Beat ♥ 36: Confrontation

4.9K 118 22
                                    

Manila International Book Fair on September 17-21, 2014 at SMX Convention Center (SM Mall Of Asia Complex). Nandoon ako ng weekend. Haha. Released na din 'yung My Drummer Boy book ng mga panahong 'yon. Yay! Nakaka-excite. Haha. :)

++++++++++++++++++++++++++++++

Beat36: Confrontation

 

*Reina

“Siya nga.”

     “Sabi sa’yo e. Buti nalang talaga at may nagsabi sa akin na dito siya nagtatrabaho.”

     “Working student? Kawawa naman siya. Si Justin kaya nagpapaaral sa kanya?”

     Hindi ko nalang pinansin ‘yung mga babaeng kanina pa tingin ng tingin sa akin. Nagpatuloy nalang ako sa pagpupunas ng table. Wala rin namang mangyayari kung magpapaliwanag ako. Mabuti pa kung si Justin at ‘yung manager nalang niya ang humawak sa issue na ‘to. Mananahimik na lang ako.

     Tumunog ‘yung chime ng pintuan ng café. Kinuha ko ‘yung tray at humarap doon sa pintuan. “Hello. Good evening. Welcome to–”

     May babaeng nakatayo doon sa pintuan. Nakasuot siya ng shades, jacket at pants. Isang simple at normal na damit para hindi siya agad makilala. Lumapit ako sa kanya.

     “We need to talk,” sabi niya sa akin at lumabas na ng café bago pa man ako makapagsalita. Pumunta ako sa kitchen para ilagay ‘yung maruruming plato at kubyertos. Nagpaalam din ako sa manager. Pinayagan niya ko dahil ang sabi ko’y sandali lang ako.

     Sinundan ko ‘yung babae sa labas. Nakasandal siya doon sa pulang kotse. Tumawid ako ng kalsada at lumapit sa kanya. “Anong pag-uusapan natin?” tanong ko.

      “Get inside.” Umikot siya at sumakay doon sa driver’s seat. Umupo naman ako doon sa passenger’s seat at isinara ‘yung pintuan. Noong nasa loob na kaming pareho ng kotse ay tinanggal na niya ‘yung salamin niya. “You remember me, right?”

      Tumango ako at inilahad ang palad ko kay Djanica. “Pakibalik na ‘yung cellphone ko.”

      Tumingin siya sa harapan at isinandal ang ulo sa upuan. Halos mahulog ang puso ko noong sinabi niyang, “It’s missing.”

     “Ano?!”

     Tumingin siya sakin at kumunot ang noo. “Look, sa tingin mo ba gusto kong mawala ‘yung cellphone mo? Kung gusto mo, ibibili pa kita ng lima at mas bagong modelo kaysa doon!”

     Tumikom ang parehong kamay ko. “Hindi naman iyon ang pinag-aalala ko e.”

     “I know.” Nagulat ako ng kaunti sa sinabi niya. Tiningnan niya ko ng seryoso. “The picture and the video, right?”

Another Heartbeat ♫ (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon