Chapter 14: Disappointed

23.9K 925 86
                                    



YNARI'S POV

Maaga akong dumating ng classroom.

Kahit naman kase nasa Section 3 ako minsan nagpapakabuti pa rin ako. Likas na nga lang saken ang magsungit kaya minsan iwas ang iba saken.

Hindi ko masyadong nakikita si nerd dahil two weeks na akong maraming ginagawa sa dean's office.

Pinapatulong kase ako ni dean na stepdad ko kay Inarah about sa student council chuchu na yun at para magkaayos na din daw kami. Alam kase nyang we're not in good terms kaya ganun.

At 2 weeks na rin akong pinadadalhan ng box ng messenger person daw ng secret admirer ko na ni isang beses kahit sino sa kanila ay hindi ko pa nakikita.

Naku-curious tuloy ako. Lalo at may isa akong tao na pinaghihinalaan.

Kase nagstart akong padalhan ng box na may lamang iba't-ibang kulay ng lotus flower figurine nung masuspend sila.

Mukhang gets nyo na rin naman ang tinutukoy ko?

At take note, nung icheck ko bawat figurines online, gosh, halos malula ako sa naging presyo nila. Hundred thousands ang halaga bawat isa.

Napapaisip tuloy ako kung ganun ba kayaman sina nerd para ma-afford yun kaya di pa rin ako kumbinsido.

Pero ewan ko ba saken kung bakit inaabangan ko na rin araw-araw na may makukuha akong box na naglalaman ng ganun ka-valuable na figurines.

Masasabi ko talagang original yun dahil ipinacheck ko ang isa sa jewelry shop at ipinakita saken ng staff dun kung pano magtingin ng real or fake.

And 14 different figurines of lotus flower na rin ang nakadisplay sa kwarto ko.

Hindi ko nga alam kung dahil ba sa halaga nung bawat isa o halaga ng inaakala kong syang pinanggagalingan nun?

Pero ewan ba kung bakit nangingiti ako. Peste, kinikilig ata ako?

Nasa muni-muni state ako when Steff ushered into my seat habang hila si nerd na ngayon ko lang ulit nakita kaya nawala ang ngiting nasa labi ko kanina lang.

Ehem, baka kase mahalata tayo dyan. Umiiwas nga ako eh di ba.

Tas ganun na lang ang naging bilis ng tibok ng puso ko nang makita ang box na itinuturo ni Steff na hawak ngayon ni nerd.

Oh My!

Sa kanya kaya galing ang mga yun?

Shete! Nakakakaba. Yna kalma lang! Hingang malalim. Wag pahalata. Sige magtanong ka na.

Pinakunot ko yung noo ko tas tinaasan sya ng kilay para magmukhang nagtataka talaga ako pero deep inside iwiniwish kong sana sya ang nagbigay.

Ewan rin kung bakit. Baliw na ata ang puso ko.

"Sayo nanggagaling ang mga box na tulad nito?",seryosong tanong ko at tinitigan sya baka sakaling masalamin ko ang saloobin nya. Misteryosa kase kahit nerd.

Yung mga kaklase nga namin himalang tahimik ngayon. Curious din siguro.

At dahil sa matagal nyang pagsagot mas tumitindi talaga yung anticipation ko na malaman kung sa kanya ba nanggaling ang mga lotus o hindi.

Nakikipagtalo ba sya sa isip nya o dahil hindi talaga sa kanya galing yun?

Aish!

Aminin mo na kase nerd!

Pag umamin ka may kiss ka saken! Babalewalain ko ang rule ko!

Pero naiinip na talaga ko. Grabe na sya magpakaba.

The Ugly Nerd of Section 3  (COMPLETED) gxgWhere stories live. Discover now