Beat ♥ 44: So Numb

4.3K 109 5
                                    

Beat 44: So Numb

 

*Justin

 

Nandito kaming muli sa backstage para maghanda sa huling kanta.

       “Bakit hindi ka mapalagay dyan, pare?” tanong ni Jessie habang pinupunasan ng stylist niya ang pawis sa noo niya. Lumakad ako ng pabalik-balik sa loob ng kwarto habang nakapamaywang.

      “Hindi ko na makita si Reina, pare, sa audience,” nag-aalalang sabi ko.

      “Baka naman nag-CR?” sabi ni Kevin.

      Umiling ako. “Hindi. Kanina pa siya wala. Matatapos na ‘yung concert natin pero hindi pa rin siya bumabalik.”

      “Baka umuwi na?” pahayag ni Rio.

      “Bakit hindi siya nagpaalam?” I said and there was disappointment in my voice. Hindi naman kasi siya aalis nalang bigla ng hindi nagpapaalam, e. I know her. She’ll stick until the end, pwera na lang kung may nangyaring biglaan.

      “Calm down, pare. Hindi siya pwedeng pumasok dito para magpaalam kasi on-going ang concert. Tawagan mo kaya? May five minutes pa naman tayo.” Tumayo si Jessie at isinuot ang kulay itim at silver na jacket para sa ending.

      “Teka lang, Ate Mags,” sabi ko sa stylist ko. Tumango naman ito. Mabilis akong pumunta sa bag ko at kinuha ang cellphone. Hindi ako mapapalagay hangga’t hindi ko nalalaman kung nasaan si Reina. I punched her number at mabilis na itinapat ang cellphone sa tainga ko.

      Sumagot ka, please.

 

     Nakita ko ‘yung paparazzi kanina sa may sulok. Ipapakita ko sa kanya na kaya kitang ipaglaban. Ipapakita ko sa kanilang lahat na hindi kita ikinahihiya at mahal na mahal kita. Pagod na kong magtago. Napapagod na kong sumunod sa mga sinasabi nila. Kaya sa pagkakataong ito, puso ko naman ang susundin ko.

      “Sagutin mo, Reina,” bulong ko at napahawak na ko sa likod ng ulo ko. Patuloy lamang sa pagri-ring ‘yung cellphone niya. I cursed silently at muling idinial ang number niya. Pero this time, mukhang nakapatay na ang cellphone niya. “Shit.” Pumikit ako at napahawak sa noo ko. Mababaliw na yata ako. Sobra na kong nag-aalala kay Reina.

      Narinig kong bumukas ang pinto ng backstage. Humahangos na lumapit sa akin si Mama. Bakas sa mukha niya ang matinding pag-aalala. “Justin,” sabi niya. “Reina left.”

     I blinked. “Saan po siya nagpunta?”

       Umiling si Mama. “Hindi ko alam. It’s... it’s my fault.”

       “What? Wait, Ma.” Umiling ako na para bang hindi ko maintindihan ang mga sinasabi niya. Kumunot ang noo ko. “Hindi kita maintindihan. Ano pong umalis si Reina?”

Another Heartbeat ♫ (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon