CHAPTER 25

18.3K 268 0
                                    

Pagkauwi ko kahapon ay nag impake na ako ng mga damit ko at sinabe ko na rin na buntis ako. Noong una ay nagulat si mama pero kalaunan ay naging mahinahon na siya at sinabe ko lahat lahat kaya naman pinayagan na rin niya akong umalis.

"Let's go shan." pag-aya sa'kin ni ate jen. Andito na kami sa airport at papunta na sa plane namin.

"Sige ate shan." sagot ko at hinila na ang luggage ko para sumunod kay ate jen.

"Sa condo ko tayo didiretso." sabi ni ate jen sa'kin ng makarating kami rito sa america ngayon ngayon lang.

"May bahay kami rito ate jen. Do'n na lang muna siguro ako." Sagot ko kay ate jen, para makita ko naman sila papa.

"Oh sige since you're pregnant, Hihintayin ka ng agency namin hanggang sa manganak ka. Every models ay may 2 years contract so see you soon and take care." paliwanag ni ate jen sa'kin kaya tumango ako at nagpaalam na.

Nang makarating ako rito sa tapat ng village ng bahay namin ay nagdoorbell ako at pagkaraan ng ilang minuto ay pinagbuksan na'ko ni ashtine na mula ata sa pagkakatulog.

"Ate shan!?" Gulat na bungad ni ash sa'kin kaya napatawa na lang ako.

"One and only. " Natatawa kong turan sa kanya at bigla niya akong niyakap.

"Pasok ate, natutulog si shaniah eh." Sabi ni ash kaya naman pumasok na'ko at umupo sa sofa.

"Asan si papa? kakatapos lang ng pictorial?" tanong ko sa kanya pagkalapag niya ng juice sa tapat ko.

"Si papa nasa work pa. Mamayang gabi pa uwi niya and yes kakatapos lang, vacation ka?" sagot niya sa'kin at tinanong na rin marahil nagtataka.

"I'm pregnant ash at magwowork na rin ako sa modeling agency ni ate jen pagkapanganak ko." Sagot ko sa kanya at saglit siyang natulala. Nagulat na lang ako ng nagtitili na siya.

"Kyah! ohmygosh may pamangkin na'ko." Tili niya. See parang timang lang siya.

"Ano ba ate ash natutulog yong tao eh." biglang sabat ng kabababa lang at humihikab pa na si Shaniah.

"Sha, si ate shan preggy!" Sigaw ni ash habang nagtatatalon sa tuwa kaya naman mukhang nagising ang diwa ni shaniah sa narinig.

"Hindi nga ate shan?" gulat na tanong ni shaniah sa'kin ng makalapit sa pwesto namin ni ash.

"Oo nga, i'm 8 weeks preggy." sabi ko sa dalawa at nagtitili na naman sila.

Pagkaraan ng gabi ay dumating na si papa at sinabe ko sa kanya lahat lahat kung bakit ako andito sa america at sinabi na lang ni papa na yong doctor ng village na lang ang pupunta rito sa bahay para sa check up ko.

***

Mahigit 4 months na rin ako rito sa america at ngayon ay bumibili ako ng gamit ni baby.

"Ouch." daing ko ng may makabangga akong isang lalake at nahulog ang mga pinamili kong baby clothes.

"Sorry miss i didn't mean it." paghingi ng tawad ng lalakeng nakabangga ko at pinulot ang mga pinamili ko.

"Next time mister please look at your way." Paalala ko sa kanya at kinuha na ang mga paper bags.

"Sorry miss. Shan!??" Gulat na tanong nung lalakeng nakabangga ko kaya napatingin din ako sa kanya.

"Alistair?" Kunot noong tanong ko sa kanya at bigla niyang inalis yong shade niya kaya naman ng makilala ko siya ay inaya niya ako sa isang coffee shop.

THE CAMPUS PLAYBOY'S GIRLFRIEND CompleteWhere stories live. Discover now