◈ Ang plano (part 2) ◈

3.9K 194 3
                                    

ⓒ All rights reserved for Sword Seeker (God's child). This is a fantasy/adventure book. All language and concept used here are ALL MY OWN WORK and ORIGINAL. Countless hours of writing this story are product of my own imagination. Please do not copy/reproduce in any way.

°•○ ENJOY ○•°


ANG PAGPAPATULOY...

Nagawa na nila ang unang plano, at nagdulot naman ito ng kalituhan sa mga Zyrian sa bulwagan. Ang sumpang pinaniniwalaan nila ay tungkol lang sa prinsipe, pero ang di nila alam ito lang pala ay gawa gawa ng hari.

Tahimik lang ang bulwagan dahil sa ngyari at parang bawat isa sa kanila ay naka tingin lang sa nag-iisip na hari.

"Ipa tawag ang mga kawal at ipa hanap ang lalakeng yu-.." Di naituloy ng hari ang sinabi niya dahil kanina lang pala wala ang prinsipe sa kanyang gilid. "Chris?"

Panahon na sa pangalawang plano kaya na wawala na ang prinsipe sa tabi ng hari. Biglang nagkaroon ng bulong bulongan ang bulwagan kaya biglang nagalit ang hari.

"Tumahimik kayo mga Zyrian! ang lahat ng yun ay walang kwenta! Papaniwalaan niyo ang kadiring nilalang na yun kesa sa sarili ninyong hari?! Isa lang ang sumpang alam natin at yun ang dapat nating papaniwalaan!" Sigaw niya.

"Pero mahal na hari, anong kapaliwanagan sa ngyari kanina? ang Ehlor kanina ay biglang lumabas at may dala pang kasulatan ng propesiya." Biglang tanong ng mayordomo ng kaharian.

Biglang nanigas ang hari sa tanong ng lalake. Lumabas na ang ugat sa noo ng hari dahil sa kakaisip ng dahilan.

"Anong gusto niyong ipalabas?! na hahayaan niyo nalang maging hari ang may sumpa sa kahariang ito?! Matagal ng patay ang kapatid ko at nabura na ang anak niyang may sumpa! Kaya ako lang ang maghari sa kahariang ito!" Sigaw niya ulit.

Pinilit naman ni Chris na manatili sa pwesto niya para di mapadali ang plano nilang ito. Matapos mamatay ng amang hari niya, nilihim na ng hari ang tungkol sa prinsipe kaya mas kinilala si Chris bilang heneral ng kaharian.

"Makinig kayong lahat! hanggat ako ang hari ng kahariang ZarMier sa akin lang kayo makikinig! IPAGPATULOY ANG KASIYAHAN!" At sa sigaw ng hari, nagsimula ulit ang tugtog sa bulwagan pero di parin maitago sa mga Zyrian sa kanilang sarili na nagdududa na sila sa hari.

Palihim silang naghahanda sa bandang likod at naghintay sa sinyales para sa pangalawang plano.

Sa loob naman ng palasyo kung saan ang tinakda at ang prinsesang Aquireen, ay patapos na sa pag-aayos. Nalaman rin nila na wala palang totoong uri ng sayaw ang Estien na sinasabi ng mga babaeng Zyrian, basta matutuwa lang ang hari sa sayaw. Nalaman rin nila na, kung di magugustohan ng hari ay ipapautos raw niya na ligpitin ang buhay ng mga babaeng sumasayaw.

"Handa na!" Sabi ng babaeng nag-aayos sa dalawa.

Ngumiti lang naman ang tinakda bago niya sinuntok ang tiyan nito at agad naman siyang nawalan ng malay.

"Luna! nakalimutan mo na bang nagdala tayo ng mga suliging pampatulog?!" Biglang sabi ni Sheena at napa kamot naman ang tinakda.

Naka suot sila ng itim na tela sa baba na may taas hanggang paa nila at may malaking hiwa ito sa tela para makita ang kaliwang binti nila. Isang trayanggulong tela ang pangtaas at hinayaan itong makita ang mga balat nila sa tiyan. May mga ukit silang itim na kaliskis sa nuo at hinayaan naman nilang naka bunghay ang mga mataas nilang buhok.

"Nakalimutan ko. Hahaha! Simulan na natin to, ang gagawin mo lang ay sumayaw. Ikaw ang magtatakip sa akin habang may ginagawa ako, kaylangan ko panggawin yun para magpapatuloy na tayo sa pangatlo at yun na ang hinihintay natin, ang bakbakan!" Paliwanag ng tinakda.

Sword Seeker #1 (God's Child) COMPLETE!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon