Beat ♥ 19: Sa Gitna Ng Ulan

7K 158 20
                                    

Beat 19: Sa Gitna Ng Ulan

*Reina

“Justin!”

     Lumingon siya sa akin habang nagsusuot ng sapatos malapit doon sa may pintuan. Agad akong pumunta sa likod niya at iniabot ang isang tableta ng gamot at saka baso ng tubig. “Inumin mo muna ‘yung gamot mo bago ka umalis.”

     Humarap siya sa akin at saka kinuha ‘yung hawak ko. “Salamat,” nakangiti niyang sabi at saka ininom na ‘yung gamot niya. Ibinalik niya sa akin ‘yung baso.

     Tumama ‘yung tingin ko doon sa suot na black suit ni Justin. Aalis na sana siya pero nagsalita ako. “Ay, teka lang, Justin.”

     Ibinaba ko ‘yung baso doon sa may end table, sa tabi ng vase. Humarap sa akin si Justin. Hinawakan ko ‘yung neck tie niya at sinubukang ayusin ‘yon. “Bakit? Mali ba ‘yung pagkakatali ko?” tanong ni Justin.

     “Hindi naman. Pero, medyo magulo lang.” Pinigil ko ‘yug ngiti ko habang ginagawa ko ‘to. Waaah! Para kaming mag-asawa! ^///^

     Pagkatapos kong ayusin ‘yung necktie niya ay inayos ko naman ‘yung kuwelyo ng puting polo niya sa loob ng black suit. At dito na nga ako napangiti. Kinikilig ako. Hihi.

     “Ayan,” sabi ko noong tapos ko nang ayusin ‘yung suit niya. “Okay na.”

     Ngumiti si Justin sa akin. “Thank you ha. Bye.” Kinurot niya ng mahina ‘yung pisngi ko. Kinuha niya ‘yung bag na dala niya at lumabas na sa condo unit.

     “Bye.” Para naman akong timang na kumakaway mag-isa doon kahit na sarado na ‘yung pinto. Ngumiti ako ng huling beses at pagkatapos ay pumunta na sa CR para maligo.

***

Nakatingin ako ngayon sa reflection ko sa may salamin sa kwarto namin ni Kyle.

     Nandoon si Kyle sa may basketball court, sa labas ng building at naglalaro. Humigit-kumulang isang oras na ang nakalilipas simula noong umalis si Justin sa condo. Ipinagluto ko na din ng pagkain si Kyle para sa tanghalian niya.

     Ala una ang pasok ko pero bago pa lang mag-eleven ng umaga ay aalis na ko. Inaya kasi ako ni Lezah na sabay kaming mag-practice para sa practical test. Isinukbit ko sa balikat ko ‘yung strap ng case ng gitara ko.

     Huming ako ng malalim. “Kaya mo ‘yan, Reina. Go!” cheer ko sa sarili ko.

     Lumabas na ko ng kwarto. Bigla akong napalingon sa kwarto ni Justin. “Ay, baka hindi pa pala nailalabas ‘yung palanggana at ‘yung baso ng gatas. Teka lang.” Dahan-dahan kong binuksan ‘yung kwarto ni Justin. “Papasok po,” bulong ko at pagkatapos ay lumakad na sa loob ng kwarto.

     Kinuha ko ‘yung palanggana na may laman pang kaunting tuwig at ‘yung baso ng gatas na hindi man lang nagalaw dahil nga nagkasakit si Justin kagabi. Papaalis na sana ako noong biglang mahagip ng paningin ko ‘yung isang CD na nakapatong doon sa computer desk ni Justin.

     Lumapit ako para tingnang mabuti ‘yung label ng CD. Biglang nanlaki ‘yung mga mata ko. “OMG!”

     Hala! Nakalimutan ni Justin ‘yung CD na ipe-present ng banda nila sa recording studio! P-Paano na ‘to?!

     Mabilis akong tumakbo palabas ng kwarto at inilagay sa lababo ‘yung palanggana at baso ng gatas. Bumalik agad ako sa kwarto ni Justin para kuhanin ‘yung CD. Kinuha ko ‘yung cellphone ko at susubukan sanang tawagin si Justin noong bigla kong na-realize na...

Another Heartbeat ♫ (completed)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن