin ako, akala niya maiisahan niya ako, mukha niya. Sa mga bawat nakakabiglang eksena ay nagtitilian ang mga babae sa paligid habang ako ay tahimik lang at nagpapaka critic sa film. "Nanonood ka ba?", tanong niya sa akin. "Oo, bakit?"

"Hindi ka naman natatakot"

"Belat! Hindi hahaha style mo bulok"

"Akala ko ba naman eepekto"

"Alin ba gusto mo 'yung may patili tili tapos yakap? Parang sa mga couples na mga 'yan?"

"Hmmm"

"O siya sige, yakap nalang ayoko tumili ang OA ko na nun"

Niyakap ko nalang siya at hinigpitansa tuwing nagsisitilian ang mga babae. Ang weirdo ng trip naming dalawa. Nahawa na ata ako sa kabaliwan niya. Tuwang tuwa naman ang mokong, eh hindi naman Rom-Com ang pinapanood namin. Ang bango niya, amoy na amoy ko. "Love you", bulong ko sa kanya. "Love you too", sagot niya. Para kaming timang sa posisyon namin. Sinusubuan niya ako habang nakayakap ako sa kanya. Feeling ko unggoy ang trip niyang maging itsura ko ayaw lang niya aminin. Nakalas ako sa pagkakayakap nang may tumawag sa kanya. "Sandali lang sagutin ko lang 'to", paalam niya at lumabas muna saglit. "AC!", tawag sa akin ng isang pamilyar na boses. Nilingon ko ang bawat sulok ng sinehan. "Huy AC sa likod mo"

"Lucy???"

"AC??? hahahahaha"

"Kanina ka la nandyan?"

"Yup, grabe pala kayo huh, 'di ka nagsasabi"

"Please Lucy 'wag mo..."

"Oo alam ko na 'yan 'wag ka magalala your secret is safe with me, nakakatampo ka lang kasi 'di mo agad sinabi sa akin"

"Sorry"

"Ang haba ng hair mo ang dami nagkakagusto sa'yo"

"Huh? Madami ka diyan baliw"

"Well, last time I checked tama naman ang information ko"

"Ewan ko sa'yo, sino pala kasama mo?"

"Wala"

"Huy pagbalik niya kunwari hindi natin alam na nandiyan ka at nandito ako huh?"

"Oo na, ituloy niyo lang 'yang kasweetan niyo, kaasar kayo nainggit tuloy ako galit galit kami ng boyfriend ko eh"

Announcement: Walang Forever [Complete]Where stories live. Discover now