◈ ⊙﹏⊙ Anak ng puto!! ◈

4.9K 206 5
                                    

ⓒ All rights reserved for Sword Seeker (God's child). This is a fantasy/adventure book. All language and concept used here are ALL MY OWN WORK and ORIGINAL. Countless hours of writing this story are product of my own imagination. Please do not copy/reproduce in any way.

°•○ ENJOY ○•°


Valdesis POV

Handang handa na kami. Kung sasabihin kong handa na. HANDA NA TALAGA!

Suot ko ang tradisyong damit ng mga pulang dragon at gayun din ang mga kasamahan ko. Nakakatulong nga ang mga gamit na binigay ni Chris, kabilang na dito ang nagbubundokang pagkain, patalim, at mga suligi, nagpadala rin siya ng mga kasuotang suot namin ngayon at mga kulay para sa buhok.

Parang pinag-isipan lang diba?

Pulang damit at mala apoy na buhok ay para na kaming mga kamatis na tinubuan ng paa. Pulang dragon man ako pero ngdidiri ako sa mga suot namin ngayon, at sino namang gunggung ang nagpauso ng pulang kasuotan?!

Bulok talaga ang utak ng naka isip nito! Eh buhok palang ng lahi namin malalaman mo na agad, tapos isasama pa nila ang kasuotan? TSK! Parang pupunta kami ng fiesta at sasayaw na parang baliw.

Pero habang tinitingnan ko si Luna, parang kaylangan kong bawiin lahat ng sinabi ko. Kakaiba talaga, para siyang rosas na naging dalaga, at kami naman ay parang mga kamatis na sunod sunoran niya.

~'O'~ Kakabaliw.

Bigla kong na dakip ang mga mata ng isda at parang, teka pano ko ba sasabihin to,para siyang, pulang isda.

Oo tama. Wala namang nagbago, pero ang di ko maintindihan, bumibilis ang takbo ng puso ko.

BALIW DIBA?! kaya tumingin na ako sa ibang dereksyon.

Kadiri talaga, oo alam kong may gusto ang isda sa akin, eh sinabi niya sa akin. OO! SINABI NIYA!

Teka, kaylan nga niya sinabi yun? uhmm oo tama, sa gabi ng kasiyahan sa lugar nila Chris. Kakagulat talaga!

Di ko naman siya masisisi, ang magadang mukha kong to ay parang nakakamatay sa kagwapohan. Wag kayong mag-isip ng masama sa akin, talagang hindi lang talaga ako marunong magsinungaling.

"At bakit ka naman tumitingin sa dibdib ko?!"

( ̄ε(# ̄)

Bigla akong sinampal ni Luna. Ngayon ko lang na pansin na dun pala ako naka titig kanina pa. Parang may pandikit kasi ang mga.... mabuting di ko nalang sasabihin.

"Sabi ko bakit ka naka tingin!"

( ̄ε(# ̄)

Sinampal niya ulit ako. Grabe ang kamay ng babaeng to, parang bato! May biglang humarang at nakita ko ang nagliliksing mga mata ni Gabriel.

(-__-'') panira talaga kahit kaylan.

"Gusto mo bang mawalan ng mata, mortal?!" Galit na tanong ni Gabriel.

Mortal nanaman tawag niya? Lecheng unggoy to.

"Ang manyak mo talaga!" Sigaw ni isda sa akin at tumabi kay Luna.

Tinaas ko nalang ang mga kamay ko at tumawa. Ang bait talaga ng mga kasama ko.

"Kakagutom ehh." Sabi ko at kinindatan si Luna. Pero bago pa ako suntukin ni Gabriel, tumakbo na ako at tumawa.

Tumakbo ako ng mabilis dahil ramdam ko sila sa likod pero bigla akong napahinto dahil sa nakita ko sa harapan. Bumangga sila sa likod ko at parang na gulat rin sila sa nasa harapan kaya naka limutan nila ang parusa ko.

Sword Seeker #1 (God's Child) COMPLETE!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon