CHAPTER 30

18.4K 256 3
                                    

Andito kami sa dressing room at nakikipagkulitan sa mga kasama ko rito. Bigla namang pumasok ang ibang mga co-models ko.

"Miss Shan, ang galing niyo po. Pwede bang papicture?" Nag aalangan na tanong ng isang model. Agad naman akong tumango at nakipag picture sa kanila.

"Grabe, kahit ang ibang mga modelo ay namangha sayo miss shan, i'm so lucky na mapunta sayo." natutuwang turan ni mash kaya natawa naman ako.

"Oo nga pala, kilala niyo ba ang may ari nitong JCL? Si Kelvin lang kasi ang nakausap ko eh." wika ko at agad namang sumagot si hailey.

"Ay si sir clem. Masungit yon, parang menopausal baby pero mabait naman kay ma'am aine." sambit ni hailey kaya napatango naman ako. Clem it is.

"Ang alam po namin ay magkakaroon ng isang pagdiriwang para sa ika apat na taon ng kompanya at lahat ng tauhan at models ay invited baka po andoon din si sir clem." sabat ni titania, ang nag aayos ng mga susuotin ko.

"Kailan naman?" Tanong ko sa kanya pabalik habang inaayos ni hailey ang buhok ko.

"Ang narinig ko ay sa sabado po." sagot niya sa'kin. Napaisip ako kung may gagawin ako at naalala ko ang paanyaya ni alistair.

"Kailangan bang pumunta lahat?" Tanong ko sa kanya at umiling naman ito. Siguro ay sasaglit na lamang ako at diretso na sa bar.

"Miss Shan, pinapatawag na po kayo for final shoot." pag tawag ng sekretarya nila Arc kaya naman sumunod na ako.

"For final shot. Shan, put your hand to  his face and look at him with full of love. Prince, hug her waist at ilapit mo ang mukha sa kanya." utos ni Virk sa amin na sinunod naman naming pareho. Pinapaalalahanan ko naman siya na laging kumalma dahil halatang amateur model ang isang to.

"Shookt bagay sila ni prince!"

"Ang chemistry nila sh*t"

"Kinikilig ako girl!"

Ilan lamang yan sa bulungan ng mga babaeng model sa paligid namin. Tinignan ko naman si prince sa mata.

"Bagay raw tayo." sambit ko sa kanya at namula bigla ang pisngi niya habang nanlalaki ang matang nakatitig sa'kin.

"A-ah hehe. W-wag mo na lang pansinin." utal niyang turan sa'kin kaya naman natawa ako ng mahina at bigla na lang nagflash ang camera.

"Nice shot. We're done guys." anunsyo ni Virk na kumuha sa litrato namin, tinapik ko naman ang balikat ni prince at saka nauna. Puro bati ng mga co-models ko ang sumasalubong sa akin at todo salamat naman ako.

"Bye guys." paalam ko sa kanilang lahat at nauna ng umalis.

***
Dumiretso naman ako rito sa isang cafe shop na malapit sa building para um-order .

"One espresso please." sambit ko sa order ko at agad naman itong tumalima kaya umupos ako sa malapit na table.

Nakatingin lamang ako sa labas habang hinihintay ang order ko nang mahagip ko si allaine at isang babae na naglalakad sa kabilang lane.

"Ma'am here's your order." sambit ng staff at kinuha ko na ito saka lumabas. Nakita ko naman sila allaine na patawid kaya napangisi ako. Same old allaine.

Dumiretso na ako sa sasakyan ko at umuwi na sa bahay. Pag dating ko ay may kotseng nakaparada sa labas kaya naman dali dali akong pumasok at nakita ang anak ko na nakikipaglaro kay alistair.

"Baby, mama's home." pagkuha ko sa atensyon niya at hindi naman ako nabigo dahil agad itong lumapit sa'kin.

"I miss you mama." sambit nito at hinalikan ako sa pisngi. Pinapunta ko naman ulit siya sa tito alistair niya para makapag palit na ako.

**********
Nang matapos akong magbihis at mag ayos ng sarili ay dumiretso na ako sa sala at nakita ko namang andoon na rin si mia na nakikipaglaro.

"Kanina pa kayo rito?" Tanong ko kay alistair pagkatapos kong umupo sa single sofa. Nilingon naman niya ako.

"After lunch pa, ipinasyal ko si mia sa mall. Isinama namin si janus." sabi niya sa'kin at tinignan ko ang nilalaro ni janus.

"Really alistair? Binilhan mo na naman ng laruan." sambit ko at napahawak sa noo ko. He loves spoiling janus.

"It's just a lego, shan. Come on." depensa niya kaya naman inirapan ko lang siya at sakto namang lumabas ng kusina ni jayshin.

"Kuya alistair, dito na raw kayo mag dinner sabi ni mama." sambit nito at dumiretso na sa kwarto niya. Laging busy ang babae na yon.

"Alistair, ayokong binibilhan mo ng kung ano anong laruan ang anak ko. Andami niya pang laruan, naii-stock lang naman." pangangaral ko sa kanya at tinatawanan lang siya ni mia habang ang anak ko naman ay busy sa paglalaro.

***
Dumaan ang mga araw at ngayon ay sabado na. Nag aayos na ako para sa party ng company. I'm just wearing a simple black backless dress na may slit sa left side.

"Mama, why you wearin dress?" Tanong ng anak ko na nakaupo sa kama namin. Nilingon ko naman ito matapos ko maglagay ng lipstick.

"Mama is going somewhere, sleep okay? Don't wait mama." sabi ko kay janus at inosente naman itong tumingin sa'kin.

"You going home late mama?" Tanong ulit niya sa'kin. Tinanguan ko naman ito at hinalikan sa noo, idinaan ko naman siya sa kwarto nila ash para ro'n matulog.

Pagdating ko sa loob ng convention ay lumakad ako sa red carpet. Flash ng mga camera ang sumalubong sa'kin, todo ngiti naman ako nang bigla akong salubungin ni kelvin.

"Goodevening beautiful." bungad ni kelvin at inangkla ko kamay ko sa braso niya.

"Bolero, i'm going to the bar later. Shai is there, do you want to come?" Tanong ko sa kanya habang iginigiya niya ako sa table ko.

"Ah yeah, nagpaalam nga siya kanina. Susunduin ko na lang siya after. Hindi ko kasi pwedeng iwan ang event na to." sabi niya sakin nang ipaghila ako ng upuan.

"Thanks. A'right." sambit ko lang at nagpaalam na siya para asikasuhin pa ang iba.

"Miss shan, you look wonderful tonight." biglang sambit ng kadarating lang na si hailey.

"Thank you." nakangiti ko lang na saad hanggang sa magsi datingan ang ibang co-models ko.

Nagtuloy tuloy ang kasiyahan hanggang sa tumawag si Alistair kaya naman nagpaalam ako upang sagutan ang tawag.

"I'm in a party, why?" Bungad ko sa kanya. Rinig ko naman ang tunog sa kabilang linya.

"Pumunta ka na rito." sambit niya at napairap naman ako kahit hindi niya nakikita.

"A'right." sagot ko saka ibinaba ang tawag. Pumasok naman ako sa loob para kunin ang purse ko at magpaalam sa mga kasama. Hindi na ako nag abala pang tignan ang nasa entablado dahil masyadong mainipin si alistair.

Pag pasok ko sa loob ng kotse ay nagpalit na ako ng simpleng backless shirt at high waisted pant na binaon ko at nag ayos ng konti saka nagdrive papunta sa bar.

THE CAMPUS PLAYBOY'S GIRLFRIEND CompleteWhere stories live. Discover now