CHAPTER 24

17.8K 290 9
                                    

Nang matapos kong ipaliwanag sa kanila kung bakit ako aalis ay sinamahan nila ako sa dean's office.

Habang naglalakad kami papunta ro'n ay kwinekwento nila ang mga kagaguhang ginawa nila kay allaine, mga tuwang tuwa pa talaga. Nang makuha ko na ang mga kailangan ko ay nagpaalam na ako sa kanilang lahat.

"Oh paano ba 'yan? See you soon again." paalam ko sa kanila kaya niyakap nila akong lahat.

"Hindi ba pwedeng let's party bago ka umalis noona?" tanong ni drei sa'kin.

"Pagbalik ko na lang okay." sabi ko kay drei kaya tumango siya at umalis na rin ako.

Habang palabas ako ng gate ay nakita ko sila jaxx at allaine na papasok sa gate. Namalayan ko na lang na nakahawak ako sa tiyan ko.

"Baby bakit dala mo 'yang mga requirements mo?" bungad sa'kin ni jaxx ng makalapit ako sa kanila.

"Let's talk." sabi ko sa kanya at tumingin kay allaine na nagpapahiwatig na umalis siya.

"Ihahatid ko lang siya sa room nila baby." sagot naman sa'kin ni jaxx.

"Mukha namang kompleto ang body parts mo, kaya mo naman sigurong bumalik sa room niyo ng nag iisa." Baling ko kay allaine na nakatingin din sa'kin.

"Sige jaxx wag mo na kong ihatid." Mahinhin niyang sabi kay jaxx, plastic.

"No allaine, ihahatid na kita and baby wait lang saglit lang to." Sambit ni jaxx at napakuyom na lang ako sa inis. Okay shan, relax for the baby.

"Kahit ngayon lang jaxx gawin mo naman akong priority mo, hindi naman magtatagal ang pag uusap natin." Sagot ko kay jaxx kaya wala ng nagawa si jaxx at pinauna na niya si allaine.

"Baby hindi mo dapat ginaganun si allaine. She have a heart disease." Pagpapaintindi sa'kin ni jaxx.

"Kaya ba nagpahalik ka sa kanya? Ano 'yan kisspirin? may power kiss ka?" pilosopo kong tanong sa kanya at mukhang nagulat dahil alam ko.

"Baby kinausap ako ni tita, ang mama niya. Pinakiusapan na kung pwede ay sa tabi ako ni allaine lagi so i hope you'll understand." pagpapaintindi niya sa'kin.

"Alam mo, walang patutunguhan tong relasyon na 'to. So Let's forgive and forget." Nakangiti kong saad sa kanya.

"What?" naguguluhang tanong niya pa rin sa'kin.

"I forgive myself for being stupid and Forget that you ever exist in my world. This is a goodbye jaxx. " nakangiti ko pa ring sabi sa kanya.

"Ano? Bakit? Teka walang break up na mangyayari ulit." Agad na saad niya ng makabawi sa gulat.

"Siguro this is the best for us, to let go para hindi na tayo mahirapan at masaktan pa sa sitwasyon." Sagot ko pa rin sa kanya at akmang aalis na ng pigilan niya ko pero may isang babae ang hinihingal na tumakbo papunta sa'min.

"Kuya jaxx si allaine po nahimatay na naman." Sabi nung babae kaya nagdadalawang isip siya kung anong gagawin kaya unti unti kong inalis ang kamay niyang nakahawak sa'kin.

"Go. She needs you." sabi ko sa kanya at dali dali siyang umalis.

Ito ang huling araw, hinintay kong unti unti siyang mawala sa paningin ko at kasabay nito ang pagpatak ng mga luha ko.

Hanggang sa muli.

THE CAMPUS PLAYBOY'S GIRLFRIEND CompleteWhere stories live. Discover now