Beat ♥ 14: H-Ha?

8K 142 17
                                    

Beat 14: H-Ha?

*Reina

“Ayos lang ba talaga kung sasama ako?”

     Iyan ang bungad na tanong sa akin ni Justin pagkalabas ko palang ng kwarto ko ngayong Linggo ng umaga. Nandito siya sa may kitchen at nagluluto. Alam niyo ba, marunong palang magluto si Justin? Turn on much. Hihi.

     “Oo naman. Ikaw pa,” sabi ko ng nakangiti. Bakit naman hindi ko siya isasama? Ang dami na niyang nagawang kabutihan sa amin ng kapatid ko. Pero ang problema…

     Hindi ko pa nasasabi kay Lezah! Waaah. >__<

     Sige, ite-text ko nalang siya mamaya. Ehehe. ^u^v

     “Hindi ba ko makakaabala?” sabi niya at saka inilagay ang tatlong piraso ng burger patty sa isang plato. Umupo ako sa may upuan at ipinatong ang parehong braso ko sa table. Pumunta siya papalapit sa akin at inilapag sa table ‘yung plato.

     “Hindi no! Mas masaya kung marami tayo,” sabi ko at saka ngumiti.

     Ngumiti lang siya sa akin at saka muling bumalik sa pagluluto doon sa stove. Ang cute niya! Para siyang nanay. Nakasuot kasi siya ng apron. Hihi. Sarap kuhanan ng picture. *u*

     Teka nga. *light bulb* +(~ ~,)

     Kinuha ko ‘yung cellphone ko mula sa palda ko. Busy na busy si Justin sa pagluluto doon, nagha-hum pa nga siya e. Dahan-dahan kong ipinatong ‘yung cellphone ko doon sa may table at yumuko ako doon. Inilapit ko ng kaunti ‘yung cellphone ko. Kulang nalang ay dumapa ako sa table. Tss.

     In-open ko ‘yung camera. Ifinocus ko iyon at saka napangiti. Yes! Magkakaroon ako ng picture ni Justin habang nagluluto siya! ^0^/*

      Nag-sideview ‘yung anggulo ni Justin kasi may kinukuha siyang kung ano sa counter. Perfect angle! <3

     Huminga ako ng malalim at nagbilang ng tahimik. “One, two, three!”

     CLICK!

     Napalingon sa akin si Justin at ako naman ‘tong nanlalaki ang mata at agad na napaayos ng upo. Namula ako ng todo kasi HINDI KO PALA NAI-SILENT ‘YUNG FLASH NG CAMERA! >///<

     Nagkatitigan kami. Kumurap-kurap ako ng ilang milliseconds bago ako kumibo. “Ah… eh… ano, um…” Bumalik ako sa dating posisyon ko doon sa table at saka nahihiyang ngumiti habang nakatitig sa kaniya. “Selfie?”

     Nakita kong parang tumawa si Justin. Ako naman ‘tong hiyang-hiya na kasi ang engot ko dahil hindi ko na nga nai-silent ‘yung flash, walang kwenta pa ‘yung naisip kong palusot. Oh,Lord, why am I so like this? T___T

     Lumapit sa akin si Justin ng may dala pang isang plato. Mayroon iyong anim na pirasong hotdog. Inilapag niya ‘yon sa table. Noong tumingin ako sa kanya, hindi pa din nawawala ‘yung ngiti sa mga labi niya.

     Umiwas ako ng tingin at umayos ng upo dahil nahihiya talaga ako. >///< “Alam mo,” nagulat ako noong bigla siyang magsalita at saka isinabit na ‘yung suot niyang apron. Umikot siya at mas lalo akong nagulat noong bigla siyang umupo sa tabi ko.

     Napatingin tuloy ako ng ‘di oras sa kanya. Nanatili siyang nakangiti sa akin. “Hindi mo naman kailangang magtago e.”

     “H-Ha?” medyo nabubulol na tanong ko sa kanya.

      “Akin na.” Kinuha niya ‘yung cellphone ko at binuksan ‘yung camera. “Dito ka.” Inilapit ako ni Justin sa kanya. Napatingin ako doon sa cellphone ko. Shucks! Magse-selfie kami ni Justin?! 0///0

Another Heartbeat ♫ (completed)Where stories live. Discover now