MTE6

4.1K 37 1
                                    

(A/N: It going to be Mika's POV until Chapter 8 or so..)

Mika Aereen Reyes. That's me. Volleyball? Has been my sports since High School. Sabi nga nila late bloomer daw ako kung tutuusin kasi high school na ako nagstart. Maybe I was, but di naman sya naging factor para di ako gumaling. Sabi nga ni Boom volleyball found me. Actually nitong college ko lang natutuhang mahalin ang volleyball. Being part of a champion team made me more fall in love in the sport. To the fact na yong mga teammate ko masyadong dedicated sa laro. Alangan naman magpapapitik-pitik ako diba.

Pero pinakamagandang nangyari because of volleyball yon ay nong nakapasok ako sa team ng Lady Spikers at nakilala ko sila. Nakilala ko sya. Yong bond namin walang katulad. Yong tipong we got each others back. Walang laglagan. Kaya love na love ko teammates ko e. Lalo na sya. I fell so special because of her. She makes me fell special. Kaya nga ma.....

"Daks? Spacing out again?", pagpuputol ni Ara sa iniisip ko.

"Ha? Di ah. May naiisip lang.", sagot ko.

"Care to share?", pagpapacute nya. So irresistible. Cuteness overload talaga 'tong bansot na 'to.

"Kasi daks, isang season na lang tayo na yong Ate ng team. Ibig sabihin tayo na yong magle-lead sa team", may halong pag-aalala yong boses ko.

Di naman sa di namin kaya. Masyado kasi kaming nasanay sa presence ni Ate Aby. Kung alagaan nya kami parang mga tunay nyang kapatid. Naiisip ko kaya ba naming gawin sa rookies yon? Kaya ba namin silang e guide?

"Naku daks, wag mo ng isipin yon. Tagal pa non e. Enjoy muna natin 'tong season na 'to. Isa pa andyan pa naman si Ate Alex e. Si Ate Kim syempre pati si Ate Mowky. Tyaka solid na tayo oh. May tiwala na tayo sa kakayahan ng bawat isa. Pagpatuloy na lang natin",pagpapagaan nya ng loob ko.

Tama nga naman sya. She really know how to make me feel better.

"Kaya halika na, kakain na. Mamaya may training pa tayo.", pag-aya nya sa akin sa baba.

"Piggy back daks?", pagpapacute ko sa kanya. Alam ko namang di ako tatanggihan nito e.

"Wag ka ng magpacute. Tara?", sabay talikod nya at nagbend.

Pababa pa lang kami ng hagdan kita ko na mga ngiti nilang nakakaloko. Lalo na si Cienne. May kasalanan pa sa'kin 'to e. Di ko pa nababatukan. Pinandilatan ko lang sya para di nya umpisahan kung ano man yong iniisip nya.

"Ye, ang damulag mo e nagpapabuhat ka pa. Mamaya malumpo si wafs e.", pang-aasar ni Ate Kim.

"Hayaan nyo na 'tong si daks. Nagpapababy e. Hahaha!", okay na sana Ara e. Tumawa ka pa. Binatukan ko nga.

"Aray naman daks. Sakit kaya. Nasasanay ka na", pagtatampo nya.

Kumuha naman ako ng plato at nilagyan ng pagkain at kinuha ko yong empty plate sa tapat nya pinalitan ko nong may laman na..

"Oh eto kumain ka na. Sorry.", paglalambing ko.

Ngumite naman sya. Tuwang-tuwa ang bansot. Yong mga teammate naman namin ngiting nakakaloko.

"Motherf may lakad po ako after training ha. Di ko po alam kung makakauwi po ako. Okay lang po ba?", biglang salita ni daks.

"San punta?", tanong ko habang kumakain.

"Kay Tin. Titingnan ko yong dorm nya. Kasi lumipat na sya nong isang linggo e. Baka don na lang rin ako matulog", masigla nyang paliwanag.

"Ikaw na pala si motherf ngayon ye?", pang-aasar ni Cienne. At ngumiti. Ngiting pang-asar.

Piktus ka talaga sa akin mamaya ka.

"Kayo talaga. Nagpaalam ka na ba kay coach daughterf?", usisa ni mother.

Sa isip-isip ko sana di sya payagan. Di joke lang. Evil me...

"Mamaya na po sa training. Uwi din naman po ako bukas ng umaga. Dito lang din naman po sa Taft yong dorm nya e.",

After ng training umalis na si daks. Pinayagan naman agad sya ni coach. Di effective yong dasal ko. Hehehe! Nagpaalam naman sya sakin, I mean sa amin bago sya umalis.

"Hey? Babalik din yon.", pat ni cienne sa balikat ko. Tumabi na rin sa akin dito sa sofa.

"Pinagsasabi mo? May kasalanan ka pa sa akin ha.", tugon ko sa kanya.

"Naku naman. Kala ko lusot na. Hahaha!", tumawa pa talaga. "Aray naman bulls." Reklamo nya. Binatukan ko nga pero mahina lang naman. Nag-iinarte lang 'to.

"Kasi naman nang-aasar ka pa e. Sayo ko nga sinabi tapos ikaw pa ata manglalag-lag sa akin e."

"Hala! Di ko naman gagawin yon noh. Nakakatuwa kasi mukha mo bulls e. Hahaha!!"

"Tawa pa. Dagukan kita dyan e."

"Pero seryoso bulls, ang tagal na nyan ah. Tapos ngayon may selos factor ka na", seryoso nyang sabi.

"Selos? Ako? Wag ka nga. Bat naman ako magseselos? At kanino naman?"

"Kay Tin. Nakita kaya kita non."

Oo nandun ako nong yakapin nya sin Tin at sabihing miss nya 'to. Gusto ko sanang sabay kaming pumunta ng practice kaya pinuntahan ko sya. Kaya bago pa tumagal yong usapan nila tinawag ko na sya. Ang saya nya lang. Tapos ngayon don sya matutulog.

"Uso rin kasing umamin bulls. Mukha namang mutual e.", putol nya sa iniisip ko.

"Ano namang aaminin ko?"

"Na gusto mo sya."

"Ba't ako?",

"Alangan naman ako?", sarcastic nyang tugon.

"Tyaka wag ka munang mag-conclude mamaya wala lang pala yong kay Tin, jelly ka na agad. Akyat na tayo. Wag masyadong isipin, nakakabawas ng kagandahn yong sobrang pag-iisip. Hahahaha!", dugtong nya.

Nagseselos na ba talaga ako? Siguro nga.

More Than EnoughTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon