***


"Will it be okay to not visit your family?" tanong namin kay Flay


"Yes. Baka hindi tayo makaalis agad. Knowing dad baka magpa-party pa yun. " tugon ni Flay


Kasalukuyan kaming nasa Bloodwoods ngayon. Si Cobalt ang nagsisilbing guide namin. Hindi sya masyadong nagsasalita. Marahil ay nalulungkot sa pag-iwan namin sa besfriend nyang si Prince Ashley.


"Cobalt alam mo ba talaga kung saan tayo pupunta??" usisa ko makalipas ang ilang sandali


"Yes. At the heart of this place is where my home used to be." Tugon nya


"I heard that this place is huge. Hindi ba tayo maliligaw??" pangungulit ko pa


"No. I clearly remember the wa---" naputol ang sasabihin ni Cobalt nung bigla na lang syang naglaho


Lahat kami ay natigilan.


Asan na si Cobalt??


"A-anong nangyari??" tanong ni Jave


"Bakit sya nawala??" tanong ni Flay


"It's a teleportation portal." Sagot ni Charm


Bakit sya kalmado?? Nagugulat talaga ako minsan sa mga reaksyon ni Charm sa mga nangyayari.


Pero wait. Tama ba ko ng dinig?


"A what??" tanong ko na hindi sure kung tama ba yung narinig ko. Teleportation portal ba ang sinabi nya?


"A teleportation portal." Ulit ni Charm


"Bakit may nakakalat na teleportation portal dito??" tanong ni Flay


Realization dawn on me.


"There are traps around this place because Lockwoods are hunters according to Cobalt." Sagot ko


"Bihira lang ba ang mga pumupunta dito? Bakit wala man lang tumanggal sa mga traps? What if normal na tao tulad ko ang maligaw dito? Edi hindi na yun makakaalis dito forevah?" tanong ni Aliya


"Sa totoo lang walang pumupunta dito. Restricted area ang kakahuyang ito. Isinarado ito sa publiko noong highschool ako dahil marami na ang naglaho sa lugar na ito." Sagot ni Flay


"Bakit?? Dahil ba sa mga traps??" tanong ni Alivia


"No. Dahil sa mga wild beasts sa gubat na ito. Maraming guild ang nagsasagawa ng hunting ng mga beasts sa lugar na ito dahil sa misteryosong paglobo ng papulasyon ng mga beasts." Sagot ni Flay


"You mean aside sa mga wild beasts ay pusibleng maipit tayo sa mission ng mga guild??" tanong ni Tanisha


"Yes. Kaya ito naging restricted area." Tugon ni Flay


"Don't you think kaya misteryosong lumobo ang population ng mga beasts sa lugar na ito ay dahil sa pagkawala ng mga Lockwood?? Bilang mga hunters sila ang nagpapanatili ng balanse ng population ng mga beasts." Saad ni Javen


Nanlaki ang mga mata ni Flay. "That's genius! Isa yang napakahenyong theory!"


"But she got a point." Sabat ni Charm


"Pero diba kanina pa naman tayo dito?? Bakit wala tayong naeencounter na wild beasts??" tanong ni Aliya


"Shhh! You might jinx us----" hindi naituloy ni Flay ang sasabihin nya noong may narinig kaming mahinang growl sa likod ko


Agad akong kinilabutan noong may naramdaman akong mainit na hininga sa likod ko.


"Ahm.. August wag kang magpapanic.. R-relax ka lang.." saad ni Javen


"What is it??" kinakabahan kong tanong


"A-a w-wolf.." nangangatal na tugon ni Aliya at nakikita kong nanginginig yung mga tuhod nya

WitchcraftWhere stories live. Discover now