Chapter 10: Student-Teacher

26.9K 988 68
                                    



ALONA'S POV

"Community service for one week. You and 5 of your classmates na involved sa away last week",dean said at iniabot saken ang papel na naglalaman ng agreement na gagawin namin ang service o hindi kami makakapag-ojt next sem.

Nalaman na rin nya ang nangyari nung isang linggo pero ang unfair lang dahil anim lang kami na gagawa ng pesteng parusang to.

Nakaligtas ang Cyd na yun ah!

Piniramahan ko na lang ito at walang imik na lumabas ng dean's office.

Hindi nga sya masyadong nagsermon eh.

Lucky that he is nicer than that stupid disciplinarian, este judge.

Grabe manghusga eh.

"Oops!",someone reacted kase kasalubong ko sya paglabas ko ng pinto.

Nalaglag ang hawak nitong folder pero mabilis nya yung nakuha at tumunghay rin pagkapulot.

"Oh! Ms. Alona",she greeted nang marecognize ako pero napatitig lang naman ako sa mga mata nya.

Familiar talaga yung mga yun.

At nang makailang minuto pa napatampal ako sa noo nang maisip kung bakit.

Ang picture nitong si Inarah ang natatandaan kong ipinakita saken ni Nadz nung nasa OSU pa ko.

Bakit di ko naisip agad yun? Poor me.

"Hey, you alright?",Inarah said at hinawakan pa ko sa balikat para kunin ang atensyon ko.

"Ahh, oo. Una na ko",I said at ngumiti ng tipid na bihira kong gawin.

Taena, yun pala yung crush na crush ni Nadine Montello!

Pero naisip ko, mukhang mabait si Inarah para kay Nadz. Haha.

Napapailing na nagpatuloy ako sa paglalakad at muli na namang may nabangga pero nahawakan ko agad sa braso at hinila palapit saken.

Shit, kinabahan ako dun ah. Kala ko matutumba to ng tuluyan.

Ang bango naman nya.

"Miss, okay ka lang?",matinong tanong ko nang maiayos ko sya ng tayo.

"Not until you purposely bumped me",masungit nitong tugon na nakahalukipkip na ngayon sa harapan ko.

Pinigilan ko namang mapanganga dahil sa kaharap ko ngayon.

"Ynari",bigkas ko sa pangalan nya habang nakatitig lang sa mga mata nyang tila hinihypnotize ako.

Letse, pakiawat nga yung puso ko.

Hindi magkamayaw sa pagtalon eh.

"I know my name kaya tsupi! Di bagay sa panget ang humarang sa daraanan ko",sabi nya at bahagya pang hinawi ang balikat ko para makadaan.

Habang ako nama'y mukhang tangang nakasunod lang ng tanaw dahil nasilayan ko na naman si crush!

Ewan ko ba, kahit naman alam kong walang pag-asang magustuhan nya ko gusto ko pa ring nakikita at nakakausap sya.

Yun nga lang nababara ako.

Pero okay lang, crush ko naman. Hehe. Asan kaya ang tukmol nung idinedate.

Maghihiwalay din sila. Mwahahaha.

Masigla ang pusong nagtuloy ako sa classroom namin pero nang maalala ang punishment ayun at napasimangot na naman ako.

The Ugly Nerd of Section 3  (COMPLETED) gxgWhere stories live. Discover now