CHAPTER 23

18K 256 6
                                    

Pagkagising ko ay parang hinalukay ang tiyan ko kaya dali dali akong pumasok sa banyo at dumuwal. Nang matapos ay nagmumog ako at nagpunas ng mukha.

"Hello safy?" Sagot ko sa tawag na kanina pa nambubulabog sa'kin.

"Girl ano na kailan ka papasok?" tanong ni safy sa'kin.

"Bakit?" tanong ko pabalik sa kanya at saglit siyang natigilan.

"Break na ba ulit kayo?" tanong niya rin sakin. Hilig sumagot ng tanong din eh.

"Hindi, why?" sagot at tanong ko rin sa kanya at ilang minuto bago siya sumagot.

"Girl may nakakita raw kay jaxx at allaine kissing sa school parking lot no'ng isang araw and kalat na rin na sila na raw at break na kayo." Nag aalala niyang sagot sa'kin.

"It's just a rumor." balewalang sagot ko sa kanya.

"Hayaan na nga. By the way pumapasok sila roxie rito no'ng wednesday pa." balita niya sa'kin. They're too early.

"And then?" tanong ko pa sa kanya nakikibalita sa kaganapan.

"Ayon binubully si allaine. Grabe girl bully pala sila kaso si jaxx to the rescue." sagot ni safy sa'kin.

"Sige papasok ako mamaya." sagot ko sa kanya at nagpaalam na, saka ko tinawagan si ate jen. This is the better choice between us.

"Hello veronica?" sagot ni ate jen sa tawag ko sa kanya.

"I'll accept the offer" sagot ko agad sa kanya at narinig ko na lang siya na nagsasaya.

"Aalis na tayo tomorrow agad" declare ni ate jen at nagpaalam na. Bumaba na rin ako at nagpaalam kay mama na papasok na'ko pero dumiretso muna ako sa clinic ni tita trina kasi ansama ng pakiramdam ko.

"Veronica, napadaan ka?" gulat na tanong ni tita trina pag pasok ko sa clinic nya.

"Tita i'm not feeling well nagduwal ako kanina tapos sumakit ang ulo ko after." sagot ko sa kanya kaya kumunot noo siya sa'kin.

"Let me check you." sagot ni tita trina at kahit ayoko sa injection ay nagpakuha na rin ako ng dugo.

"Tita." saad ko kay tita trina ng makalabas siya sa clinic n'ya at may hawak na card board.

"Veronica alam na ba ng parents mo?" tanong niya sa'kin habang nakatingin sa card board na hawak.

"Ang alin tita?" Tanong ko sa kanya ng nakakunot noo.

"You're 8 weeks pregnant." Sagot ni tita sa'kin kaya napatulala na lang ako sa gulat at namalayan ko na lang ang sarili kong nakahawak sa tummy ko.

"Mommy na ko." Nakangiti kong sagot kay tita at napangiti na rin siya.

"Sabihin mo 'to sa mama mo ah." utos sa'kin ni tita kaya naman tumango ako at nagpaalam na. Dumiretso ako sa 7/11 para bumili ng vitamilk.

***
Pagdating ko rito sa school ay parang naninibago ako pero ipinagsawalang bahala ko na lang ng biglang may umangkas sa likod ko at sa gulat ko ay inalis ko agad at humarap sa kanya.

"What the hell, rox." gulat kong saad sa kanya at tinawanan niya lang ako.

"Bakit ngayon ka lang." natatawa niyang tanong sa'kin. Baliw rin.

"Hindi ako magtatagal kukunin ko lang yong mga form ko at tatapusin ko lang ang dapat tapusin." Sagot ko sa kanya kaya kumunot noo siya.

"Saan ka pupunta?" tanong niya sa'kin ng biglang dumating ang iba naming kaibigan.

"Sinong aalis?" tanong ni shai sa'kin ng nakakunot noo.

"I'll go to america tomorrow for my modeling career." sagot ko na nagpagulat sa kanila.

"What!" sabay sabay nilang sabi kaya napatakip na lang ako ng tainga.

THE CAMPUS PLAYBOY'S GIRLFRIEND CompleteWhere stories live. Discover now