MTE 21

2.7K 28 4
                                    

MTE 21
Mika's PoV
2 days na simula ng umalis si Ara para sa sinalihan nilang liga para sa Beach Volley, at di ko itatanggi miss ko na talaga sya.

Lagi naman kaming nagtitext at pag gabi facetime. Pero iba pa rin kasi pag-magkasama kami.

Nakausap ko na rin si mama tungkol kay Kiefer. Sinabi ko na rito na matagal na kaming wala at may ipapakilala ako sa birthday nya. Di ko pa sinabi kung sino. Bahala na... Pero sana matanggap kami nila mama.

"miss mo na noh?", tanong sa akin ni cienne. Andito lang kami sa sala sa dorm. Bukas uuwi na rin ako. At ganun din sila.

Tumango lang ako bilang tugon.

"grabe ka bulls, lagi naman kayong nag-uusap ah. Miss agad 2 days pa lang yon.", cienne.

"hayaan mo na. E sa miss ko na sya e.", sagot ko na lang.

"so tuloy na talaga? Papakilala mo na talaga sya?", tanong uli nito.

"oo. Wala ng atrasan 'to.", nakangiti kong tugon.

"invited din ang family friends diba? So tita mozzy will be there? And so as Kiefer.", di ko alam kung anong nais sabihin ni cienne pero tumango na lang ako.

"at di pa rin alam ni Ara na naging kayo ni kiefer?", dugtong pa nito.

"ano!? Naging kayo ni Kiefer?", gulat na sabat ni Camille.

Di ba alam ni cienne na di lang kaming dalawa ang tao rito sa sala? At kung makapagtanong ito parang tingin nito walang makakarinig sa sasabihin nito? Ngayon kailangan ko pang sagutin lahat ng maari nilang maging tanong.

Yong mga rookies naman at sina Ate Mowky nakatingin na sa akin. Nag-aantay ng maari kong maisagot.

Nang titigin ko ng masama si Cienne nag-mouth lang naman ito ng sorry.. Ang daldal talaga ng babaing 'to. Ang sarap piktusan promise..

"matagal na po yon. First year college i think.", sagot ko sa kanila.

"woooh!!! That was unexpected!", exag na pagkakasabi ni Ate Cyd.

"Paano naging kayo? Dahil ba don sa tweet?", lahat sila nakatingin sa akin na akala mo nanonood ng The Buzz ng Bayan. Hot seat tuloy ako. Cienne ka talaga!!!

"at kambal alam mo ang tungkol dito? Di man lang kayo nagsasabi? Wow ha!! Nakakatampo kayo.", may bahid ng pagtatampo na sabat ni camille. At seryoso ang mukha nito.

Di ko rin alam kung ba't di ko sinabi sa kanila.

"tanong nyo sya. Ako'y isang dakilang kaibigan lamang na sumusunod sa utos", sagot ni cienne rito. Yong mga rookies naman nakikinig lang.

Ewan ba ako sa ere...

I took a deep breath.. At sinusubukang alalahanin lahat. At kung paano ko sisimulan.

"ano!?", camille uli..

"atat lang bulls?", pagbibiro ko na lang tyaka ako ngumiti.

"kwento na kasi.", ngumiti na rin ito. Bipolar din pala.

"ito na nga.", sagot ko na rin.

"Family friends, we've known each other for too long. Since high school days i guess.", paninimula ko.

"he was older than me. So nauna syang mag-high school. Actually crush ko na sya way back ng malaman ko kung ano ang ibig sabihin ng crush."

"tapos?", singit naman ni Kianna

Mga rookies talaga atat.

"i was in my 4th year then ng magconfess itong gusto nya rin ako. Syempre super kilig naman ako. Di ko ma-explain yong feelings na yong first crush mo like ka nya rin.",

"tapos naging kayo na agad?", putol naman ni justine sa kwento ko.

Sila na atat..

"hindi pa. sya naman 1st year college na sa Ateneo. Means of communication namin phone at mga social sites. Everyday yan walang palya. We always check kung hows school, hows our day at kung anu-ano pa na pweding mapag-usapan. At pag may family dinner kami kasama family nila. He was so sweet. Pero di ko alam kung nanliligaw na sya o ano. Then one night. Kasama family ko at family nya. He surprise me. Actually kinuntyaba nya pa sila mama pati family nya."

"anong nangyari ate?", si Aduke naman na kumikinang pa talaga ang mga mata.

Matatapos ko kaya ang kwento ko nito kung lagi nila akong pinuputol sa pagkikwento ko?

"di halatang di kayo intirisado ano? Paano kaya tayo matatapos rito kung lagi nyong pinuputol ang pakikwento ni yeye ano?", sabat na rin ni Ate mowky sa mga rookies. Nagpeace sign lang naman ang mga ito.

Ang kukulit talaga ng mga rookies namin. Parang kailan lang kami yong nasa pwesto nila.

Bigla ko namang naalala yong mga days na rookie pa lang kami ni Ara. Ewan ko ba kinikilig ako tuwing maaalala ko kung paano ako na-fall sa kanya. Namimiss ko na talaga sya.

"hoi!!! Ngini-ngiti mo dyan? Kinikilig ka ba?", puna sa kin ni cienne. Lahat naman sila nakatingin na uli sa akin.

Di ko mn lang namalayan na napapangiti na pala ako kakaisip sa kanya.

"eee!!! Ano ba", sagot ko sa kanila..

"landi mo bulls.", si cienne ulit.

"e kasi naman may naalala lang ako.", sagot ko.

"meron naman talaga. Inaalala mo yong past nyo ni kiefer remember?", sarcastic na sagot ni cienne.

"di naman kasi yon e.", nahihiya kong pag-amin. Kinikilig talaga... Leche ka babe... Ang layo mo na nagagawa mo pa rin akong pakiligin ng wala kang ginagawa.

"aray naman!!", pagreklamo ko. Sabay ba akong hampasin ng kambal ng unan..

Babe, uwi ka na please. Pinagkakaisahan ako dito sa dorm.

"para kang tanga dyan. Di pa tapos yong kwento para ka ng di matae dyan. Ano ba yan?", si Ate cyd

"sino kamo.", sabat naman ni Cienne.

"ee,, naalala ko lang si Ara. Kainis kayo. San na ba tayo?", panira ever talaga 'tong teammates namin.

"langya!! Ang lakas talaga ng kapit sayo ni Ara. Nag re reminisces tayo ng puppy love mo dito pero iba pala yong ni re reminisces mo dyan", panunukso ni Ate Alex.

Bigla naman nag-init yong pisngi ko ng maalala ko ulit yon.

"malala na yan bulls." si camille.

"dali na ate kwento mo na yong kay kiefer tas next natin yong naalala mo about ate Ara. Dali na...", di halatang di uhaw sa kwento tong mga rookies namin e noh....

"oo tama. Dali na", segunda naman nila Ate mowky..

'tong mga 'to talaga...

"oo na. Ito na nga oh"... Sagot ko na lng sa kanila. Natatawa naman si Cienne.

Tasss.. Kasalanan mo 'to e.

******

Dahil sinipag ako kaya ayan....

Double update...

Pambawi...

next chapter na po yongkarugtong ng kwento ng Miefer... Feeling ko kasi ang haba na e... ChoOooos!! Hirap talaga magtype sa CP... Taden....

Enjoy..

Follow me on twitter @JustSoYouKnow06

More Than EnoughTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon