◈ City of Sylvana ◈

12.1K 405 6
  • Dedicated kay Sophia Gabrielle Luna
                                    

ⓒ All rights reserved for Sword Seeker (God's child). This is a fantasy/adventure book. All language and concept used here are ALL MY OWN WORK and ORIGINAL. Countless hours of writing this story are product of my own imagination. Please do not copy/reproduce in any way.

•○● ENJOY ●○•


Gabriel's POV

Tahimik kaming naglalakad ni Luna. Kahit madilim pa ang paligid alam kong malungkot ang mga mata niya. Hindi ko alam pero na sasaktan ako kapag ganyan ang na raramdaman niya, ewan ko ba kung sa pagiging gabay ko ba ito kaya na raramdaman ko ito o sadyang...... BALIW lang ako.

''Nan dito na tayo.''

Napatingin ako sa kanya. Mabuti naman at alam niyang nandito pa ako.

''Huh?'' Hindi ko na salo ang sinabi niya sa rami ng iniisip ko.

''Sabi ko, nandito na tayo.''

Inangat niya ang kanang kamay niya. Tila may tinuro, sinundan ko ito.

(O_O)

''Ayos kalang? Na mumutla ka ata.'' Tanong niya.

''H-huh? A-ayos lang ako. Teka Luna diyan ba tayo s-sasakay?'' Tanong ko.

May isang malaking bagay na naka lutang sa tubig, ngayon ko lang to na kita. Dahil sa mundo ko noon ay puro lupa lang ang makikita, makakakita kalang ng tubig sa mabundok na lugar. Talon, lawa, sapa at oasis. At umalis rin ako dun at na muhay sa kalangitan kaya puro ulap at ibang bagay sa kaharian ng panginoon lang ang nakikita ko.

Lumulotang na bagay na gawa sa kahoy at may naka tali ring na mga higanteng tela na parang kortina, may mga lubid din ito. Bakit parang masama ang pakiramdam ko sa bagay nato?

''Oo kaya halika na, baka hindi na tayo maka sakay! Ang raming tao oh. Daliii.'' Hinila niya ang kamay ko. Nung naka apak na ako sa isang kahoy na magkarugtong sa malaking bagay. Na palunok ako bigla. Pwedeng lumipad nalang kami? Pero malabong mangyari yun dahil may limitasyon ang pakpak ko dahil hindi ko mundo ito.

''Ang raming tao. Lahat ba sila pupunta sa isla Mikaah? Gabriel.. Gabriel.. dali tingnan mo!'' Tinuturo niya ang isang bagay na lumulotang. Bat ang saya niya na? Teka teka, bakit parang gumagalaw ang bagay nato?

Napa hawak ako sa mga lubid na nasa gilid ko. Parang umakyat lang ang kinain ko kanina. Nahihilo ata ako.

''Wooy! nakikinig kaba Gabriel? Teka bakit parang maputla ka? Ayos kalang ba?'' Pag-alalang tanong niya.

''Ahh. Oo ayos lang ako. Uhm Luna pwede bang magtanong?''

''Oo naman, ano yun?'' Sabi niya kahit abala sa pagtingin sa mga nilalang na lumalangoy.

''Anong tawag nitong sinasakyan natin?'' Bigla siyang napatingin sa akin at...

''HAHAHAHAHA!
! Hindi mo alam? HAHAHAHA! Ay oo nga pala WOOHH! HAHAHA taga langit ka nga pala! HAHAHA!''

(-_-) Hindi.... taga dagat ako.

''Teka.'' Huminga muna siya. ''Barko ang tawag dito. Lulotang ito at aandar dahil jan.'' Tinuro niya ang malaking tela sa taas. ''Tawag naman niyan ay mga sail, pero ang iba naka limutan ko na ang rami kasing tawag sa mga niyan at lahat sila may importanteng trabaho para mapalayag ito. Umaandar ito dahil sa hangin, kaya may mga malalaking parang tela jan. '' Pagpaliwanag niya.

''Ahh. Pang-ilan mo na tong sakay sa barko?''

''Pangalawa palang. Bata pa kasi ako nung huli kong sakay ng barko. Alam mo ba, nung una kong sakay hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Saya, takot, sabik iba-iba. Basta! Pagkatapos nun nagbabasa nalang ako ng libro, dahil hindi na ako naka labas pa.'' Bigla siyang nalungkot at humarap ulit sa dagat.

Sword Seeker #1 (God's Child) COMPLETE!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon