Beat ♥ 08: Kanta

8.2K 143 20
                                    

Beat 08: Kanta

*Reina’s POV

     “Ah, hindi na! Nakakahiya naman,” nahihiyang sabi ko at saka napakamot sa ulo ko. Nakatayo ako ngayon sa may back door ng restaurant. Hindi ko na kasi alam pa kung ano yung mukhang maihaharap ko sa mga tao doon sa may main hall.

      “Okay lang,” sabi ni Justin at saka ako binigyan ng isang ngiti.

      Bigla namang nag-init yung parehong pisngi ko. Umiwas na agad ako ng tingin bago pa niya makita yung pamumula ko. “Thank you, pero kasabay ko kasi yung best friend ko pati yung kuya niya.”

     Pagkasabi ko palang noon ay biglang may babaeng humawak sa braso ko. “Bal! Kanina pa kita hinahanap–” Napahinto siyang bigla at napatingin kay Justin. Nanlalaki yung mga mata ni Lezah. “Ju-J-Jus-Just-J-Jus–”

      “Hi,” nakangiting bati ni Justin.

     “Uy, si Justin Cuevo. Haha. Hello.” Itinaas ni Kuya Lyndon yung kanang kamay niya sandali, pantay dibdib, at saka muling inilagay sa bulsa ng pantalon niya. Bakit ang cool talaga ng kuya ni Bal? Tss.

     “Hi.” Ginawa din ni Justin yung ginawa ni Kuya Lyndon. Itinaas din niya sa ere sandali yung kamay niya. Ganun ba talaga yung paraan ng pagkaway ng mga lalaki? *__*

     “Bal!” bulong sa akin ni Lezah.

     “Bakit?” mahinang sabi ko.

     “Bakit kasama mo si Papa Justin?” nagniningning ang matang tanong sa akin ni Lezah. *__*

     “Ah, kasi...” Hindi ko alam kung paano ko sasabihin. ( _ _)

     “Sis,” tawag ni Kuya Lyndon kay Lezah. “Pinapauwi na tayo sa bahay.”

      “Ay oo nga, tsk. Tara na kuya!” Agad hinawakan ni Lezah yung braso nung kuya niya. Hihilahin na sana niya ito ng palayo noong hinawakan ko siya sa damit.

     “Bal! Wait lang hintayin niyo ko!”

     Napabitaw ako sa pagkakahawak sa damit niya noong bigla siyang humarap sa akin. Bumulong siya, “Chance mo na ‘to, Bal! Magpahatid ka kay Papa  Justin.” Ilusyon ko lang ba ‘to o sadyang may nakikita akong mga pusong lumalabas sa tenga niya? -___-

      “Bal naman!” mahinang sabi ko sa kanya ng nakakunot ang noo.

      “Tara na kuya! Galit na galit na si Mama niyan! HAHAHA!” Mabilis na kinaladkad ni Lezah yung kuya niya palayo. Kailan pa siya nag-alala sa Mama niya? Akala ko ba galit sila? Tsk.

      “BAL!” TT___TT

      Narinig kong tumawa si Justin. “Paano ba ‘yan? Iniwanan ka na ng mga kasama mo.”

     “Teka lang, sis.” Biglang huminto si Kuya Lyndon. “Iiwanan natin si Reina? Paano siya uuwi?”

     “Ihahatid siya ni Justin! ‘Di ba, Justin?” nakangiting tugon ni Lezah at saka tumingin kay Justin. Ngumiti si Justin sa kanya at saka sumang-ayon. “See? Huwag ka nang maki-extra sa kanila, kuya!” Muli niyang kinaladkad palayo si Kuya Lyndon.

     Sigh.

     “Tara na?”

     Napatingin ako kay Justin. “Paano ‘yung meeting niyo? Baka um-absent ka pa.”

     “Hindi, tapos na naman ‘yon. Tatawagan ko nalang ‘yung manager namin.”

     “Nakakahiya talaga,” sabi ko at biglang namula. Inilagay ko ‘yung ilang hibla ng buhok ko sa likod ng tainga ko.

Another Heartbeat ♫ (completed)Where stories live. Discover now