MTE 9

4.4K 37 5
                                    

Mika's POV

Ang pagod ko!! Huhuhu!! Puspusang training ano ba 'to.

"Gatorade?", alok sa akin ni Ara.

"Thanks", tyaka ko sya nginitian.

Simula nong nanligaw 'to sobrang alaga ako. Daig pa parents ko sa sobrang caring e. Di man sya gaya ng iba na pala bigay ng materials things she's making sure naman to make me feel loved and special.

"Balik na tayo sa court?", aya nya sa akin.

"Hoi! Kayong dalawa dyan tama ng lambingan! Balik na dito!!", sigaw ni Ate Aby mula sa court.

Asan naman kaya lambingan don? Binigyan lang akong drink e. Pano naman kasi kanina pa nila ako pinapablock. San ka naman nakakita non? After ni Ate Aby mag-running spike susunod naman si Des after ni Des si Ate mich tapos pinakahuli si Ara? Ampagod lang. Huhuhu!

"Okay ka lang?", worried na tanong ni Ara sa akin.

Di ko nga alam. Wala lang siguro ako sa mood ngayon.

"Oo naman. Pagod lang.", sagot ko.

"Okay girls! That's enough. Bukas ulit. Mika you did great today. Kayo din girls", sigaw ni coach.

Worth it naman yong pagod ko e noh. Napuri ako ni coach.

"Thank you po coach", nakangiti kong tugon. Nakakawala nga naman ng pagod.

"Ako na magdadala ng gamit mo ha.", why so caring Ara.

"Thank you. Why so sweet?",wala sa sarili kong tanong.

Natawa naman sya. Anong nakakatawa don? Tiningnan ko lang sya..

"I'm sorry", natatawa nya pa rin sabi. "Lagi naman akong sweet sayo. Why ask it now? Ngayon mo lang ba napansin?",

"Hmmmp!", ba't ba badtrip ako ngayon? Kainis.

"Sungit mo ngayon. Meron ka ba? ....Aray naman, ang brutal mo talaga", hinampas ko nga.

"Ang bastos mo e. Bakit di mo na ako love kasi brutal ako?", mataray kong sagot.

"Hala asan naman bastos don? Nagtatanong lang naman. Syempre love pa din kita. Kahit lagi mo akong ginagawang punching bag", nakangiti nyang sagot.

"Sobra ka naman. Punching bag talaga."

"Halika na nga. Pakainin na lang kita, para mawala naman yong inis ng prinsesa ko.", tyaka sya ngumiti ng pagkaganda-ganda.

Ngayon pa lang nawawala na pagod ko.

"Kayong dalawa dyan labas na ng Gym. Naglalampungan pa e.", si ate mowky.

"Hehehe!! Ito na po ate. Dali na daks piggy back na.", alok sa akin ni Ara.

"hala, di na daks pagod ka rin kaya.", pagtanggi ko.

"Hindi yan. Yong lakas ko naman yong buhat ko e.", babanat pa e. Buti na lang nakatalikod sya kundi kita nya nanaman na nagblush ako.

"Blush din pag may time wafs?", si ate kim

Leche andito pa pala 'to. Narinig ko namang medyo tumawa si Ara. Kainis.

"Mga damoves mo wafs ha.", panunukso nya kay Ara.

"Wala e. Mahal ko e.", sagot nya naman.

Leche ara yong kilig ko umaapaw na.

"Hahaha!! Tomato alert to the highest level na si damulag. Hahahaha!", pang-aasar pa ni Ate Kim.

"Dali na daks. Wag mo ng pansinin si wafs. Sakay na. Di ako tatayo dito hangga't di ka sumasampa", pamimilit nya.

"Nakakahiya kaya. Ang laki kong tao e. Tyaka baka anong sabihin ng mga tao sa labas", pagmamatigas ko pa rin.

More Than EnoughTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon