Chapter 7:Jealous Again

29.4K 1K 135
                                    



ALONA'S POV

"Nerdy!"

Napalingon naman ako sa tumawag nun kase curious lang.

Sumigaw ba naman.

Nandito na nga pala ko sa parking lot, kararating ko lang.

Today is the celebration of the foundation day of Asuncion-del Prado University.

It's already 10 am kaya alam kong nagsisimula na ang event.

Gate pa lang kitang-kitang na ang magagandang gayak na hinanda ng mga estudyante hanggang dito sa parking lot may mga designs din.

Sa grounds kahapon pa lang, nagkalat na ang mga nakatayong booth ng bawat section from grade 7 to grade 12.

Naririnig ko na nga rin dito ang tugtugan na naset up sa iba't-ibang part ng campus eh.

Pero ang pinakabongga ang gayak ay ang gym. Formal occasion kase ang andun pero mamaya pang gabi.

Ngayong umaga dito muna sa palibot ng grounds ang mga dapat abangan.

Sa lawak nitong school, nagmukha pa ring carnival ang gayak ng lahat, lalo na at may mga nakatayong rides sa center ng napakalawak na soccer field sa likod.

Bahala na silang magtanim ng bermuda pag tinanggal na yung mga rides na yun.

"Nerdy to Earth!",kaway-kaway ni Steff ng kamay sa mukha ko.

Sya nga pala yung tumawag.

"Ang baho, layo",masungit kong taboy sa kamay nito.

"Ang arte di ka naman maganda ngayon. Haha!"

"Ano bang kailangan mo?",sabi ko tas nagsimula nang maglakad samantalang sumasabay naman ito.

"Di ka daw sumagot sa pag-invite sayo ni Yna sa pagsama samin next week sa out of town? Ayaw mo ba talagang sumama?"

Yan na naman tayo sa outing chuchu nila.

"I'm not interested"

Lalo kung wala naman si Ynari.

"Eeh? Bakit? Edi apat lang kami nyan? Sumama ka na kase para sumama din si Yna!",pagpupumilit nito na hinila-hila pa yung damit ko.

Ang arte ayaw man lang madikitan ng balat ko.

Psh.

"Wala akong kinalaman sa desisyon nya, si Aval ang ayain mo at nang sumama sya"

Totoo naman eh.

May hinihintay pa kuno.

"Ala nerdy, di mo kase gets!",maktol nito kase binabalewala ko kang sya.

"Panget lang ako pero hindi ako slow!",singhal ko dito.

Ang kulit nya ha, in fairness.

"Ala hindi kase! Pag hindi ka sumama hindi rin sya sasama!"

"Wag mo kaseng ipilit na gusto akong makasama nun. Saka ano bang kinalaman ko sa inyo ha? Nasisiraan na ba ng bait ang Section 3 tas ikaw yung naunang naapektuhan?"

"Di nga kase. Ang totoo kase nyan gu---"

"STEFFANIE!",sigaw mula sa bandang unahan namin na may hindi maipaliwanag na ekspresyon ang mukha.

Nakasimangot ito nang bongga kay Steff at nagsimulang maglakad palapit sa amin.

"A-Ano kase Yna, hmm, ah"

The Ugly Nerd of Section 3  (COMPLETED) gxgTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon