◈ Sakrepisyo para sa daan ◈

8.1K 250 3
                                    

ⓒ All rights reserved for Sword Seeker (God's child). This is a fantasy/adventure book. All language and concept used here are ALL MY OWN WORK and ORIGINAL. Countless hours of writing this story are product of my own imagination. Please do not copy/reproduce in any way.

°• ENJOY •°

Luna's POV

Tumindig ang balahibo ko nung nakita ko ang gustong ipakita ni Valdesis. Parang nagkakaroon ako ng digmaan sa loob dahil sa kagustohang umabante, pero kung gagawin ko yun, matatangay nila ako, at alam kong susunod ang mga kasamahan ko. Kaylangan muna namin ng plano bago kami pupunta sa nakakatakot na kung ano man ang nasa harapan namin ngayon.

Parang may harang sa aming harapan pagitan sa dalawang mundo dahil sa mala asul nitong kulay at ang kabilang banda naman ay ang mga nagwawalang mga, kaluluwa.

Kitang kita sa kanilang mga mukha ang takot at galit habang hinahampas nila ang mala asul na harang upang maka labas. Naging puti na ata ang palad ko dahil sa paghigpit ng paghawak ko sa spada ng langit, ito ba ang mga nilalang na naririnig ko kanina na humihingi ng tulong?! Tsk!

Napa sumpa ako sa ilalim ng hininga ko dahil sa galit. Muntikan ko na silang tanggihan dahil akala ko ginagamit muli ng kadiliman ang mga tunog na di ko gusto upang malinlang ulit ako.

Bumilis bigla ang pagtibok ng puso ko nung may nakita akong batang aquireen. Dinamay pa talaga nila ang bata. ISANG INOSENTENG BATANG AQUIREEN!

Inilabas ko ang kapangyarihan ko sa kaliwang kamay ko at sa kabila naman ang malagintong talim ng spada ko. Namumuo na talaga ang galit sa akin at parang nagkakaroon na ng sariling away ang mga mata ko.

Parang pilit lumalabas ang itim na hamog sa paningin ko. Nagwawala na ang kapangyarihan ko upang lumabas at wasakin ang harang na yan para maka labas na ang mga mortal na nasa harapan namin.

Biglang may humawak sa kamay ko at napalingon ako dahil dito. Nakita ko si Gabriel at pansin kong may lumiliwanag sa likod niya at gayun din sa kamay niyang hawak hawak ang kamay ko. Habang tumitingin ako sa mga mata niyang kulay asul, parang na wawala ang itim na hamog sa mga mata ko.

"Pagitnaan ang puting liwanag, tinakda." Sabi niya.

Naka tingin lang ako sa kanya dahil hindi pa pumapasok sa utak kong pagong ang ibig niyang sabihin. Pagitnaan ang liwanag? ito ba yung sinabi niya noon? pero pano?

Hinigpitan ko ang pagkahawak ko sa kamay niya at napa tango naman siya, nakuha niya ata ang ibig kong sabihin.

"Anong plano?" Rinig ko galing kay Valdesis.

"Gabriel?" Ako.

"Diba ang plano ay maki sabay sa uso?" Tanong niya at napa taas naman ang isang kilay ko.

"Patibong ito Gabriel. Hindi natin pwedeng gawin yun dahil sinabi ng mala spirito na bagay nayun kanina." Paliwanag ko.

"Kaylangan nating hindi magkahiwalay, kung mawawala man tayo at yun ay sabay sabay."

"Yun ohh! eh gumana rin ang utak nito." Natatawang sabi ni Valdesis at binatukan naman ni Gabriel.

"Manahimik ka! wala ka na ngang na itutulong magsasalita ka pa!" Inis na sabi ni Gabriel.

"Kaylangan nating maghawak kamay." Sabi ni Valdesis sabay kuha ng kanang kamay ko.

"Tsk! pano ko magagamit ang spada ko unggoy?!" Ako.

"Poprotektahan kita." Kinuha niya ang spada ko at nilagay sa sintoron sa bewang ko.

Lumingon ako kay Gabriel at tumango naman siya, ramdam ko ang paghigpit ng mga kamay nila at nagsimula na kaming umabante.

Sword Seeker #1 (God's Child) COMPLETE!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon