◈ Patungo sa bundok ◈

4.7K 223 3
                                    

Pls basahin niyo po ang AUTHOR'S NOTE bago nito. Importanteng importante po yun. 

At kung tapos na po.... SALAMAT NG MADAMI!!!

DONT FORGET TO CHECK OUT THE BOOK 2 OF THIS! ITS BEEN PUBLISHED! pero ang first chap po nun ay kung tapos na po ang last chapter nito...

TWO CHAPTERS GUYS!! BOOK 2 NA!! OH YEAH!!

THANK YOU VERY MUCH!!! DO ENJOY THIS CHAPTER EVERYONE!!


ⓒ All rights reserved for Sword Seeker (God's child). This is a fantasy/adventure book. All language and concept used here are ALL MY OWN WORK and ORIGINAL. Countless hours of writing this story are product of my own imagination. Please do not copy/reproduce in any way.

°•○ ENJOY ○•°


Luna's POV

Napaka gulo ng buong lugar, kung akoy inyong tatanongin. Parang dumaan lang ang isang malakas na bagyo at nag-iwan ng mga kalat katulad ng mga sugo ng kadiliman.

Kitang kita ko lahat ng pinsalang dinulot ng digmaan ng mga diyos, parang ang imaheng ito ay ang nakita ko sa isang parteng pinakita ni Alvamo sa mundong magaganap. Di pwede to, di pwedeng maganap ang wasak na mundong yun.

Habang minamasdan ko ang pangyayari, parang may biglang pumasok sa utak ko.

dalawang ibon sa iisang proseso. Saan babalik ang isa, sa taas o magpapatuloy.. teka, ito yung sinabi ni Eliesa nung nasa kaharian pa kami ng mga itim na dragon.

Bakit parang ang minsaheng binigay niya ay may malaking koneksyon sa ng yayari ngayon?

Hinukay ko na ang utak ko para sa mga posibilidad na sagot. Napa hawak ako sa ulo ko at piniga ito, uggghh! bat parang wala akong maisip?!

Teka teka! dalawang ibon sa iisang proseso. Saan babalik ang isa, sa taas o magpapatuloy..

...... dalawang ibon sa iisang proseso. Saan babalik ang isa, sa taas o magpapatuloy..

TEKA! ..... di kaya?

⊙﹏⊙

ALAM KO NA NGAYON!

Napa sumpa ako sa naisip ko. Di pwede to! Kahit patay na ang babaeng yun, nagdadala parin siya ng masamang balita! Tsk!

"Sa pulang kaharian tayo." Utos ko kay Jake na kasalukoyang isang malaking aguila.

Sumigaw siya bilang sagot at sumunod sa inutos ko.

Napa ka walang hiya niya talaga! pinahirapan pa talaga ako ng bruhang yun! uhhg! kung makikita ko si Gabriel mamaya, susuntokin ko talaga siya dahil sa ginawa ulit ng kasintahan niya.

WALANGYAH TALAGA!

Dalawang ibon sa iisang proseso. Saan babalik ang isa, sa taas o magpapatuloy. Isa itong babala, di ko man alam pero malakas ang kutob ko na ang ibig sabihin nito ay ang digmaan na nangyayari ngayon.

Ang dalawang ibong tinutokoy dito ay kami ng inang diyos ko, ang prosesong sinasabi niya ay ang ngyayari ngayon, ang digmaang nagaganap.

Saan babalik ang isa? sa taas o magpapatuloy. Kung hindi ako nagkakamali, parang ako ang tinutokoy dito. Sasama ba ako sa langit o magpapatuloy, sa aking misyon.

Kung tama man ako, may malalim pa itong kahulogan. Parang may kutob akong may mangyayaring masama kung may pagpilian ako sa dalawa, parang kaylangan kong pumili ng tamang mangyayari para di magaganap ang masamang kahulogan ng lecheng babala na to.

Sword Seeker #1 (God's Child) COMPLETE!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon