MTE 48

1.9K 37 7
                                    

MTE 48

Mika's PoV

Kinaumagahan maaga akong nagising, agad ko namang hinanap si Ara pero wala paring bakas ng Ara itong kwarto namin. At wala pa akong tulog.

Nag-aalala na talaga ako. Asan ka na ba babe? Sinubukan ko namang tawagan ang number nito ngunit di ko pa rin macontact.

Naisipan ko namang lumabas ng kwarto namin baka sakaling nauna itong gumising at nasa baba na.

Naabutan ko si Ate kim na naghahanda ng breakfast namin.

"andito na ba si Ara?", agad kong tanong rito.

"wala man lang good morning?" pagbibiro naman nito. Pero wala talaga ako sa mood makipagbiruan dito.

"wafs?", seryoso kong suway rito.

"wala. Di ata umuwi kagabi. Di pa ba tumatawag sayo?", seryoso ng sagot nito.

Umiling namn ako bilang sagot rito.

"sorry.", hingin ko na ring paumanhin sa inasta ko kanina.

"ayos lang. Di mo tawagan si kuya Jun? Baka magkasama sila.", suhestyon naman nito.

"wala akong number ni kuya jun.", tipid kong sagot rito. Sa dami-dami ng oras na magkasama kami ni Ara di ko man lang naalalang hingin ang number ni Kuya Jun.

"Di kaya wafs-",

"don't even say it miks. Walang nangyari kay Ara. Nag-oover-think ka lang.", pagputol nito sa nais kong sabihin. "ba't di mo tawagan si Tin. Baka magkasama sila.", utos nito.

Asar! Ara asan ka nanaman ba? Please lang.... Masyado na akong nag-aaalala.

Third Person's PoV

Di man lang namalayan ni Ara na nakatulog na pala ito sa rooftop. Dito na agad sya nagtungo matapos nyang umalis kagabi. Di nya pa kayang harapin si Mika.

Maybe she's being unfair for not letting Mika explain pero kasi nasaktan sya. All along yong selos na nararamdaman nya tuwing nakikitang nyang magkasama ang dalawa at ang pagiging sweet ni Kiefer rito ay may dahilan. May gusto si Kiefer sa girlfriend nito.

And after what she saw last night mukhang may gusto rin ang girlfriend nito sa lalaki.

"Don't you think you're being unfair here?", pang-aakusa ng Kuya nya rito.

Kanina pa ito pabalik-balik rito sa rooftop para ayain syang kumain pero wala talaga syang gana.

Naikwento nya na rin kasi rito ang nangyari kagabi at sinusubukan syang pauwiin ng dorm para makapag-usap sila.

Pero di naman ito umiimik at nakatitig pa rin sa suppose to be surprise nito para kay Mika.

Naruruon pa rin ang mattress at unan sa parti ng rooftop na ang nagsisilbing silong ay gawa sa kawayan na pinagdikit-dikit kung san sya nakatulog kagabi kakaisip sa nakita nya. At yong mga pictures nila isa-isa pa ring nakasabit doon at mga balloons sa sahig. At ang pianong gagamitin sana nito para handugan ito ng isang awitin.

Nakatulala lang si Ara sa mga ito. Pero yong isip nya kung anu-anong scenario na ang nagaganap. Tama ang kuya nya ang unfair para kay Mika na hindi nito kausapin. Kung tutuusin wala naman dapat syang ikagalit. Ano naman ngayon kung may gusto si Kiefer sa girlfriend nya? Maganda ito at mabait kahit sino pweding magkagusto.

"Di ko maiwasang di magselos kuya.", tanging naisagot nito sa kuya nya.

"hahayaan mo na lang na agawin sya sayo? Ni hindi mo nga nakita kung anong nangyari pag-alis mo.", saad nito sa kapatid nyang halos di na alam ang gagawin.

More Than EnoughTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon