CHAPTER 37

19.4K 290 1
                                    

Dumating ang araw ng launching. Nag aayos na ako para sa pagdadausan ng event habang si janus ay nakaupo sa kama at pinapanuod ako.

"Anak, may bisita ka." Tawag ni mama mula sa labas ng pinto ko.

"Daddy." Masayang turan ng anak ko at dali daling umalis sa kama ang anak ko at lumabas kaya naman minadali ko ang pag aayos at lumabas.

Naabutan ko si jaxx na nakaupo sa sala habang naka kandong sa kanya si janus at naglalaro sila. Ako nama'y nagtataka kung bakit siya andito.

"What are you doing here?" Tanong ko kaya naman napatingin ito sa pwesto ko at nakatulala lang sa akin.

"I-im here to fetch you. Sabay na tayo." Utal niyang sambit sa akin. Bakit nauutal to.

"I'm just going to get my back." Sagot ko sa kanya at dumiretso sa kwarto para kunin ang bag ko na nasa harap ng salamin.

"Lets go?" Tanong nito sa akin nang mapansin niya ako na nakabalik na. Tumango lang ako rito bilang sagot.

"Bye baby, wag pasaway kay lola ha?" Paalam ko sa anak ko. Tinanguan naman ako nito kaya hinalikan ko siya sa pisngi, gayundin ang ginawa ni jaxx sa anak niya.

Tahimik lang na nagmamaneho si jaxx habang ako ay nakatingin sa bintana. Bigla itong tumikhim kaya naman ako'y napalingon sa kanya.

"After the event, pupunta tayo sa bahay. Mom wants to see janus." He said while driving.

"When?" Tanong ko sa kanya.

"Mamaya na. Overnight." Sagot niya sa akin. Tumango lamang ako at tahimik na ulit hanggang sa makarating sa event.

"They're ready inside." Bungad ni kelvin na mukhang inabangan kami.

"Let's go." Sabi ni jaxx kaya sabay sabay kaming tatlo na pumasok sa hall. Napansin naman agad kami ng mga press kaya naman puro flash ng camera ang sumasalubong.

"Sabay po ba kayong dumating?"

"Mr. Santos, ano po ba talaga ang meron sa inyo ni Miss Shan?"

"Totoo po bang may anak na kayo?"

Mga tanong ng press, nginitian lang namin sila at dumiretso na sa assigned sit namin. Magkatabi naman kami ni kelvin habang si jaxx ay nasa harapan na nagsasalita.

"Good day everyone. I am the Ceo of JCL Empire Company and we are here for the new launching of our product with my business partner, Kelvin Valdez." Panimula ni jaxx, lahat naman ay pumalakpal at nag umpisang makinig sa kanya.

Nakatingin lamang ako sa kanya at nakikinig. Tinawag naman niya si kelvin kaya ako na lang ang nakaupo rito sa harap.

"I hope everyone will still support this new products of our company and this won't work without the new face of the company. Miss Shan, please join us here." Sambit bigla ni kelvin kaya naman gulat ko siyang tinignan. Agad namang bumaba si jaxx at inalalayan ako papunta sa stage.

"What happened to Miss Aine? She's the face of JCL right?" Tanong ng isang businessman na nandito ngayon kasama namin.

"I set a meeting for this launching and the bored of directors voted for Shan to be the new face." Sagot ni jaxx sa kanya, napatango naman ito.

"Maaari na kayong magtanong ngunit isa isa lamang. Maraming salamat." Sambit ni kelvin at bumaba na.

"What's the real score between you and Miss Aine?" Tanong ng reporter na kay jaxx nakatingin, napatingin din naman ako sa kanya.

"He's just a friend of mine and my model." Sagot niya naman habang nakatingin sa akin.

"How's your relationship with Miss Shan? There's a rumor that you were dating, is it true?" Tanong ng isa pa. Ito na nga ba ang sinasabi ko.

"We're good. As of now, our relationship is lowkey." Sagot naman niya at mukhang alam ko na ang sunod na itatanong.

"Is it true that you have a child already with Miss Shan? There's a picture of you and Miss Shan, with a kid." The reporter asked. Great.

"Shan is my girlfriend when we're still studying and yes. We have a child, but please give our son a privacy. Thank you." Sagot niya at saka ngumiti. Inalalayan naman ako nito paalis ng stage, inutusan naman ni kelvin ang mga bodyguards na paalis ang mga press at upang protektahan kami.

**********
Nagkaroon lamang ng maliit na celebration dahil sa matagumpay na nangyari sa launching at pagkatapos ay dumiretso na kami sa bahay para ayusin ang mga gamit namin.

"Daddy!" Sigaw ni janus nang makapasok kami sa loob ng bahay. Agad naman itong tumakbo sa papa niya at ako nama'y dumiretso sa kwarto namin para mag impake. Nang matapos akong mag ayos ng gamit namin para sa over night ay nagpaalam na kami kay mama.

Pagkaraan ng ilang oras na byahe ay nakarating na rin kami, si janus ay natutulog sa likod ng kotse. Naunang bumaba si jaxx kaya naman sumunod na rin ako.

"Oh kuya jaxx pasok na." narinig kong sabi ng pamilyar na boses kaya naman bumaba na'ko sa sasakyan at si johann pala ang nagbukas ng gate.

"Johann." bati ko sa kanya kaya naman lumingon siya sa'kin.

"Ate veronica ikaw na ba yan? Lalo kang gumanda." papuri niya sa'kin at niyakap niya naman ako.

"Ikaw, ang laki mo ng bata ah." Wika ko sa kanya at nang lumingon ako kay jaxx ay buhat niya na si janus na kanina pa tulog sa byahe kaya kinuha ko na ang mga gamit.

"Wag mo na 'kong bolahin ate veronica, tara na pasok tayo." pag aya niya kaya naman pumasok na rin ako. Kanina pa kasi pumasok si jaxx.

"Veronica iha." bati ni tita jona sa'kin pagpasok ko kaya nilingon ko siya.

"Tita, long time no see and talk. Parang hindi kayo tumatanda ah." Sabi ko sa kanya at bumeso.

"Ikaw talaga, hindi mo sinabing bumalik ka na." Sabi ni tita sa'kin at pinaupo niya 'ko sa sofa.

"Surprise kasi tita. Asan po si jaxx?" tanong ko ng mapansing wala si jaxx dito sa sala.

"Yon nga pala. Hindi mo sinabing may apo na'ko ah. Hawig na hawig si jaxx noong bata pa, ando'n sa kwarto at ihiniga ang anak niyo." sagot ni tita sa'kin at napalingon ako sa hagdan nila ng may babaeng bumaba.

"Ate Vero kyahhh." tili na tawag sa'kin ni ayen ang pinaka maingay sa kanila at dali itong lumapit sa'kin.

"Ayen ang ingay mo pa rin." natatawa kong sabi sa kanya ng mapansing bumaba si jaxx kasama si janus na nagising ata.

"Nagising s'ya, ikaw ang hinahanap." sabi ni jaxx pag dating sa harap ko at umambang magpapabuhat si janus sa'kin kaya naman kinarga ko ito.

"Why baby?" tanong ko kay janus at halatang inaantok pa dahil sumiksik lalo sa leeg ko kaya naman umupo ako at pinatulog siya habang sila naman ay nag uusap usap.

Kinagabihan ay sabay sabay kaming nagsalo sa hapag kainan. Nagkaroon din ng kwentuhan habang si jaxx ay pinapatulog si janus sa kwarto.

"I'm sorry." Biglang sambit ni jaxx at tumabi sa akin at inabutan ako ng isang hot coffee. Andito ako ngayon sa terrace ng kwarto.

"For everything, sa lahat ng kasalanan ko. I'm such an asshole back then." Iiling iling nitong turan at mahinang natawa pa.

"It's in the past now. Let's just move on." Sambit ko. Natahimik naman kaming parehas hanggang sa marinig namin ang iyak ni janus kaya parehas kaming pumasok sa kwarto.

"Daddy is here." Pag aalo ni jaxx sa anak namin. Yumakap naman agad sa kanya si janus at sumiksik dito kaya wala na akong nagawa kun'di humiga sa kabilang side.

"Sleep well my baby." Bulong ko at hinalikan ang tulog na si janus sa kanyang noo.

"I want to start a new life with you. I want our son to have a complete family. Please, allow me to marry you." He said while looking into my eyes. My heart is beating so fast, i didn't expect this to happen.

"Of course." Nakangiti kong sagot sa kanya. Agad naman nitong tinawid ang pagitan namin at ginawaran ako ng isang matamis na ngiti.

Ang mga mata niya ay puno ng emosyon, gusto kong bigyan ng masayang pamilya ang anak namin. Sana lang ay tama itong desisyon ko.

THE CAMPUS PLAYBOY'S GIRLFRIEND CompleteWhere stories live. Discover now