CHAPTER 16

18.5K 261 1
                                    

"Miss Veronica hindi raw makakarating 'yong emcee natin paano na 'yan?" Bungad ni yzhee sa'kin pag dating ko pa lang dito sa school at lahat sila nagkakagulo na.

"Everyone, stay calm!" pagpapatigil ko sa kanila. Stress na nga 'ko kay jaxx tapos ngayon pa? nakakainis na ah. Nagsitahimikan naman silang lahat.

"Veronica hindi makakarating 'yong emcee at malapit ng mag umpisa." Pahayag ni cheryl sa'kin.

"Tinawagan niyo na ba?" tanong ko sa kanila at si nisha naman ang sumagot.

"Yes pero ang sabi hindi raw makakarating may emergency raw." sagot ni nisha sa'kin.

"Yzhee tawagin mo si Safiya Erlano." Utos ko kay cheryl at inutusan ko na silang lahat na natitira rito na magsisimula na.

"Veronica pinatawag mo raw ako, what for?" Tanong ni safy pagkarating dito kasama si yzhee na pinaalis ko na.

"Pwede ka bang mag emcee?" Diretso kong tanong sa kanya.

"Of course." Nakangiti niyang sabi sa'kin kaya dumiretso kami sa stage at ando'n na ang halos apat na school.

"GOODMORNING EVERYONE! READY NA BA KAYO!?" Pagsasalita ni safy sa stage.

"OO!" Sigaw nilang lahat na animo'y excited na sa interhigh.

"GO A.U! A.U! A.U!" Sigaw ng mga taga adonis university. They are all boys school.

"C.U FOR THE WIN! CLAIRESTINE! GO CLAIRESTINE!" sigaw ng all girls school of clairestine university.

"GO GRAVIN U. GO GO GRAVIN! GRAVIN UNIVERSITY!" sigaw ng dati kong school.

"HARISSON FOR THE WIN! HARISSON IS THE BEST!" at hindi magpapatalo ang school namin.

"Wow mukhang excited na ang lahat ah! So lets' proceed to the gym for the H.U and A.U match game." Announce niya at lahat sila ay nagproceed sa gym kasama na si safy ro'n.

Habang papasok kami sa loob ng gym ay nakikita ko ang mga pamilyar na mukha na mula sa gravin at bumabati sa'kin.

"Veronica dito tayo." Aya sa'kin ni nisha sa isang bleacher dito sa baba kaya naman sumunod ako. Naabutan naming lamang na ang school namin. 20-18 na, two points ang lamang namin sa A.U

"Alis na'ko, cheryl pagkatapos ng 3rd match break nila mag ayos ka na. Tayo ang susunod." Paalam ko sa kanila after an hour at lamang pa rin kami.

"Oh sige veronica." Sagot niya lang sa'kin kaya umalis na'ko at pumunta sa locker ko para kunin ang damit na susuotin namin.

"Please welcome the Captain ball of harisson, Veronica and her team." announce ng referee at lumabas naman kami ng team ko.

"Go Harisson!!!"

"GO GO HARISSON!!"

Sigawan nilang lahat at kumakaway naman ang mga team ko. Nakita ko na ang team ng Clairestine and all of them are spoiled brat.

"Cheryl, spike!" sigaw ko kay cheryl at inspike naman niya. Hindi nasalo ng kabilang team hanggang sa matapos ang match at kami ang panalo. Dumiretso ako sa shower room ng volleyball team.

"Alam niyo ba nanuntok si jaxx kanina." Sabi ng isang 4th year student.

"Oo nga eh tapos wala pa ro'n si Queen Veronica." Sabi naman ng isa nilang kaibigan.

"Ano kayang nangyari? Si allaine lang nakita ko ro'n eh." Sabi ng isa pa.

And so on. Natapos naman ang buong araw at sobrang nakakapagod. For the final match Harisson Vs. Gravin in basketball and volleyball game, tapos booths na. Magpeperform na kami kinagabihan.

"Kuya blake matutulog ako sa bahay niyo tonight para sabay na tayo bukas. Sinong kasama mo ro'n?" Paalam ko sa kanya. For sure nasa bahay si jaxx eh.

"No problem, si jen lang kasama ko ro'n." He said without taking his eyes off of the laptop. Siguro checking backgrounds. Bigla akong napatingin sa pinto ng may kumatok at nagsalita from behind.

"Uh Good afternoon dean and miss veronica may kailangan po kayong makita." Nag aalangang baling ni charlotte sa'kin kaya nagtataka akong tumingin sa kanya.

"Susunod ako." Sagot ko lang sa kanya at agad naman itong umalis.

"Ano 'yon?" Baling na tanong ni kuya blake sa'kin.

"Don't know titignan ko lang." Paalam ko sa kanya at lumabas naman ako ng office. Pagdating ko sa kumpulan ay nakita ko si allaine.

"You bitch! D*mn you! Nilandi mo ang boyfriend ko." Sigaw ng isang nanggigigil na babae sa kausap niya. Hindi ko makita ang mukha dahil nakatagilid.

"Really? Wala akong nilalandi nagpatukso lang siya." Ngising saad niya sa babae na tila inaasar pa ito.

"Hindi siya matutukso kung walang tumukso! Transferee ka lang pero kung umasta ka akala mo kung sino ka." Gigil pa ring saad niya at bago pa lumala ay sumabat na'ko.

"What's going on here?" Tanong ko sa lahat nang biglang tumingin sa pwesto ko na animo'y nagulat.

"Queen, this transferee is hooking up with my boyfriend. I saw her and my boyfriend almost making out in the locker room." Sumbong sa'kin ng babae.

"Another commosion allaine? I will not tolerate your slutty action in this school. Go to the detention office." Makapangyarihan kong sabi sa kanya.

"Why would i follow your order?" Taas kilay niyang tanong sa'kin.

"Hinalikan mo si jaxx sa likod ng gym and now you're making out with a guy in the locker room. Talaga bang linta ka at masyado kang madikit sa mga lalakeng may girlfriend." Prangka kong sabi sa kanya causing everyone to gasp at nakakarinig na'ko ng mga bash.

"Bitch!" Sigaw niya sa'kin at akmang susunggaban ako ng sabunot pero bago pa 'ko umilag ay may sumangga na nito.

"Pumapayag ka lang na inaapi ka shan?" nang aasar na sabi ni kiana.

"Did we heard it clear? Nagbreak kayo ni jaxx because of her?" Tanong ni roxie.

"Narinig niyo naman diba?" Pagtataray ko sa kanila, isn't it obvious.

"Init ng ulo ah." sabat ni shai na nasa gilid lang pala nakamasid.

"Tss asan sila trav?" Tanong ko because obviously lagi silang magkakasama.

"Nanchixx sasama nga sana kami eh." Natatawang sabi ni dom kaya napailing na lang ako.

THE CAMPUS PLAYBOY'S GIRLFRIEND CompleteWhere stories live. Discover now