◈ Katapusan ng digmaan sa kalawakan ◈

8K 225 14
                                    

Last chapter guys!! Check out the book 2 of Sword Seeker!!

title: Sword Seeker #2 (War of the Gods)

ⓒ All rights reserved for Sword Seeker (God's child). This is a fantasy/adventure book. All language and concept used here are ALL MY OWN WORK and ORIGINAL. Countless hours of writing this story are product of my own imagination. Please do not copy/reproduce in any way.

°•○ ENJOY ○•°

Gabriel's POV

Ang pakiramdam na gusto mong pumatay pero di mo magawa dahil nasa ilalim ka ng isang utos ng nakakataas sayo, ay parang tinutulak akong suntukin ang isang nilalang hanggang maubusan siya ng hininga. Kagaya sa date nasa tabi ulit ako ng aking panginoon, parang bumalik lang ang buhay ko noon bago pa ngyari ang lahat ng ito tungkol sa tinakda.

Hindi ko talaga maintindihan ang galit na nararamdaman ko ngayon. Ang sarap talaga magwala at ubusin lahat ng nasa paligid ko, pero malayong mangyari yun.

Nasa kalangitan ang panginoong itim at kasalukoyang nilalabanan siya ng tinakda. Ang nakakagulat, nakakalipad na ang tinakda! Hindi ko alam kung pano niya ginawa yun pero may kutob ako na gawa ito ng Elfeeh na kasalukoyang gamit niya ngayon. Puno ng galit at puot ang mga mata niya, at habang nakikita ko ito alam kong buong kapangyarihan ang ginagamit niya. Malayong maibabalik ko pa siya sa date dahil kapag gamit ng isang diyos ang buong kapangyarihan ng Elfeeh, tanging kaloob looban ng sarili niya ang makakapabalik sa totoong katinuan nito.

Matapos ang naging kasunduan nila, parang na bagsakan lang ako ng malaking bato sa ulo. Hindi ko talaga maintindihan ang tinakda sa mga oras na yun, pano niya na gawa ang kasunduan na yun ng ganun ganun lang?!

Nagagalit ako sa sarili ko dahil hindi ko man lang siya na pigilan. Nagagalit rin ako sa kanya dahil sa binigay niyang salita! Hindi ko lubos maisip na sasama siya sa panginoong itim kung matatalo siya nito. Hindi ko kayang tumingin nalang sa mga oras na yun!

Parang nagbitiw lang siya ng isang napaka bigat na salita at napaka bigat na kapalit sa buong kalawakan.

Dahil sa kasundoang yun, ni isang nilalang sa bawat panig ng mga diyos ay walang gumalaw. Ngayon lang ngyari ito sa kasaysayan ng mga diyos, ang paghinto ng digmaan at nakasalalay ang tagumpay sa dalawang naglalaban ay ngayon lang ngyari.

Isa itong napaka laking pagbabago sa kasaysayan kung itoy maging tagumpay ng panginoong itim, at sa mga kaisipang yun parang hindi ko na alam kung anong mangyayari sa aming mga taga langit.

"Panginoon, hindi pwedeng tingnan lang natin sila." Pigil na sabi ko.

"Magkaroon ka ng kahit konting paniniwala sa kakayahan ng tinakda ngayon, Gabriel. Hindi ko man gusto ang desisyon niya pero lahat ng ito ay may rason."

"Anong ibig mong sabihin, panginoon?"

"Hindi mo ba na kikita, Gabriel? Ang rami ng namamatay, pinabuti ng tinakda ang sitwasyong ito para hadlangan ang bilang ng na wawala. Hindi ako sang-ayon sa plano niya, ayun nga sa sinabi ko sa kanya, hindi niya pa ito away. Magaganap ang away nila sa kalawakan, hindi dito sa mundong mortal, ayon sa Oracle ng langit." Paliwanag niya pero hindi parin na bawasan ang galit sa puso ko.

Kung hindi man dito magaganap, eh bakit niya hinayaan ang tinakda na gawin to?!

"Ughh!" Napa tingin ako bigla sa panginoon at nanlaki naman ang mga mata ko nung bigla siyang napa luhod.

"Panginoon!" Ereest/Xion/Ako.

"Anong problema panginoon?" Tanong ko habang naka alalay para  maka tayo siya ng maayos.

Sword Seeker #1 (God's Child) COMPLETE!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon