CHAPTER 9

20.7K 301 2
                                    

Kinaumagahan ay maaga akong nagising at nang pagmulat ko ay wala na sa tabi ko si jaxx kaya naligo muna ako at nagbihis na pero paglabas ko ay nadatnan ko naman si jaxx na nakaupo.

"Oh? galing ka sa baba?" Tanong ko sa kanya at tumango naman ito.

"Oo, tumulong ako kay tita. Tara na." pag-aya niya sa'kin saka kinuha ang bag ko at bag niya bago kami bumaba.

Nang natapos na kaming kumain ay dumiretso kami sa school at naghiwalay ng landas. Dumiretso ako sa Student council Office. Nang makarating ako ay binati naman nila akong lahat.

"Goodmorning veronica." sabay sabay nilang bati sa'kin.

"Goodmorning." Pagbati ko rin pabalik sa kanila.

"Where's yzhee?" Pag tatanong ko naman sa kanila.

"I'm here miss veronica." Pagpukaw ng atensyon sa'kin ng babaeng hinahanap ko.

"Asan na 'yong list copy na pinagawa ko sayo?" Agad kong tanong sa kanya at tumalima naman siya para kunin sa table.

"Ito po." at inabot niya sa'kin yong listahan ng pinag usapan naming booths.

"By the way yzhee, just stand by at ibibigay ko na lang sayo ang time and date ng meeting for all the players. Okay?" Utos ko sa kanya at nagpaalam ng aalis.

Nang makarating ako rito sa office ni kuya blake ay chill na chill itong kausap ang babae na ewan kasi if i were to describe her ay kasing edad niya lang si kuya blake.

"Oh veronica ang aga mo ah." Bati sa'kin ni kuya ng mapansin niya ako.

"Madami pa akong tatapusin eh, ito na nga pala 'yong mga napagkasunduan namin sa meeting kahapon. Pirma mo na lang ang kailangan." Sabi ko at inabot ang list sa kanya nang lumingon ang babaeng kausap niya.

"Oh my ghod! Veronica is that already you!?" Gulat na saad ng babae sa'kin at nang pag tingin ko ay si ate jennie pala.

"Ate jennie, kailan ka pa nakabalik? How are you?" Sunod sunod kong tanong.

Siya ang fiance ni kuya blake na sinasabe ko at galing siyang state dahil do'n ang photoshoot nila. Ang tagal niya ring nawala.

"Kagabi lang veronica and i'm good." Sagot niya sa'kin at yumakap.

"Ikaw ba, how are you? Planning to accept my modeling proposal for you?" Pinipilit niya kasi akong magmodel but it's not my thing.

"That's good ate jen, and ate saka na lang siguro." Sagot ko at yumakap pabalik sa kanya. Nang maghiwalay kami ng yakap ay nagsalita si kuya.

"Oh sige na tama na yan, lets' eat first." Sabi niya at saka ko lang napansin na um-order pala siya ng pizza at Hot frappe.

Nang matapos kaming kumain ay saka nagsalita si kuya. Sinusuri ang list ng tumunog ang phone ko hudyat na may nagtext sa'kin kaya tinignan ko.

From: Safy ♡
Girl, Di ka sasabay sa'min?

To: Me
Can't come eh, Bakit? Sa lunch ako sasabay.

From: Safy ♡
Okay, Pero kumain ka na ng for break? And you won't believe this veronica. Kasama lang naman ng boyfriend mo yong new transferee.

To: Me
Yup, and anong ginagawa ng transferee na yan with my boyfriend?

From: Safy ♡
Para silang mag-on, Daig pa magjowa mygosh nakakairita sila. I wish you were here.

To: Me
Malisyosa ka lang siguro, oh sige na i'm going to work my ass off here. Bye.

From: Safy ♡
Okay.

Napaparanoid na naman ang aning na yon hays. She's always like that lalo na at naging playboy noon si jaxx. Bumalik na ako sa visiting area para mag umpisa.

THE CAMPUS PLAYBOY'S GIRLFRIEND CompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon