Chapter 43: Hours Before the Wedding

22.1K 649 29
                                        


(A/N: I purposely put this chapter first po than the Story Behind Part 1 and Story Behind Part 2 para hindi ko ma-spoil yung pagdadrama ng isa nating bida na si Ynari. Kailangan maramdaman nyo muna ang side ni Ynari kase kung uunahin ko ang POV ni Alona baka mabore kayo sa pagdadrama ni Yna sa chapter na to kung isusunod ko ito sa pagreveal ni Alona ng side nya sa next chapters. So yun lang. Baka kase malito sa title ng bawat chapters.)


3rd PERSON'S POV

Through Elizandra Arañez willpower and connections, naisaayos ang buong event hall ng Asuncion's Hotel, sa gayak para sa nalalabing kasal ng isang anak ngayong araw.

Ngiting tagumpay sya nang mabistahan ang buong lugar na sya mismo ang umasikaso kaya walang magagawa ang kanyang anak kundi tanggaping ikakasal na ito dahil sa kagustuhan nya.

Sapat na siguro ang anim na taon para araw-araw na makita at masaksihan kung paanong naghihirap at nasasaktan ito kaya oras na para mas maging ina dito.

At yun nga ay bigyan ito ng isang kasal na hinding-hindi nito malilimutan dahil ipapakasal lang naman nya ito sa taong matagal na nyang napili para sa anak.

Kung nasaan ang anak nya?

Natutulog pa habang suot na ang pangkasal dahil pinatulog lang naman ito para hindi makaisip tumakas.

Pagtingin nya sa orasan, 2:16 pm na. Three o'clock ang kasal kaya naeexcite na rin sya sa mangyayari mamaya. Well, pinaghirapan lang naman nyang makipagdeal sa organizer at planner para sa konsepto ng bawat designs and theme nito kaya kailangan talagang may maganap na kasalan ngayong araw.

Naisip nyang puntahan saglit ang magiging manugang sa isang hotel suite nila at nakita nyang prepared na ito. Ang anak na lang ang kulang.

Isang mainit na yakap at beso ang iginawad nya dito na buong puso naman nitong tinanggap.

Pinagmasdan nya muna itong saglit at nagkomento.

"You look awesome as I expected. The same as you are before",she smilingly said at napangiti naman ang kaharap.

"Thank you, Mom. I owe you a lot this important day so thank you so much po. I just hope that she becomes happy as she marries me later. I've been wanting to marry her even before that's why I am wishing today if not perfectly perfect but at least almost",sabi nito at kinakabahang ngumiti.

'Kinakabahan rin pala ang manugang nyang ito. Who would not? Ang ganda kaya ng anak nya',she thought at nagpaalam na matapos i-goodluck ang magiging manugang.

Time for her retouch dahil baka masabunutan sya mamaya ng anak dahil sa galit nito. Kailangang handa sya.

Sa kabilang banda, halos napupuno na ng mga bisita ang event hall kung saan gaganapin ang kasal matapos umalis doon ng ginang.

May nag-aasikaso naman sa mga ito kaya okay lang na umalis ito saglit.

Masasayang mukha naman ang masasalamin mo sa bawat bisitang naroroon dahil may malalaking pangalan sa business industry ang ikakasal ngayon.

Invited ang lahat ng kaibigan at kaklase ng mga ito sa kasal noong high school man, senior high, at pati noong college. Maging ang mga kamag-anak at kakilala nila ay nandun din.

Masaya sana kung kagustuhan ni Ynari ang kasal subalit mukhang iiyak na naman sya at naghahanap ng pwedeng takasan nang magising sa isang VIP suite ng hotel nila suot ang bridal gown nya na kung sa iba-ibang pagkakataon ay maa-appreciate nya dahil sobrang ganung-ganun ang pinapangarap nyang isuot sa araw ng kasal. Marahil nabuklat ng kanyang ina sa mga gamit nya ang drawing nito dahil kaparehong-kapareho sa panlasa nya ang suot.

Lihim syang napamura nang paglabas ng room na kinaroroonan nya ay kanyang nabungaran ang malaking hologram sa wall ng corridor read as CONGRATULATIONS and BEST WISHES habang may naririnig syang malakas na tugtog pag ikinakasal.

Papasok sya ng nakagown sa may elevator hindi dahil gusto nyang marating ang pagdarausan ng kasal kundi naghahanap sya ng pwedeng puntahan para makatakas at makalabas ng hotel.

Ewan ba kung ilang beses na syang napapamura sa isip dahil sa hindi nya alam kung kelan pa titigil ang pesteng elevator na kinalululanan nya. At sa wakas, ground floor na.

Marahan syang naglakad sa lobby hindi dahil natatakot syang magdumi at masira ang suot na gown kundi sinisilip nya kung mayron bang mga bantay sa paligid.

Subalit laking panlulumo nang mapansin ang ilang men in black na parang nagroronda sa bawat sulok ng hotel. At sa labas ng main door ng hotel ay ang nagkakagulong reporters na natatanaw nyang hinaharangan ng iba pang guards.

She wonders why. Alam nyang sikat na sikat ang mapapangasawang si Jez Aval dahil ito ang director of the publishing company na pagmamay-ari nila pero hindi naman nya akalaing ganito karaming reporters ang mag-aabang sa kasal nila.

Nilibot nya ang paningin sa paligid at mas naramdaman lalo nya ang bugso ng damdamin sa nakikitang disenyo ng lobby.

Hindi nya alam kung mumurahin din ang ina at magwala dun ora mismo dahil saktong-sakto ang kabuuan ng lobby sa pinapangarap nyang designs sa kasal nya.

Ginawa bang ganito ng ina ang lahat ng ito para magpanggap syang kahit sa sariling kasal sa iba ay ang babaeng minamahal nya ang kanyang mapapangasawa?

Na kahit mapapasakamay na sya ng taong hindi nya gusto ay maisip nyang kahit papano ay natupad ang pinapangarap nyang kasal?

At sa mga isipin pa lang na yun ay halos madurog ang puso nya.

Dahil kahit kailan ata talaga ay hindi na magiging sila dahil ikakasal na sya.

At ang masaklap pa nito, her dream wedding to someone she never dreamt is about to happen any minute now.


(A/N: Kalimutan muna saglit ang kasal. POV po muna ni Alona ang next. Yun yung time na lumipad sya sa Philippines galing Japan.)

The Ugly Nerd of Section 3  (COMPLETED) gxgWhere stories live. Discover now