Beat ♥ 45: I Love You For God's Sake

4.8K 97 8
                                    

Beat 45: I Love You For God’s Sake

 

*Reina

 

Napadilat ako dahil sa isang mahinang pag-alog sa braso ko.

      “Ate.” Unti-unti kong inangat ang ulo ko. Nakadukdok kasi ako sa parehong braso ko sa may gilid ng kama. Tiningnan ko si Kyle na nasa tabi ko at nakahawak sa braso ko. “Kain na tayo. Gutom na ko.”

      Ngumiti ako. Ginulo ko ang buhok niya. “Sige, bibili lang ako sa labas. Bantayan mo muna si Mama, okay?” Tumango si Kyle. Tumayo ako at si Kyle naman ang umupo doon sa upuang nasa tabi ng kama ni Mama. Kinuha ko ang payong na nakasandal sa end table. Pasado alas siyete na ng gabi at umuulan sa labas. Buong araw na makulimlim ang langit. Dito kami ni Kyle sa ospital tumuloy kagabi at buong maghapon din kaming nanatili dito.

      Hinihintay ko pa kasi ‘yung plane ticket papuntang San Mateo. May kamag-anak kami do’n. Si Tita Olivia. Bale pinsan siya ni Mama at ang alam ko ay malapit sila sa isa’t isa. I contacted her through Facebook four days ago. Hindi mayaman sina Tita Olivia doon sa probinsya. Simple lang buhay nila pero kahit papaano ay may kaya sila. Wala silang anak ng asawa niya kaya naman she’s willing to have me and my brother there. Dapat pala, dati ko pa ‘to ginawa. Pero kasi... Paano si Mama? Hindi ko naman siya pwedeng iwan dito. Kaya naman gano’n nalang ang pasasalamat ko no’ng sinabi ni Dr. Sy na siya na raw ang bahala sa hospital bills. He’ll update me from time to time. Alam kong naaawa nalang siya sa’kin but that’s exactly what I need right now kaysa sa pride. Siguro, babalik nalang ako dito every two months para dalawin si Mama.

      Lumabas ako ng ospital. Tumingin ako sa langit. Ang lakas ng ulan at hangin. Binuksan ko ang payong ko. Pababa na sana ako ng hagdan noong may maaninag akong anino ng tao ‘di kalayuan. Madilim sa parking lot at iisa lamang ang poste ng ilaw. I stopped halfway. Pilit kong inaninag ‘yung taong ‘yon dahil nakatayo lamang siya sa gilid ng kotse niya at nakatingin sa direksyon ko.

      Nakita kong may dumaang kotse sa harapan niya, sa pagitan naming dalawa, at tumama ang ilaw ng sasakyan sa kanya. Tila naging isang slow motion ang lahat ng pangyayari. Bumilis ng husto ang tibok ng puso ko. My jaw dropped and my eyes opened wider. During that stream of seconds when the car’s light hit him, I saw that pained expression on his face. Nakakunot ang noo niya at nakabuka ng kaunti ang mga labi niya.

      Nagsimula siyang lumakad papunta sa akin. Wala siyang pakialam kahit na kanina pa siya nababasa ng malakas na ulan. Patuloy lamang siya sa paglakad at nanatiling nakatingin ng diretso sa’kin. My mind told my feet to run, pero mayroong pumipigil sa’kin. Humigpit ang pagkakahawak ko sa payong noong tumigil siya sa harapan ko, just right below the small flight of stairs that I was standing on. Magkapantay ang mga mukha namin kahit na dalawang steps ang taas ko ngayon.

       Walang nagsasalita sa aming dalawa. Nanatili lang kaming nakatitig sa isa’t isa and all I could hear were the loud splash of rain on the ground and the fast beating of my heart. Lumunok ako para pakalmahin ang sarili ko. “J-Justin–”

       Bigla niya kong niyakap. Ramdam ko ang lamig ng damit niya dahil sa pagkabasa nito sa ulan. Gayunpaman, I could still feel the warmth of his skin. “Nahanap din kita,” he said silently. Hinigpitan pa niya ang yakap sa akin. “Umuwi na tayo. Please.”

Another Heartbeat ♫ (completed)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu