Beat ♥ 31: Takot

5.7K 141 30
                                    

Beat 31: Takot

 

*Justin

Pinuntahan ko na lamang si Rio sa condo niya.

     Sabi niya sakin, nandun daw ngayon sina Luna at Steff, bumibisita din. Hindi ako mapakali habang nasa biyahe ako. Gustung-gusto kong hawakan ‘yung kamay ni Reina, hilahin siya pabalik sakin at sabihing ‘Don’t go’ pero parang may pumipigil sa akin.

     Nakita ko ‘yung mapanghusgang mga tingin ng estudyante sa kanya kanina. Parang bago pa man siya makapagpaliwanag ay hinatulan na siya agad.

     Ipinarada ko ‘yung kotse ko sa may parking lot ng building kung saan matatagpuan ‘yung condo unit ni Rio. Lahat kami ay may sariling mga condo para mas madali kaming makapunta sa company at TV networks. Malalayo kasi ‘yung bahay namin.

     Pumasok ako sa building ng naka-shades. Ibinigay ko ‘yung I.D. ko doon sa receptionist at pinapasok na niya ko. Sumakay ako ng elevator papuntang condo unit ni Rio. Noong nasa harapan na ko ay pinindot ko ‘yung doorbell.

     Maya-maya lamang ay bumukas na ‘yung pintuan. “Oh, Justin. Pasok ka.”

     Ngumiti ako sa kanya ng manipis at pumasok na sa loob ng condo unit. Nakita ko sina Luna at Steff na nakaupo sa carpet, sa may sala at nanonood ng TV. “Uy,” sabi ni Steff.

     “Hi, Justin,” nakangiting bati ni Luna sakin.

     Ngumiti naman akong pareho sa kanila. “Hello.”

     “May problema ka ba?” tanong ni Luna.

     Umupo ako sa sofa, sa likuran nila. Humarap naman silang pareho sakin at pinatay na ‘yung TV. “Oo e,” pag-amin ko.

     “Tungkol saan ba, pare?” Umupo si Rio sa tabi ko.

     Huminga ako ng malalim. “Natatakot kasi ako. Baka madamay si Reina sa magulong mundo ng career ko. Lalo na at non-showbiz pa siya.”

     “Don’t worry,” paninigurado ni Steff. “Wala naman silang magagawa kundi tanggapin ‘yung relasyon niyo e. Kaya walang problema.”

      Umiling si Luna. “Hindi, sis.” Napatingin kaming lahat sa kanya. “Maraming fans ang desperadong sumusuporta sa Pepperoni Cheese. At alam kong, pag-iinitan nila si Reina. Sa internet, sa TV, sa dyaryo, lahat. Magiging usap-usapan siya.”

     Tama si Luna. Dati, nangyari na rin ang bagay na ‘yon sa kanya noong naiipit siya sa pagitan namin ni Jessie. At nakita kong hindi ‘yon naging madali para sa kanya. I made her life difficult back then. Kaya naman ayokong maulit ‘yung pangyayaring kay Reina.

     I want to protect her.

     “Ano nang plano mo?” tanong ni Rio.

Another Heartbeat ♫ (completed)Where stories live. Discover now