YNARI'S POV
"So, how's the examination?",Nadz asked when I arrived at my house na saktong kararating lang din nya.
Pinauwi ng maaga ang Section 3 para daw makapahinga lalo at napressure sa naging examination kanina.
As if napagod ako mag-isip.
"Ewan",I answered as I enter inside.
"Bakit? Di ka ba nagtake?",she asked while raising an eyebrow pero di ko pinansin. "Ano nga? Don't tell me nagcutting class ka?",she said kaya hinarap ko sya.
"Tanga mo",sabi ko at inirapan sya habang nag-aalis ako ng vest. "Hintayin mo na lang ang result",sabi ko at umakyat na ng stairs.
Nagtataka ako, kung bakit nandito na sya?
"Kelan daw ba ilalabas yun?",she asked again and followed me upstairs. Magbibihis na din ata.
"This Friday",I answered at pumasok na ng room ko.
Monday pa lang ngayon kaya 4 days to go pa before we get to know the results.
Pagkabihis ko lumabas ulit ako ng room ko at pumunta sa guest room.
"Nga pala, bakit nandito ka na? Wala ka na bang klase?",tanong ko kay Nadz na katatapos lang din magbihis.
"Oo. Pero may date ako kaya nauna na kong umuwi sa dalawa. So maiwan na kita ah",sabi nya at kinuha ang shoulder bag nya.
Kaya pala pang-alis ang get up.
"With who?",tanong ko kase baka hindi si Inarah. Busy yun eh.
"Inarah",she answered kaya napa-weh ako.
"Busy kaya yun. Sya nag-aasikaso ng answer sheets namin eh",sabi ko at nginisihan naman nya ko.
"Iintayin ko sya bakit ba. Babalik ako ng school, dun ko sya hihintayin. Nagbihis na ko para diretso na kami",she explained kaya tumango na lang ako.
"Don't forget your protection Nadz! Malandi ka pa naman",natatawang sigaw ko nang bumaba na sya ng hagdan.
"Gaga! Virgin pa ko!",ganting sigaw nya sabay taas ng middle finger at pabirong inirapan pa ko.
Buti pa sya, may lakas ng loob umamin na gusto nya yung tao.
Ako kaya kelan?
Poor Alona Zandra.
Panget na nga torpe pa.
(Fast forward)
Friday.
Kaharap na ulit ako ni Mr. Arañez, ang dean, at kasalukuyan akong nasa office nya.
Napapailing na tumingin ito saken sabay abot ng isang folder sa akin at nabasa kong may nakasulat na, 'Draft Examination Result (Section 3 - S.Y. 2018 - 2019)', sa ibabaw.
He looks disappointed kaya parang may idea na ko sa naging resulta.
"Flip the page and see it for yourself",he commanded and kinakabahan man ay ginawa ko pa rin.
Inexpect ko man na maraming hindi papasa pero hindi ko inakalang ganito ang magiging itsura ng scores na makukuha nila.
Tas nung ilipat ko ulit sa kabila.
Supposed passing rating percentage: 3%
Dammit!
Nanlulumong tiningnan ko ulit ang scores' results namin at muling bumungad saken ang mga namumulang mababang scores na umiikot lang sa 0-49 ang itinama ng bawat isa.
May mga naka-100+ naman kaso iilan lang din.
Maliban sa isang naka-209 na si Lorie De Guzman, 234 na si Ezekiel Chua, at 249 na si Ynari Aen Asuncion.
Imagine 32 students kami sa Section 3 pero tatlo lang ang pumasa?
Napakaimposible namang ganito lang ang pag-uutak meron ang mga kaklase ko?
Oh ghad, di ba talaga sila marunong mag-aral?
Anhin ko ako at sadyang hindi ko pinansin ang test items.
Pero sila?
Aish!
"Ganyan din ang naging itsura ko nang makita ang result. At sa tingin ko ngayon pa lang nag-iisip ka na kung paano mo sila matuturuang mag-aral",he commented as a matter of fact.
"But you noticed that I scored zero right?",panunubok ko at tiningnan sya sa mata.
"Well, I never believe that. And like what you did, not answering even just one item, maybe there are some of your classmates that didn't answer it too",he said kaya napaisip rin ako.
Oo nga noh.
Itatanong ko pa sana kung pano nyang nalaman na hindi ako nagsagot ay naunahan na nya ko.
"Inarah told me. And besides, I know your academic credentials from your previous school kaya magtataka talaga ako kung bakit zero ka gayong you're a one intelligent kid",puri nya kaya napangiwi na lang ako.
Intelligent daw.
"So pano ba yan, ikaw na ba ang bahalang magdiscuss nyan sa kanila o ako na lang?",he asked giving me options but I just choose the first one.
Prepare Section 3. Typhoon AZ is coming to town.
AZ is my initials by the way.
YOU ARE READING
The Ugly Nerd of Section 3 (COMPLETED) gxg
Teen FictionSTORY DESCRIPTION: San ka nakakita ng babaeng panget na nga, ay malakas pa ang loob makipagsagutan sa iba? Wala pa ba? Panget sya pero mambabara. Panget sya pero mapanlait din. Panget sya pero malakas ang loob. At higit sa lahat, panget sya pero pal...
