MTE 49 (End)
Ara's PoV
Pagkaalis nila kuya at thom agad ko namang hinarap si Mika. Nakatingin lang 'to sa akin. Nakokonsensya ako. Nagawa ko nanaman itong ewan ng di nagpapaalam.
"I'm sorry. Ginawa ko nanaman.", nahihiya kong hinging paumanhin rito ng nakayuko.
"ba't ka ba kasi bigla na lang nawala? Pinag-alala mo ako.", di ko naman mabakasan ng galit o inis man lang ang himig nito sa halip pag-aalala ang nahihimigan ko rito. Kaya mas lalo akong nagiguilty sa mga pinag-iisip ko sa kanya.
"I'm sorry. I got jealous at pinag-isipan kita ng di maganda. I'm so sorry babe.", Siguro dala na rin ng guilty feeling kaya nararamdaman kong umiinit ang mata ko. Maybe I'm about to cry.
Naramdaman ko na lang ang dalawang palad nito sa magkabilang pisngi ko. Pilit nitong inaangat ang tingin ko para tingnan sya sa mga mata nya which is di ko magawa.
"What do you mean na nagselos ka?", nagtataka nitong tanong sa akin. She's not even wearing her contacts now. Seriously Ara? Napansin mo pa yan?
I don't know, pag di nya kasi suot ang contacts nya mas nakikita ko ang totoo sya. Na nagpapawala sa katinuan ko, di ako nakakapag-isip ng mabuti. Tanging ito na lang nakikita ko. Na di ko maintindihan ang nasa paligid ko. Ganun ako kaengross sa kanya. Sa mga titig nya.
"I was there. I saw you and Kief hugging. I saw how he proposed. I saw you, our friends and your family there.", di ko alam kung may basis yong pagseselos ko o may dapat ba akong ipagselos.
"I'm sorry.", nagulat na lang ako sa sinabi nito. Nagbabadya na rin itong umiyak.
"hey, don't cry. Am I too late? Pinili mo na ba sya?", masakit para sa akin na ito ang pinili nya, pero mas masakit sa akin ang makita syang umiiyak.
"Ha? Anong too late? Anong pinili?", nagtataka nitong tanong sa akin.
"Too late kasi mas pinili mo na si kiefer kaisa sa akin.", mas masakit pala pagkasama mong binanggit yong pangalan ng taong pinili ng taong mahal mo.
"Ano ka ba walang pagpiling naganap. I'm sorry kasi dapat una pa lang sinabi ko na sayong naging kami.", di ko inaasahan ang huling sinabi nito.
"na... Naging kayo?", that make sense now. Mas lalo naman akong napanghinaan ng loob. The feeling is mutual. Now sila na uli.
"ba't ka umiiyak?", di ko man lang namalayan na umiiyak na ako.
"masaya ako para sa inyo.", tangi kong naisagot rito.
"Ano bang pinagsasabi mo? At ba't ka umiiyak? Dahil ba di ko sinabing naging kami?", may bahid ng pagkalito ang himig nito. "I'm sorry babe. Naghahanap lang naman ako ng tamang tsempo para sabihin sayo.", masuyong dugtong nito.
"Really, masaya ako para sa inyong dalawa. Halika na. Hahatid na kita. Baka hinahanap ka na ni Kiefer. Dito na muna ako mananatili sa condo ni kuya hanggang sa kaya ko ng makita kayong dalawang magkasama.", I think i heard enough. Tama na yong mga narinig ko para ibigay rito yong happiness nya. Masyado ko na rin syang nasaktan nong time na nawala ako.
Mika's PoV
Nagtataka ako sa mga pinagsasabi ni Ara. Ngayon naman hinawakan nito ang kamay ko papasok ng elevator.
So iniisip nya na pinili ko si kiefer over her? Di nya ba naintindihan ang mga sinabi ko?
Hinila ko na lang ito palabas ng elevator palapit sa akin at hinarap.
"stupid!", matapos kong sabihin ang mga salitang yon tyaka ko pinaglapat ang mga labi namin. Naramdaman ko naman nagulat ito sa ginawa ko. She's not even responding.
