◈ Isda o tao? O_o ◈

9.5K 344 7
                                    

ⓒ All rights reserved for Sword Seeker (God's child). This is a fantasy/adventure book. All language and concept used here are ALL MY OWN WORK and ORIGINAL. Countless hours of writing this story are product of my own imagination. Please do not copy/reproduce in any way.

•○● ENJOY ●○•

Luna's POV

Ilang oras narin kaming palutang lutang sa dagat dahil wala kaming makitang lupa. Na papagod na ang mga braso ko at paa. Masakit rin ang kamay ko dahil sa sugat ko kanina. Marami atang na sayang na dugo kanina kaya ramdam ko ang kahinaan ng katawan ko.

"Napapagod na talaga ako.. tingnan niyo ohh maggagabi na pala. Ilang oras narin pala tayong palutang lutang." Sabi ni Valdesis na parang na nginginig pa sa lamig ng tubig.

Mabuti nalang at normal lang ang nararamdaman ko maliban sa pagod at antok.

"TINGNAN NINYO!" Sigaw ni Valdesis. May tinuro siya sa bandang likod ko at napalingon naman ako kung ano ang tinuturo niya.

Hindi ko makita dahil ang layo, kaya inilabas ko ang kapangyarihan ko para matulongan ako sa paningin. Hindi rin nagtagal naging malinaw ang tanawin.

Teka.. m-may mga PUNO!

Muntikan na akong maiyak dahil sa nakita ko. Gutom, pagod, antok, at uhaw ang nararamdaman ko ngayon.

Pinilit kong lumangoy pero parang naging manhid ang mga paa ko. Hindi ko na sila maramdaman at parang tatalo ang puso ko nung hindi na ako lumulotang. Bigla akong napababad ng di oras sa tubig at nagpupumiglas ako para sa buhay ko.

AYOKO PANG MAMATAY!

Napa ahon naman ako bigla nung may humila sa braso ko.

Sa kagustohang umahon agad naman akong napakapit sa katawan ng humatak sa akin.

*Ubo*Ubo*Ubo*Ubo*

Mukhang napa rami ang nainum ko ng tubig dagat. Hinuli ko muna ang hininga ko dahil parang ang rami paring tubig sa baga ko.

"Luna ayos ka lang?" Ngayon ko lang napansin na si Gabriel pala ang humatak sa akin. Hindi ko alam pero natatakot na ako kaya napahigpit naman ang pagkakapit ko sa leeg niya, pero sa totoo lang parang niyakap ko lang siya.

~(*+﹏+*)~ para paraan lang yan..

"Oo ayos lang ako." Bulong ko sa kanya.

"Tsk! may pa yakap yakap pa! Dalian niyo na kaya para maka hanap na tayo ng pagkain, sa ngayon lang yan gabay. Tsk!!" Sabi ni Valdesis at na rinig ko siyang lumangoy.

Kasalukoyang naka pikit ako ngayon dahil ang bigat na talaga ng mga mata ko at parang sumasakit nanaman ang paa ko.

"Kumapit ka nalang sa likod ko tinakda at lalangoy tayo..'' Sabi niya, pero may na pansin akong ngiti sa labi niya na hindi ko maintindihan. Inilagay ko nalang ito sa likod ng isip ko at sinunod ang sinabi niya.

•○●□●○•

Nakatingin ako sa dalawa kong kasama habang nag hahanap sila ng mga kahoy para maka gawa ng apoy. Basa parin ang mga damit namin pero nakakatulong naman ang hangin ng paligid para matuyo ito. Gumawa na rin ako ng sampayan gamit ng kahoy para matuyo ang nabasang gamit namin.

Hindi ko alam kung nakakatulong ba ang hangin sa mga kasama ko dahil parang na nginginig na sila na hindi patago.

Agad namang kumilos si Valdesis para gumawa ng apoy pero parang na hihirapan siya nito.

Sword Seeker #1 (God's Child) COMPLETE!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon