CHAPTER 34

19.2K 313 13
                                    

Tatlong buwan ang nakararaan at walang araw na hindi ako binibwisit ni jaxx. Lagi siyang nagpapadala ng kung ano ano.

Kabi-kabilaan ang bawat shoot dahil sa mga shop na kumukuha sa akin upang maging endorser ng mga paninda nila. Ngayon ay andito kami sa conference hall dahil may meeting na magaganap para sa bagong launching ng kompanya.

"Goodmorning everyone." Paunang bati ni jaxx na nasa harapan at nasa kabilang dulo naman ay si kelvin at ako'y nasa gilid nila.

"Goodmorning Mr. CEO." Bati nilang lahat habang ako'y nakapangalumbaba at nilalaro ang bote na nasa harap ko.

"Oh, goodmorning miss aine." Bati ulit nila ng bumukas ang pinto ng conference room.

"Ehem." Biglang ubo ni kelvin kaya nilingon ko ito at siya nama'y nagpapatay malisya kaya naman nilingon ko yong Miss Aine.

Allaine.

She's Miss Aine.

Napangisi naman ako at nang bumaling ako sa harap ay nakatitig si jaxx sa'kin kaya naman inungusan ko ito at saka umirap. Narinig ko naman ang mahinang bungisngis ni kelvin.

"So i was saying, we'll be having a new launch for our company's clothing line and i'm thinking na si Miss Shan ang magmomodel ng mga ito. " Wika ni jaxx, agad namang nagbulungan ang mga tao sa loob ng conference room.

"What's the sudden change of a model kung andiyan naman si Miss Aine?" tanong ng karamihan sa mga andito.

"I agree with them jaxx. Kilala na ako ng mga tao, magiging mabenta ang mga ilalaunch natin." Sabat ni allaine at sumang ayon naman sa kanya ang ilan.

"Excuse me but i thinking mas magiging mabenta ang mga ilalaunch ng JCL if bagong mukha ang makikita nila." Sabat ko sa usapan at napalingon naman silang lahat sa'kin kasama si allaine. Kita ang gulat sa kanyang mukha.

"I agree with Miss Shan, consumers also need new face. We need new." Sabi ng isang babae at sumang ayon naman sa kanya ang kalahati.

"Pero syempre, maninibago sila. Magtataka kung bakit bago na ang model na ito." Sabat ni allaine na ayaw magpatalo kaya naman nagtaas ako ng kamay.

"Yes Miss Shan?" Wika ni jaxx, napatingin naman ulit sila sa akin kasama niyon ay si allaine.

"Consumers can adjust with the new environment. As y'all can see, i'm one of the Top International Model and i work in S.V Company in america. In that case, mas magiging successful ang mangyayaring launching." Pahayag ko. Sumang ayon naman ang karamihan, gayundin si kelvin.

"I agree with Miss Shan, we need new face para may makitang bago ang mga tao." Turan niya at napatango naman ang ibang members.

"Raise your left hand if you want, Miss Aine to be the face of our new launching and for Miss Shan, raise your right hand." Sambit ni jaxx, nakita ko naman si allaine na nakangisi sa'kin kaya naman prente akong sumandal sa upuan at tinignan siya.

"Kanina pa nakatingin si jaxx sayo." Bulong ni kelvin kaya naman nilingon ko si jaxx at tama nga ito. Pinagkunutan ko naman ito ng noo dahil sa pagtataka.

"Majority wins, Miss Shan will be the face for our launching." Biglang wika niya at nagulat naman ako sa pagdadabog ni allaine bago umalis.

Napailing naman ako sa inasta niya at saka tumayo. Nakipagkamay at nagpasalamat sa pagboto nila sa akin para sa project na ito. Nagpaalam na rin sila isa-isa hanggang sa kaming tatlo na lang natira rito.

"Congrats." Bati ni kelvin sa akin at tinapik ako sa balikat bago nagpaalam kay jaxx na aalis na.

"Congrats veronica. You deserves it." Wika ni jaxx kaya naman tinanguan ko lamang siya at nagpaalam na pata umalis. Naramdaman ko namang nakasunod siya, marahil ay papunta ito sa kanyang office.

**********
Napaka daming nangyari sa bawat araw na nagdaan. Naging busy kaming lahat para sa launching ng kompanya kaya naman hindi ko na naigagala ang anak ko.

Naging maayos naman ang set up namin ni jaxx, kinalimutan ang nakaraan. Nag uusap paminsan minsan tungkol sa trabaho.

Ngayon ay igagala ko ang anak ko dahil matagal na rin kaming hindi nakakapasyal at ngayon ay kasalukuyan kaming nasa mall kasama si alistair.

"Where's mia?" Tanong ko kay alistair habang buhat niya si janus na nakasubo ng lollipop.

"She's with my parents. Gusto raw nilang maka bonding kaya ipinunta ko ro'n." Sagot niya sa'kin kaya naman tumango ako.

"Mama, hungry." Janus said while pouting kaya naman ginulo ko ang buhok niya.

"Where do you want to eat, baby?" Tanong ni alistair at ang ending. Sa huli ay rito kami napadpad sa isang restaurant at papasok pa lang kami ay siyang paglabas ni jaxx kasama si allaine na naka angkla sa braso niya.

"Veronica." Gulat na bati ni jaxx at napatingin sa likod ko.

"Date?" Tanong ko sa kanya, tinignan ko naman si allaine na nakangisi sa'kin.

"Yeah. Ang cute naman ng family mo." Sagot ni allaine sa tanon ko kay jaxx. What? Family? Ghod she's insane.

"Mama! I'm hungry!" Reklamo ng anak ko na nakanguso na kaya naman natawa si alistair sa kanya.

"Okay, we're going to feed your tummy. Let's go shanny." Pag aya ni alistair at nauna nang pumasok sa loob.

"See you around jaxx, allaine." Paalam ko sa kanila bago pumasok. Tinanguan lamang niya ako at saka sila umalis na.

"Nag order na ako ng food natin." Sabi ni alistair ng makarating ako sa table namin kaya naman tinanguan ko ito.

Nililibang nito si janus habang ako ay nag iisip. Ang mga mata niya, parang andaming sinasabi. Was he hurt? You're confusing me jaxx.

"Hey are you okay? Hindi mo ginagalaw ang pagkain mo." Biglang sambit ni alistair. Dumating na pala ang order namin at kumakain na si janus sa kanyang upuan.

"I'm fine, lets eat." Wika ko at nagsimula na kaming kumain.

Nang matapos kaming kumain ay ipinasyal namin si janus. Naglalaro lamang sila sa Tom's World ng kung ano habang ako ay pinapanuod sila.

***
Jaxx POV:
Andito ako ngayon sa TRAJIKA BAR, inaya ko yong tatlong kumag para uminom. May pamilya na siya. Akala ko'y magkakaroon pa ng pagkakataon na maituloy ang sa amin.

"Sup." Bati nilang tatlo na sabay sabay dumating at umupo sa tabi ko.

"Ngayon na lang tayo nakapag bonding, grabe sobrang busy." Naiiling na turan ni davis at nagsalin ng alak sa baso niya.

"She's back." Paunang sambit ko sa kanila. Nilingon naman ako ni harvey at davis.

"We know. We're at her Welcome home party." Sagot ni harvey at sumandal sa upuan.

"And she's already married with one child." Pagpapatuloy ko sa sinabi. Agad naman silang tumingin sa'king tatlo na mukha hindi naniniwala.

"Who told you that?" Tanong ni harvey sa akin na animo'y nagtataka.

"I saw them a while ago." Sagot ko. Natahimik naman ito at animo'y may iniisip na malalim.

Katahimikan.

"Kuya kelvin?" Tawag ng isang babae at pagtingin namin ay si safiya pala kasama ang boyfriend niyang si kiel.

"Oh, what are you doing here?" Tanong ni kelvin sa pinsan niya. Nakipag beso naman ito sa amin.

"I'm with my officemates. Sinamahan lang talaga ako ni kiel." Sagot niya kaya napatango kami. Nag uusap naman si davis at kiel sa gilid.

"Safy, may nakwekwento ba sayo si veronica na may pamilya na siya?" Tanong ni harvey sa kanya. Napaisip naman ito bigla.

"Wala naman but i saw her na may kasamang bata before. Sabi ko nga ay may kahawig, hindi ko lang matukoy kung sino." Sagot niya kay harvey at ako nama'y nakikinig lang.

"Alistair Ramirez, familiar?" Tanong ni kelvin dito. Saglit namang natahimik si safy.

"Hindi eh." Sagot niya at natahimik na ulit kami.

You're confusing me veronica.

*End of POV

THE CAMPUS PLAYBOY'S GIRLFRIEND CompleteWhere stories live. Discover now