ALONA'S POV
Nasa salas ako ngayon ng bahay ko habang nakatambak sa harapan ko ang mga libro sa iba't-ibang subject na binrowse ko lang naman saglit at inaral ng konti.
Gabi ngayon ng Friday at payapa na sana ang aking mundo kung hindi lamang maingay na bumaba ang tatlong itlog na nakagayak.
"Oh my Zandz! Bakit ang sipag mo atang mag-aral ngayon? Saka bakit kung kailang gabi saka ka nagbabasa?",pangingialam ni Dianne na lumapit pa sa kinaroroonan.
"Wala ka na dun. San lakad nyo?",I asked na bahagya lang tumunghay at bumalik ulit sa binabasa.
"Bar hopping honeybunch! You're not going with us?",Aly asked at umiling ako.
Ang abala naman nila. Bwiset.
"Anong hindi? Sumama ka na samen. Akina nga yan!",sabi naman ni Nadz sabay kuha ng librong hawak ko at ibinato sa kung saan dahilan para mag-evolve ako.
"UTANG NA LOOB! KUNG AALIS KAYO UMALIS NA KAYO, OKAY? STOP BOTHERING ME!",I shouted habang nag-uusok ang ilong ko kase fave book ko pa ang ibinato nya.
Napamaang naman sila sa akin at nagtatakang sinundan ako ng tingin na kumuha ng ibang librong babasahin.
"Nagagalit ka? Friday kaya ngayon! TGIF dapat ang sigaw mo at hindi yung itinataboy mo kami",nakasimangot na balik ni Nadz sa pagsigaw ko.
"Tang-ina, kung alam nyo lang",I just said at bored silang tiningnan.
"Bakit? Anong meron?",Dianne asked curiously.
Palibhasa sa section lang namin umikot ang happenings kanina walang alam ang ibang section sa nangyari.
"Wala. Umalis na nga kayo. Busy ako di ako makakasama. Shoo!",taboy ko sa kanila at inirapan lang ako ni Nadz at sinimangutan ng dalawa.
Pero ayun at awa ng Diyos at iniwanan na rin ako.
Mag-enjoy sana sila. Mga bwiset eh.
Kinaumagahan, 8 pa lang nag-aaral na ko dito sa sala at ang tatlo ay mga tulog pa siguro. Ano bang oras na nakauwi ang mga yun, 3 na yata ng madaling araw.
Magte-10 na ng bumaba ang tatlo at nagsipag-tambay kasama ko sa living room na nagtataka pa rin ang mga itsura kung bakit ako nagpapakadalubhasa.
"Seriously? Pinanaktan na kami ng ulo sa hang-over tas ikaw libro pa rin ang inaatupag? Ano ba talagang meron?",usisa ni Nadz kaya bumuntong hininga muna ko bago tumingin. "At puro Mathematics pa ang subject? Ano balak mag-Mathematician?",dugtong pa nito habang nakatingin sa nakatambak na libro sa aking harapan na ibang set na.
Naitago ko na yung mga binasa ko kahapon. Ngayon Math naman.
"I had a deal with my classmate",I started then tell the story behind this studying so hard of mine chuchu.
Yung result ng exam, yung pang-aasar ko sa kanila, yung pakikipagsagutan ko, hanggang dun sa nabuo ang agreement na kapag hindi ko nareach ang dapat mareach magiging alipin ako ng Section 3.
"Ayy tanga! Mukhang napasubo ka! Sabi mo two to three lang dapat ang mali mo over 250 items? Eh ilang items ang kada subject?",tanong ni Nads matapos kong magkwento.
"Fifty",I answered.
Math, Filipino, Science, History, English.
"FIFTY?",nanlalaki ang matang sabi naman ni Donna, "Patay ka! Bobo ka sa Math di ba?",dagdag nya kaya binato ko nga ng isang libro. "Shit! Muntik na ko dun!",reklamo nya at pinandilatan ako ng mata.
BINABASA MO ANG
The Ugly Nerd of Section 3 (COMPLETED) gxg
Teen FictionSTORY DESCRIPTION: San ka nakakita ng babaeng panget na nga, ay malakas pa ang loob makipagsagutan sa iba? Wala pa ba? Panget sya pero mambabara. Panget sya pero mapanlait din. Panget sya pero malakas ang loob. At higit sa lahat, panget sya pero pal...
