CHAPTER 36

19.4K 280 2
                                    

Nang makarating kami rito sa floor ng office niya ay gulat akong tinignan ni sera na mukhang nagchecheck ng emails. Mas lalo itong nagulat sa batang nasa tabi ko.

"M-miss shan." Utal nitong bati sa akin, palipat lipat ang tingin sa amin ng anak ko.

"Is jaxx inside?" Tanong ko sa kanya. Agad naman itong tumango kaya kumatok ako bago pumasok.

Nakita ko naman siyang nakayuko sa mga papeles na mukhang pinipirmahan niya kaya naman tumikhim ako para maagaw ang atensyon niya at hindi naman ako nabigo.

"Kanina ka pa ba r'yan?" Tanong niya sa'kin na mukhang hindi pa napapansin ang anak niya sa gilid ko.

"Yeah." Sagot ko sa kanya at naramdaman ko namang mahigpit ang kapit ni janus sa suot ko kaya nilingon ko ito at napalingon din siya.

"Is he my son?" Tanong ni jaxx sa akin na nakatingin lang sa anak niya, tumango naman ako bilang sagot. Makikitaan ng pagkagalak sa kanyang mga mata.

"Daddy?" Inosenteng tanong ng anak ko na sa akin lamang nakatingin. Agad naman akong tumango at nginitian siya.

"You're my son." Manghang turan ni jaxx na nakaluhod na sa harap ng anak niya. Makikitaan naman ng pagkamangha sa mukha ng anak ko.

"Daddy!" Sigaw nito sa tuwa at saka yumakap sa ama. Napangiti naman ako sa mag ama. Ngayon ko lamang nakita ang anak ko na ganyan kasaya.

"Iiwan ko muna siya sayo. May tatapusin lang akong shoot." Pagputol ko sa kasiyahan nilang dalawa, napatingin naman sa akin ang anak ko at ngumuso.

"Hungry mama." Sambit nito habang nakahawak pa sa tiyan niya at hinihimas himas ito.

"Eat with daddy okay? I'll be back." Sagot ko sa anak ko, nakita ko namang nakatingin si jaxx sa akin.

"Kumain ka na ba?" Tanong nito sa akin at tumayo mula sa pagkakaluhod.

"I'll eat pagkatapos ng photoshoot." Sagot ko sa kanya. Binuhat naman nito si janus at tumingin sa akin.

"Lets eat." Sambit nito at hinila ako palabas, gulat namang napatingin si sera sa amin at nagpabaling baling ang tingin sa mag ama.

"I still have shoot, jaxx." Pag tanggi ko ngunit para itong walang naririnig.

"Cancell all my appointment for today sera. Kapag may naghanap, sabihin mong wala ako." Utos ni jaxx at agad namang tumango ang kanyang sekretarya kaya naman hinila na ako nito paalis.

Halos lahat ng madaanan namin ay nakatingin sa amin. This will be a big messs jaxx.

***
Matapos naming kumain sa labas ay iniwan ko muna si janus sa ama niya at bumalik sa studio. By Friday ay ilalaunch na ang bagong products ng company kaya naman lahat ay busy.

"Miss Shan, totoo po bang anak ni sir clem si janus?" Bungad na tanong ni mash sa akin, nang makarating ako rito sa studio.

"Saan mo naman nasagap yan?" Tanong ko sa kanya kahit alam ko na dahil mula nang makabalik kami ay puro bulungan ang maririnig.

"Kalat po kasi sa buong building eh." Sagot niya sa akin. Napailing naman ako at hindi na siya sinagot pa.

"Where's Veronica!" Sigaw mula sa pinto ng studio. Napatingin naman ang halos karamihan doon. Allaine.

"I'm here." Sagot ko sa kalmadong boses, napatingin naman ito sa pwesto ko at naglakad patungo sa'kin.

"Just resign already and leave! We don't need you here!" Sigaw niya kahit magkalapit lang kami. Mukha na itong sasabog sa sobrang galit.

THE CAMPUS PLAYBOY'S GIRLFRIEND CompleteWhere stories live. Discover now