Chapter 15: 'Panliligaw Kuno'

24.4K 873 50
                                    



ALONA'S POV

"Kala ko pa naman pure effort ang naisip nyong tatlo sa 'panliligaw kuno' ko kay Ynari! Hindi nyo naman sinabing ipamimigay nyo ang million dollar figurines ko!",sarcastic kong remark sa tatlong nagkukunwaring mga busy pero ang totoo mga guilty.

Di naman ako nagagalit talaga. Tinatakot ko lang sila.

Biruin nyo ba namang akala ko'y pranks lang ang mga ginawa ng tatlo kay Ynari. Kinabahan ako ha.

"Di naman namin ipinamigay!",kontra ni Dianne sa sinabi ko pero humalukipkip lang ako.

"Hindi? Eh asan ang mga display dyan? Dalawa na lang ang natira eh",nakataas kilay kong tanong na iminuwestra pa ang divider kung saan dati nakalagay ang mga valuable kong lotus flower figurines na ngayon ay dalawa na lang kulay ang natira.

"PRESENT! Oo tama! Present sa nililigawan kase common na yung mga bulaklak like roses or sampaguita and chocolates kaya yan ang naisip namin. At least mysterious!",katwiran naman ni Nadz na kung anu-ano pang gestures ang ginagawa.

"Ang cheap mo sa sampaguita ha! Di nyo pa nilubos? May dalawa pa oh",sabi ko at itinuro pa yung natitirang dalawa.

"Eh kase honeybunch, lilipat na kami kaya kailangan face the reality na. Kailangang ang huling bigay ay yung totoo na kaya kinuha na namin yung lotus mo with special breed. At saka chance mo na yun para paaminin ka namin",explain naman ni Alyssa habang kinakagat yung kuko nya.

"Oo yun nga! Teka! Umamin ka naman ba?",pagdaka'y tanong ni Nadz at nabato ako ng unan nang umiling ako.

"Peste ka! ANG TORPE MO!",sigaw nito at binato naman ako ng tsinelas na naiwasan ko naman.

Shete matigas din yun.

"Nadz cococrunch, wag kang mag-alala. Hihi",agaw pansin naman dito ni Aly kaya napatigil si Nadz sa panggigigil saken at tatlo kaming tumingin sa kanya.

"Bakit?",tanong ni Dianne at tumango naman si Nadz.

"Umamin sya o hindi naisip ko na yun. At dahil ako ang assign sa packaging, I mean dun sa box. Naglagay ako ng selfie ni honeybunch sa takip ng box na katabi nya ang special breed lotus flower nya!",proud na litanya naman nito dahilan para magtilian silang tatlo sa tuwa sa harapan ko samantalang ako'y nakanganga at nanlulumo sa narinig.

How dare you Aly!

"T-Totoo?",nanghihinang anas ko kase kala ko ligtas na ko nung isang araw sa confrontation big time.

"Totoong-totoo! Hihi!",masigla pang sagot nito habang sumusubo na ngayon ng stick-O.

Oh my! Pakilayo nga saken ng batang ito. Baka hindi ko matantya.

"Wag ka na sad Zandz. Hahaha. Di ba sabi mo nga noon. Kung sinong unang babaeng aaminin mo samin na gusto mo ay ibibigay mo lahat ng mahahalagang bagay na kaya mong ibigay kahit nanliligaw ka pa lang? Kaya ayun ginamit namin ang mga figurines mo",litanya ni Dianne na lumayo saken dahil baka takot mabato ko ng kung ano.

"At kahit ang pinakamamahal mong lotus flower na syang pinagsumikapan mong buhayin ay handa kang ibigay para sa taong yun! Tama?",dagdag naman ni Nadz na tinanguan nung dalawa.

"At dahil nga torpe ka, kami yung nagkusang gumawa ng paraan. Di ba di na masama? Saka ayaw mo nun, binata ka na Zandz. Hahaha! Mababasted na eh!",pang-aasar ni Dianne na nilapitan ni Alyssa at sinubuan rin ng Stick-O kaya nasamid tuloy.

Nakuha mo. Tawa kase ng tawa eh.

"Pero di nga. Ano bang gusto mong mangyari sa pagsintang purorot mo sa dyosang nakita na namin sa personal? At mahusay kang pumili ha",maya-maya'y seryosong sabi ni Nadz pero may pagsegway pa ng konti.

"Wala",I just said kase wala naman talaga.

"Tanga! Di mo ipupush?",mura naman ni Dianne na isa pa ring balahura kung magsalita minsan.

"Wala na. Tatandang dalaga na talaga si honeybunch",komento naman ni Aly na mukhang nai-stress din sa sagot ko.

Ang kukulit nila noh.

"Wala hangga't hindi ko pa natutupad ang gustong accomplishments ng dean para sa Section 3",tugon ko na nagpabalik ng sigla nila.

"Yun naman pala pina-prio muna ang responsibility. Haha. Sige, basta back up mo kami pag may iba ka pang pakulo para sa loveydoves mo. Aba mag-isip naman ng effort mo. Panget ka na nga torpe ka pa!",pang-aasar ni Nadz na tinawanan din naman ng dalawa yung sinabi.

"Bwiset kayo! Baka pamukha ko sa inyo mas maganda ako sa inyo ah!",ganti ko at inirapan silang tatlo.

"Whatever. Torpe naman. Maganda pag nasa bahay lang. Hahaha!",pang-aasar ni Nadz na pinandilatan ko ng mata pero hindi natinag.

"Hala, matulog na nga tayo. Maaga pa ko bukas pero pinupuyat nyo ko!",taboy ko sa kanila na nagsipagkilos din naman para umakyat sa taas.

"Parang hindi kami maaga bukas makataboy ka!",reklamo ni Dianne habang dala yung favorite nyang unan na nagmula pa sa bahay nila.

"Panget mo kase!",balik ko.

"Wow! Nagsalita ang hindi panget. Wag kang sasabay samen bukas Zandz ah. Famous na kase kami",singit naman ni Nadz at nauna nang pumasok sa guest room habang tumatawa.

Sira.

Dito na halos makatira ang tatlo kase nga lumipat ng school. Mas malapit yung bahay ko.

Sa guest room sila natutulog at solo ko ang kwarto ko.

Di kase ako makakatulog pag tumabi ako sa kanila. Maghuhuntahan lang ayy naku.

Nga pala hindi ko nabanggit.

Dad is in Japan. You know, business chuchu. My mom is in heaven already.

Malungkot ba ko?

Hindi naman.

May mga barkada naman akong kahit malaki ang topak tanggap ako. Saka sanay na ko sa kalakaran ng pagiging independent. Haha.

Tutal at nakakaya namang supplyan ni Dad ang mga kailangan ko. Lakas rin ng impluwensya eh.

Sya matutulog na ko.

Babush!

Magbu-beauty rest at dahil bukas ay pangit na ulit.

The Ugly Nerd of Section 3  (COMPLETED) gxgWhere stories live. Discover now