MTE5

4.3K 35 0
                                    

After that tugtugan session at yong huling binitawang salita ni Ate Kim, napapaisip na rin ako. Pati na rin yong usapan namin sa MOA.

***Flashback***

"Saglit, pwede mauna na kayo sa parking lot, may bibilhin lang ako saglit.", pauwi na kasi kami. After ng maghapong kulitan sa Time Zone.

"Samahan na kita daks?"

"Ako na Ye. Mauna na kayo.", singit naman ni Ate Kim.

Interrogation nanaman 'to.

"Oo daks, si ate kim na lang. Saglit lang 'to."

"Sure ka ha? Sige mauna na kami don"

Nag-nod lang ako at sabay kaming bumalik ni Ate Kim sa grocery. Naalala ko may pinabibili pala si motherf.

"So? Kailan mo balak?", paninimula ni Ate kim. Sabi ko na e. Kaya nagpa-iwan 'to.

"Ha?", kunyaring taka kong tanong habang hinahanap yong pinabibili ni Motherf.

"Alam mo nagtataka ako sayo, obvious naman na you like her pero ba't di mo ligawan?", litanya nya.

"Kailangan pa ba yon? Sapat na yong nararamdaman nya na mahalaga sya sa akin.", sagot ko.

Bakit nga ba? Kasi baka di mutual yong nararamdaman namin? Di naman kasi ganun kadali yon e. Friendship namin yong nakasalalay. Willing ba akong e-take yong risk para lang sa isang relasyon na eventually alam kong mahihirapan lang sya, kami pag niligawan ko sya? Para sa akin sapat na yong napaparamdan ko sa kanyang importante sya sa akin at lagi lang akong nandito para sa kanya. Duwag mang maituturing mas maigi na 'to kaisa makita ko syang nasasaktan sa mga maaring maramdaman nya sa mga mapanghusgang sasabihin ng ibang tao.

"Know what wafs, kung yong sasabihin ng ibang tao yong iniisip mo? Walang mangyayari. As I see it, muka namang mutual yong nararamdaman nyo e. Pag-amin nyo na lang ang kulang", pahayag nya.

"Oh ito na yong pinabibili ni motherf.", pag-iiba ko sa usapan.

"Bahala ka na nga wafs. Basta pag nakapag-decide ka na back-up mo kami ni mela.", sabi pa nya.

Nginitian ko na lang sya bilang tugon.

****End of Flashback****

Ilang weeks na ba since that day. Normal pa rin naman. Wala namang nagbago. Pero ako ito napapaisip. Should I? Or should I not? Ano ba talaga dapat?

Bigla ko namang ginulo ang buhok ko.

"Know what, cute ka na sana kaso para kang tanga", tiningnan ko lang kung sino yong nagsalita. At nagulat naman ako sa nakita ko.

"Oi Tin!?", tas niyakap ko sya.

"Hoi bitaw na. Pinagtitinginan na tayo ng mga tao oh.", natatawa nyang sabi habang magkayap kami.

Andito kasi ako sa bench nakaupo sa labas ng classroom ko. Kaya maraming estudyanting nagdadaanan.

"Paki ko ba. E namiss kita e.",pagkakawala ko sa yakapan namin.

"Asus. Mukha mo. E di mo nga ako pinuntahan nong umuwi ka e.",may bahid ng pagtatampo yong boses nya.

"Nagtampo ka pa. E alam mo namang 2 days lang yong break namin kailangan bumalik din agad dito sa school kasi may training pa kami.", pagpapaliwanag ko.

"Alam ko. Congrats pala. Still undefeated ha."

"Hehehe! Hard work lang.",pahumble ko namang sagot.

"Sus, pahumble pa e noh?", pang-aasar nya.

"Teka ba't ka pala andito?", pag-iiba ko sa usapan namin.

"Namiss kita e. Kaya dinalaw na kita. Remember sabi ni papa dito na rin ako mag-aaral", oo naalala ko na. Minsang may gathering yong family namin. Nabanggit ng papa nya na magtatransfer sya.

"Oo, naalala ko na. Okay na ba? Nakaenrol ka na?", sunod-sunod kong tanong.

"Yap. Tapos na.", masigla nyang sagot. "Ba't ka pala mukhang tanga kanina?", dugtong nya.

"Alam mo naman yong rason e. Tatanong ka pa.",sagot ko.

"Oh!! Hahaha!", tawa nya.

"Sige tawa pa.", pagtataray ko.

Bago pa sya makapang-asar may tumawag na sa akin.

"Daks!", tawag sa akin ni Mika. At mukhang BV ata.

"Oh, bakit daks?", tanong ko.

"Malapit na magstart yong training baka gusto mong pumunta ng Gym", may pagka-sarcastic nyang sabi.

Hala problema nito. Mukang Bad Vibes pa ata.

"Actually, papunta na rin sana ako. Kaso dumating si Tin e.", masigla ko paliwanag.

"Hello Mika. Finally we meet. Kristin Flores pala. Anong papunta ka e nakita lang kitang parang engot na ginugulo yong buhok mo dito e.", singit naman ni Tin.

"Hello din. Mika Reyes.", half smile na tugon ni daks. BV nga ata.

"Oi Tin mauna na kami ha. Text mo na lang ako kung san ka nag-dodorm para dalawin na lang kita.", paalam ko sa kanya.

"Sige. Bye Mika. Ingat ka dyan sa kasama mo.", pang-aasar nya. Talagang nagpahabol.

Pero itong isa ngumiti lang. Ba't kaya BV 'to.

"Oi arabella, sino yong kasama mo kanina?", tanong ni Cienne.

"Makatanong lang ang peg kambal ha.", panunudyo ni Camille.

Nakakatuwa talaga 'tong kambal. Kung mag-asaran wagas ah.

"Si Tin. Kristin Flores. P.....", bago ko pa matapos yong sasabihin ko e pumito na is coach. Hudyat na para simulan ang Training.

"Okay girls. Gather up. Warm up muna then group into two. Aby and Alex kayo ng bahalang pumili ng teammate nyo.", utos ni coach Ramel.

Pagurang Training nanaman yong nangyari. And guess who? kung sino ang flavor of the day. None other than Ate Kim. Hahaha!

Si daks naman ang monster sa court. Yong mga quick kill nya pulido. So galing talaga. Pati mga blocks nya. Buti nalang nakakalusot minsan mga tira ko. Miss Rejection talaga.

"Ate Kim pagod much?", pang-aasar ko kay Ate Kim pagkarating namin sa dorm.

"Hoi tigilan mo ko arabella ha. Yong isa yong asikasuhin mo.", pagsusungit nya.

"Ai oo nga pala. Kanina pa BV yon e.", taka ko naman. "Wait lang ha. Akyatin ko muna."

Nadtanan ko naman na nagpapahinga na si daks pati yong kambal. Kaya bumaba na lang ako ulit. Si Ate Kim nasa Sofa pa rin. Yong iba nagpapahinga na.

Tinabihan ko na lang sya sa sofa. At sumandal...

"Nakapagdecide ka na ba?", seryosong tanong ni Ate Kim.

Ito lang ata yong pagod na chismosa e. Hahaha!!

"Di ko alam wafs e. Kung sa feeling sure na ako. Pero yong sa magiging resulta ng hakbang ko? Don di ako sure.", seryoso ko ring sagot.

"Kung laging ganyan wafs wala talagang mangyayari. YOLO nga diba? You Only Live Once. So kung may gusto ka gawin mo. Than keeping it and regret later. Wala namang masama kung susubukan mo e. Malay mo mutual diba?", pangungumbinsi nya.

"Sige akyat na ko. Pagod talaga. Bait ni coach sa kin ngayon e. Pag-isipan mo.", sabay pat nya ng balikat ko at umakyat na.

Ako ito naiwang nag-iisip. Its now or never.

More Than EnoughTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon