Beat ♥ 35: Pagmamahal at Pagdurusa

5.2K 146 34
                                    

Beat ♥ 35: Pagmamahal at Pagdurusa

*Reina 

Pumunta kami ni Justin sa kotse niya.

     Maraming estudyante ang napapatingin sa direksyon namin pero nanatili kaming parehong nakayuko. Nasasaktan ako tuwing makikita ko si Justin na napapangiwi tuwing naitatapak niya 'yung kaliwang paa niya. Na-sprain siya dahil sa pagkakabagsak niya kanina sa sahig.

      Tinulungan ko siyang umupo sa may driver's seat at umikot naman ako para umupo sa may passenger's seat. "Sorry, Justin," simula ko. "Sorry talaga."

      Tumingin siya sa akin at inabot ang kamay ko. "Ako ang dapat mag-sorry sa'yo. Ako ang may kasalanan kung bakit ginawa nila sa'yo 'yan."

      Yumuko ako. Nakita ko 'yung pulang pinturang tumalsik sa damit ko pero ngayon ay medyo natutuyo na siya. "Hindi ka naman niya kailangang saktan e," patungkol ko kay Kuya Lyn.

     "Naiintindihan ko si Lyndon. Ako ang dahilan kung bakit ka nila pinag-iinitan. Hindi ko naman din sila kayang kontrolin dahil magkakaiba sila ng pananaw. At isa pa, hindi kita maprotektahan." Ngumiti siya sakin ng kaunti. "I really deserve this."

 

      Humarap ako sa kanya na puno ng pag-aalala ang mukha. Bumaba ang tingin ko doon sa maliit na sugat ni Justin sa labi. Pinunasan ko ‘yung dugong nandoon. And at that moment, he closed his eyes, feeling the warmth of my hand against his skin.

      Hinawakan ko ‘yung pisngi niya. He gripped my hand tighter. “You don’t deserve this, Justin. Kahit ‘yung lahat ng nangyari sa’yo. You don’t deserve all of that.” Alam kong alam niya ang tinutukoy ko. ‘Yung heartbreak, ‘yung pressure, at pati na rin ‘tong pagkakasuntok sa kanya. He doesn’t deserve any of these.

      Ngumiti siya ng kaunti. Pumikit siya, hinawakan ang kamay ko na nasa pisngi niya at idinampi ang mga labi sa may palad ko. He planted a soft kiss there. And that gesture of his made my stomach flutter into hundred folds.

 

      “Mahal na mahal kita,” he said softly against my palm, pronouncing every word like it meant everything to him.

      I blushed so bad. Sobrang init ng pakiramdam ko ngayon at ang lakas ng tibok ng puso ko. Gusto kong sabihin na mahal na mahal ko rin siya but I was stuck there, unable to move or to say anything. I was completely drowned by this moment.

      “I’m sorry,” sabi niya at muling tumingin sa akin. “Ang sabi sa akin ng manager ko, I need to keep my distance from you. Until this whole thing’s over.”

      Ngumiti ako ng manipis. “I understand. Gawin mo kung ano ang makakabuti sa’yo.”

      Nakita kong parang bumagsak ang kulay sa mga mata niya. He was slightly biting his lip from the inside. “Hindi ko kaya.”

Another Heartbeat ♫ (completed)Where stories live. Discover now