◈ Huricana ◈

8.4K 286 8
                                    

ⓒ All rights reserved for Sword Seeker (God's child). This is a fantasy/adventure book. All language and concept used here are ALL MY OWN WORK and ORIGINAL. Countless hours of writing this story are product of my own imagination. Please do not copy/reproduce in any way.

°•○ ENJOY ○•°


Luna's POV

Naka babad ako sa malaking liguan dito sa silid ko. Nagising kasi ako kanina dahil na hulog ako sa kama, ang sakit nga ng noo ko! Leche rin yun si Gabriel! di man lang niya ako ginising.

Wala kasi akong planong magtagal dito sa palasyo ng panginoon, di pa ako nakakalahati sa misyon ko kaya dapat di ako nagsasayang ng oras. Baka sa mga pahinga ko ay gumagawa si Alvamo na pagsisisihan ko, at di ko hahayaang mangyayari yun.

(-_-) Haaay, sana tapos na ang lahat ng to.

Bigla kong naalala kanina, naramdaman ko nalang bigla ang mukha kong umiinit. Tsk! kakahiya! may mukha pa ba akong maihaharap sa kanya?!

Mas lalong uminit ang mukha ko nung na alala kong susunduin nga niya pala ako ngayon. Tumayo ako at kinuha ang tuwalyang naka lagay sa gintong upuan dito sa loob, oo ginto. Ang yaman nga ehh. Silya ko nga sa bahay noon ay limang beses ng nasira pero buhay parin.

~T_T~

Binuksan ko ang pinto at nakita ko ang lalagyan ng gamit ko. Kumuha ako ng bagong damit at kamukha parin nung unang sinusuot ko. Bakit ba ehh ito talaga ang sinusuot ko, puting pantaas na medyo bumababa sa may balikat ko kaya kitang kita ito, kayumangging corset, kayumanging pambaba, at ang bota na binigay ni itay.

Umupo ako sa harapan ng salamin at nagsimula ng magsuklay, pansin kong ang raming bagay na pampaganda sa taas ng mesa. Hindi naman ako marunong gumamit nito kaya hindi ko na pinansin.

Nung medyo natuyo na ang buhok ko, inayos ko na ang sinturong binigay ni Jake at nilagay ang spada ng langit. Tanging mga gamit nalang na ito ang alaala nila sa akin para di ako mangulila sa kanila, talagang mis na mis ko na talaga sila.

Napa buntong hininga ako at naglakad na papunta sa pinto, di ko na siguro hintayin si Gabriel. Ako nalang maghahanap ng daan papunta sa sinasabi ng panginoon na silid niya.

Pagbukas ko ng pinto...

⊙﹏⊙

Sinarado ko naman agad. Bat nandun siya?! Napa sumpa ako sa ilalim ng hininga ko tsk! iniiwasan ko nga siya diba?! Huminga ako ng malalim at inihanda ang sarili para buksan muli ang pinto. Pagbukas ko, nakita kong naka taas ang isang kilay niya.

"Bat mo sinara?" Tanong niya kaya napa lunok ako. Tsk! bahala nga siya.

Di ko siya pinansin, nagsimula na akong maglakad at pansin kong di niya ako sinusundan. Hah! bahala talaga siya!

"Alam mong di yan ang daan diba?!" Rinig kong sigaw niya sa likod at napahinto naman ako nito.

(-_-'') ayy tanga.

Bumalik ako sa kanya na naka yuko, tsk! ayukong makita niya ang na mumula kong mukha! Pagtatawanan nanaman niya ako, at sigurado yun!

"Eh san ba?" Tanong ko.

"Tsk! eh di naman pala alam ehh." Ginulo niya ang buhok ko kaya inirapan ko naman. "Lilipad tayo."

Na gulat ako nung bigla niya akong binuhat at tumakbo siya sa malaking bintanang naka bukas. Sumigaw ako ng sumigaw dahil sa takot at gulat, at rinig ko ang mga tawa niya.

"Leche ka! Bat di mo ako pinahanda! Ugh! NAKAKAINIS KA!" Bulyaw ko sa kanya at natawa naman siya lalo.

"Bakit ko naman sasabihin? san ang kasiyahan kung gagawin ko yun? HAHAHAHA!" Hinila ko ang tenga niya kaya natahimik.

Sword Seeker #1 (God's Child) COMPLETE!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon