◈ Ang plano (part 1) ◈

5K 208 8
                                    

ⓒ All rights reserved for Sword Seeker (God's child). This is a fantasy/adventure book. All language and concept used here are ALL MY OWN WORK and ORIGINAL. Countless hours of writing this story are product of my own imagination. Please do not copy/reproduce in any way.

°•○ ENJOY ○•°

Isang ordinaryong araw at gabi lang ang pakiramdam ng mga mortal sa mga mundong kanilang tinatayuan, pero sa mga mata ng mga gintong dugo at mga imortal ng kalawakan ay isang hakbang ng isang madugong digmaan.

Dumating na nga ang isang pangitain ng itim na oracle, na gagawa ng isang pagbati ang panginoon ng langit sa itim na palasyo ng kanyang kapatid. Mahigit isang milyong hukbo ang dala ng panginoong Therina sa kanyang munting pagbati, at pinantayan rin naman ito ng panginoong itim sa kanyang itim na hukbo.

Napaka init ng hangin sa paligid nila at bawat galit na kanilang nararamdaman ay nagdudulot ito ng masamang panahon sa mga mortal.

Puno ng galit ang mga mata ng mga diyos pero ang ngiting suot ng panginoong itim ay nag-isip ng isang tagumpay.

Mga bayal, halimaw, mga sundalong binuhay, mga kakaibang mga nilala, at iba pangkasamaang makikita sa impyerno ay gumawa ng isang hukbo para kay Alvamo. Sa kabila naman ay mga anghel, tagapangalaga ng ulan, kidlat, at iba pang mga sakop ng langit ay nasa panig naman ng puting diyos.

"Maligayang pagdating sa aking munting palasyo, Therina." Panimula ng itim na diyos.

"Nakikita kong na bawasan ng isa ang mga harang mo, Alvamo." Sabi ng puting diyos.

"Ahh, ang babaeng si Eliesa ba ang tinutukoy mo? Sa katunayan niyan, planado ko ang lahat. Di mo ako masisisi, isa siyang mahinang nilalang. Hindi ko nga alam kung bakit pinili siya ng kanang kamay kong si Zander, o baka di sa kakayahan niya ang nakita niya kundi sa galing ng bawat gabing magkasama sila. Pero mahal kong kapatid, nakikita ko ring wala ang kambal ng langit at ang kanang kamay mo." Naka ngiting sagot niya.

Oo tama siya, di nga niya kasama ang tatlong pinaka magaling sa kaharian niya. Pero mas pinili parin ng panginoong Therina ang kaligtasan ng mga mortal, kung may labanan mang mangyayari ngayon.

Bawat salitang binitiwan ng itim na diyos ay nag sanhi ng konting awa kay Zander, sa likod ng lahat ay di parin maitago na may maliit rin silang pinagsamahan ni Eliesa. Pero di ang kamatayan niya ang magsasabi para ihinto niya ang pagsunod sa kanyang diyos.

"Ikaw ay pumunta dito at nagdala ng malaking hukbo para lang tanongin ako tungkol dun? Hmmm alam kong pinagmamalaki mo na ngayon ang tinakda dahil dun, ako rin naman, total siya parin ang reyna ko."

"Natitiyak mo ba ang iyong sinasabi, kapatid? Di mo siya matatalo at kahit kaylan di ma papasayo ang tinakda! habang may ginagawa siya at tibok ng kanyang puso ay isang dalisay, di ka mananalo." Pinagmamalaking sinabi ng puting diyos.

Ilang sandali naman nun ay di na napigilan ng panginoong itim ang tumawa. Isang hindi pangkaraniwang tawa ang ginawa niya. Napa isip naman ang panginoong puti dahil dun, isang itim na puso at walang na raramdamang iba bukod sa galit at puot ay magagawa ring tumawa ng ganya?

Sa ginawa ni Alvamo ay nagsahi naman ito ng pagtindig ng balahibo sa bawat hukbo at gayun din sa kanyang kapatid, isang masayang tawa pero may bakas parin itong kasamaan.

"Oh Therina, ngayon ko lang na lamang marunong ka palang magbiro. Magaling! Pero kapatid ko, maling paniniwala ang sinusundan mo. Nasa propesiya mismo ang sagot ng lahat, mukhang di na nga kaylangan ng digmaan dahil naka ukit na ang dapat mangyari." Nagkaroon naman ng kidlat at kulog ang tinatayuan nilang mga ulap dahil sa panginoong Therina. "Muntik ko ng maka limutan! di pa pala ako nagpapasalamat sayo para sa tinakda. Di ko man alam kung ano ang plano ng mga Miel'froh pero simula nung lumabas ang pangatlong propesiya sa pagkabuhay ng tinakda ay na raramdaman ko na ang tagumpay! Sa wakas! di na ako magtatago! di na kaylan man maiinggit! at higit sa lahat, di na ako mag-iisa. Alam mo Therina, wala kang alam sa mga ng yayari."

Sword Seeker #1 (God's Child) COMPLETE!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon