EPILOGUE

25.9K 407 17
                                    

Napakaraming nangyari, parang noon lang ay hindi kami magkasundo. Puro bangayan at asaran sa lamesa.

Napakasungit na babae at hindi ko marawi kung bakit ko nagustuhan.

Naghiwalay dahil sa hindi pagkakaintindihan ngunit nagkabalikan din. Naghiwalay ng tuluyan dahil sa isang kagaguhan.

Kay bilis ng panahon, isa nang sikat na modelo ang babaeng mahal ko. Apat na taon ko siyang hinintay.

Nang makita ko siya ulit ay nagulat ako, walang sinasabi si kelvin na nagtratrabaho pala ito bilang isang model sa sarili kong kompanya.

Nakilala ko ang anak namin at nagpakasal.

Ngayon ay masaya na ako sa buhay namin. Si janus na walong taong gulang at ang anak naming babae na si reinally, limang taong gulang.

Pinahinto ko na rin si veronica sa pagmomodelo at nagfocus sa mga anak namin.

"Dada!" Sigaw ng anak namin na si reinally at tumakbo palapit sa'kin.

"Pinahirapan mo ba si mama?" Nakangiti kong tanong sa anak ko, agad naman akong humalik sa pisngi ng asawa ko at ginulo ang buhok ni janus na nakaupo sa gilid.

"I'm a good girl." Sagot nito sa akin at pinaupo ko sa tabi ng kuya niya.

"Mom, i'm going to tita rox's house tomorrow. I'm going to play with timber." Paalam ni janus sa ina niya na kagagaling lang sa kusina. Dumiretso naman ako sa kwarto namin para mag bihis.

Pagbaba ko ay maingay sa sala, naabutan ko na kompleto ang barkada kasama ang kani kanilang mga anak na nakikipaglaro sa anak namin sa garden.

"I forgot to tell you that i invited them for dinner." My wife said while hugging me from behind. I just kissed her forehead.

Inayos naming mga lalake ang lamesa dahil dito kami sa garden kakain samantalang ang ibang babae ay nasa kusina para magluto at ang asawa ko naman ang nagbabantay sa mga bata.

"Kainan na!" Sigaw ni roxie nang maayos na nila ang hapag kainan. Nagsipuntahan naman ang mga bata sa kanilang mga magulang.

Masayang kumakain at nagkakatuwaan ang lahat. Agad naman akong dinaluhan ng maganda kong asawa.

"Are you happy?" Nakangiti nitong tanong sa akin. Agad ko naman siyang niyakap mula sa likod.

"I'm more than happy." Sambit ko sa kanya at hinawakan ang tiyan niyang may umbok na.

"I love you." Nakangiti nitong sambit sa akin at tinignan ako.

"I love you too." Sagot ko sa kanya at hinalikan siya sa labi. Para naman kaming may sariling mundo rito sa isang gilid.

"Hoy love birds, mamaya na kayo magpaka sweet. Gutom na mga anak niyo!" Sigaw ni roxie sa amin kaya natatawa ko itong nilingon at agad namin silang dinaluhan at pinakain na ang dalawang anak namin na nakaupo na.

I don't have any wish anymore.

I'll treasure these family that i have.

Until our next chapter everyone.

I am Jaxx Clement Santos, signing off as your Playboy. This is my wife, Shan Veronica Mercado, signing off as The Campus Playboy's Girlfriend.

THE CAMPUS PLAYBOY'S GIRLFRIEND CompleteDonde viven las historias. Descúbrelo ahora