Beat ♥ 13: "Ako Ang Bahala"

8.2K 161 14
                                    

Beat 13: “Ako Ang Bahala”

 

*Reina

 

“Mauna ka na,” sabi ni Justin sa akin habang pareho kaming nasa may pintuan.

     “H-Hindi, ikaw na. Sa’yo naman ‘yung condo na ‘to e.” Tumanggi kasi akong magpahatid kay Justin sa school. Tapos sinasabi pa niya na mauna na raw akong lumabas ng building then after five minutes, siya naman daw.

     Hindi kasi kami pwedeng makitang sabay na lumabas ng building. Baka magka-issue pa kami kasi sikat si Justin. Baka makasira pa sa career niya. Sisisihin ko ang sarili ko ‘pag nagkataon.

      “Sigurado ka? Hindi ka ba male-late?” tanong niya sa akin.

     Umiling ako. “Hindi. Sige na, mauna ka na.”

     Huminga siya at pagkatapos ay tumango. “Okay. So… see you later?” Ngumiti siya sa akin. Hindi ko naman maitago ang pamumula ng mukha ko tuwing ngumingiti siya sa akin ng ganito. Ang ganda niya kasing ngumiti. Laging kasama ang mga mata niya.

     Pagkatapos ng limang minuto ay sumunod na akong lumabas ng condo unit. Tumingin muna ako sandali sa hallway kasi baka may makakita sa aking lumalabas mula sa condo ni Justin. Noong makita ko nang walang tao, isinarado ko na ‘yung pintuan at saka sumakay ng elevator.

***

“Ano na daw nangyari doon sa Papa mo?”

     Umiling ako. “Hindi ko alam, Bal,” sagot ko kay Lezah. “Hindi ko pa naitatanong kay Justin.”

    “Tsk!” Huminto sa stretching si Lezah at saka tumingin sa akin. “Wala ka kasing ginawa kung hindi ang matulala kay Justin everytime! Pati ba naman ‘yon, hindi mo naitanong? Ano ba ‘yan!”

     Ngumuso ako. “Hindi ako makakita ng pagkakataon e. Nakakalimutan ko din.”

     Pumito ‘yung PE coach namin sa basketball. “Class! I’ll be gone for a few minutes dahil may emergency meeting ang faculty. We still have one and half hours left. Ipagpatuloy niyo lang ang stretching then after fifteen minutes, start shooting. Clear?”

    “Yes, sir!” sagot naman naming lahat at pagkatapos ay umalis na sa gym ‘yung coach namin.

     “Pero ano ba’ng itsura ng condo ni Papa Justin? Maganda ba?” sabik na tanong sa akin ni Lezah at parang nakita kong kumukutitap pa ‘yung mga mata niya.

    “Oo. Malinis,” nakangiting sagot ko.

    “OMG! Major turn on! Haha! Bihira sa lalaki ang malinis sa gamit.”

     “Oo nga e. Akala ko noong una, may maid sila kasi sobrang linis at aliwalas talaga ng condo niya. Pero mag-isalang pala talaga siya doon,” pagpapaliwanag ko.

Another Heartbeat ♫ (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon