MTE 47

1.7K 35 17
                                    

MTE 47

Ara's PoV

"hey thom, thank you talaga ha?", pasasalamat ko rito after namin maiayos 'tong surprise ko para kay Mika.

Tinanong ko kasi rito kung anong surprise yong ginawa ko bago ako mawala. Pero sa halip na sa school namin ginawa, dito sa rooftop ng condo ni kuya ang venue kong napili.

It will be a intimate one. Kung nong una kasama mga friends namin, ngayon kaming dalawa lang. Sana magustuhan nya. Na-eexcite na ako sa reaksyon nya mamaya.

"hoi nginingiti mo dyan? Ang creepy mo.", pukaw namn nito sa atensyon ko.

Sinamaan ko naman ito ng tingin bago ako sumagot.

"creepy agad? Di pweding natutuwa lang?", sabat ko naman rito. Lumapit naman ito sa akin tyaka ako inakbayan.

"Ang swerte ni Mika sayo.", may sinasabi pa ito pero yon lang ang narinig ko. Nakatingin lang ito sa surprise na ginawa namin. Perfect! I'm loving this surprise.. Parang di man lang ako napagod. Now it make sense kung bakit mahilig akong e surprise sya noon gaya ng sinasabi nila. It's fulfilling.

"nah! Mas maswerte ako sa kanya Thom.", pagkontra ko sa sinabi nito. "nagawa nya akong antayin at ipaglaban kahit mismo sa sarili ko.", bigla naman umiba ang anyo ng mukha nito. Magkahalong lungkot at panghihinayang ang mababakas ko sa anyo ng mukha nya

"Ayos ka lang?", may pag-aalala kong tanong rito. Tumango naman ito.

"pagod lang.", tyaka ito ngumiti. Nagtataka ako ba't wala pa itong pinapakilalang girlfriend. Gwapo naman ito, mabait at sweet. I should know na sweet sya kasi tuwing lumalabas kami lagi syang nakaalalay sa akin. Napapatawa nya ako sa mga maliliit na bagay. Lagi nya akong pinagbibigyan. Yong atensyon nya nasa akin lang pag ako ang kasama nya. Para akong Prinsesa pag sya ang kasama ko. Ang awkward lang sa pakiramdam cause I my self have my own princess. Mika!

"may dumi ba ako sa mukha?", sabay punas nito ng mukha nya gamit ang panyo nya. Natawa naman ako. Ang cute. Para syang bata. Umiling naman ako bilang sagot sa tanong nito.

"e ba't kung nakatitig ka wagas? Nagagwapuhan ka sa akin no?", pagbibiro nito. Tumawa na lang ako, nagpogi sign pa kasi ito at kumindat. Di ko na tuloy makita ang mga mata nito.

"yah your gwapo, pero wag mong kakalimutang mas gwapo ako sayo.", pagyayabang ko rito.

"ang yabang. Di ka gwapo parasa akin.", seryoso namang saad nito at inakbayan ako uli. At hinarap sa surprise na ginawa namin.

"e ano ako sa tingin mo?", curious ko naman na tanong. At naaamaze pa rin sa ginawa naming surprise. Na-eexcite na akong Makita si Mika. Kahit na nababothered akong si Kiefer ang kasama nito. Nakakainis lang binigyan nya si Mika ng isamg bouquet ng red roses kanina. Kahit na naiinis akong magkasama sila hinayaan ko na lang. Para naman sa Thesis ni Mika yon.

"Maganda ka para sa akin.", seryoso ito pero at the same time nakangiting nakatingin sa gawa naming surprise. Ano kaya ang iniisip nito. Lately napapansin kong laging parang ang lalim ng iniisip nito.

"I know right! Magandang gwapo.", pagyayabang ko pa rin. Tumawa naman ito.

"oo na. Ikaw na maganda na gwapo.", natatawa pa rin nitong saad. "so tapos na yong part ko. Can I go now? Uuwi pa akong pampangga. May 3days break kasi kami bago magstart ang season.", pag-iiba nito ng usapan.

"thank you talaga Thom. Babawi ako sayo, promise.", at sabay na kaming bumaba ng rooftop. Magbibihis na rin ako at susunduin ko na rin si Mika.

"sige mauna na ako. Good luck!", saad nito ng makarating kami sa tapat ng pinto ng pad ni kuya.

More Than EnoughTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon