CHAPTER 25 - No Regrets At All

Start from the beginning
                                    

Omg, tinatanong na niya kung sino. Sasabihin ko ba? Eh nahihiya ako ee :3

"S..si..si ano..ummm.." nauutal na sabi ko. Hindi ko kayang bigkasin ee.

"S-sino?" tanong ulit niya.

"S-si Janeth! Sshhh, wag mong sabihin kahit kanino ha? Tayo lang ang nakaka-alam nito." pabulong na sabi ko sa kanya.

Biglang nag-iba yung expression niya. Kanina seryoso siya pero ngayon parang may lungkot at sakit ang nakikita mo sa mukha niya. Di niya ba tanggap na si Janeth yung gusto ko? 

"Ui? Okay ka lang Nics?" tanong ko. Hindi kasi siya umiimik ee. Nakayuko lang siya at inaayos yung salamin niya.

"Ah-- o-okay lang Miks, m-medyo masakit kasi yung ulo ko eh." sabi niya.

"Talaga? Tara, punta tayo sa clinic."' aya ko.

"Wag na, may gamot naman ako sa bag eh." sabi niya. Nakangiti na siya ngayon pero makikita mo pa rin yung kalungkutan sa mga mata niya.

"Cge ikaw, pero sabihin mo lang kung may problema ha?" sabi ko.

"Yup." sagot niya.

"So, ano yung sasabihin mo? May crush ka rin ba? O may mahal?" excited na tanong ko sa kanya.

"H-h..ha?! Eh ano, hindi naman. Y-yun l-lang. Na hindi ko tipo ang boys. T-tapos kung mainlove man ako sa isang tao, w-w..w-wala na ako p-pag-asa para sa kanya." naiiyak na sabi nito.

"Awwww, kawawa naman ng bestfriend ko. Hali ka nga. Kung sino man ang taong yun, malas siya kasi di niya minahal ang tulad mo na mabait, caring, mapagmahal at napaka thoughtful na babae. Kung minahal ka lang sana niya, mukhang siya na ang pinaka swerteng tao sa buong mundo dahil nagmahal siya ng katulad mo." sabi ko habang niyayakap siya.

Umiiyak na siya ngayon, mukhang broken hearted talaga tong bestfriend ko. Pinabayaan ko nlng syang umiiyak sa balikat ko, maya-maya pinatahan ko na at nag ayang umuwi na.

*end of flashback*

Ako pala yung malas na tinutukoy ko. Natatawa ako habang inaalala ko yun, di ko akalain na ako pala yung taong tinutukoy niya na nagmahal ng iba. Lol. Pero totoo naman talaga yung sinabi ko nun, malas ako dahil hindi ko siya pinili. Kung hindi lang sana ako nainlove kay Janeth, magiging masaya na sana ako ngayon dahil ako pala yung mahal ni Nicole. At kung siya yung pinili ko, hindi na sana ako dumaan sa miserableng buhay ko. Pero kahit gaano man ka panget yung nakaraan ko, bumalik rin naman sa dati ang dahil bumalik siya, si Nicole sa buhay ko.

"Nasaktan ako nun pero hindi mo yun kasalanan Khym. Wala rin naman akong karapatan para humadlang sa sa kung sino yung taong lumalaman ng puso mo. Kaya nga kita tinulungan nun kasi dun ka masaya. Kung ano man ikaliligaya mo, yun rin ang ikaliligaya ko. Pero mas lalo rin ako nasaktan nun kasi palagi nlng si Janeth ang kinukwento mo, lahat ng oras mo nasa kay Janeth na rin, di mo na ako pinapansin kasi lahat ng atensyon mo, nasa kay Janeth na. Gusto ko sanang magmahal ng iba pero ang hirap pakawalan mo sa puso ko. Kahit nasasaktan na ako naghintay pa rin ako, kahit di mo na ako pinapansin, naghanap ako ng paraan para kausapin mo 'ko ulit. Pinapansin mo lang ako kung busy si Janeth o kung wala kang ibang kasama. Ayoko na sana pero hindi ko talaga kaya na hindi kita makasama, namiss kasi kita nun. Pero biglang naglaho ang lahat nung iniwan ka niya, at nung dumating yung pagiging 'badgirl' mo." kwento niya.

Inaamin ko rin na nasasaktan ako sa kwento niya. Kasi hindi ko inasahan na ang laki pala ng pagkukulang ko sa kanya :( Ang salbahe ko pala, pati bestfriend ko hindi ko mabigyan ng atensyon dahil sa pagiging selfish ko. :( Umiiyak ako habang pinaparinig yung mga kwento niya, grabe ang salbahe ko :(

"Uyyy, wag kang umiyak. Naiiyak rin ako habang nakikita kang ganyan :( Hindi mo kasalanan ang lahat, kasalanan ko 'to kasi minahal kita at umasa ng sobrang-sobra." sabi niya. 

See? Kahit ako yung dahil kung bakit nasaktan siya, inaamin niya pa rin na kasalanan niya ang lahat. Grabe, ang bait niya para magmahal ng isang 'salbahe' na katulad ko :'(

"S-sorry.." naiiyak na sabi ko at niyakap siya ng mahigpit.

"W-wag kang magsorry sabi ee." sabi niya. Umiiyak na rin siya.

"N-nasaktan kita ng sobra."

"W-wala kang kasalanan. Masaya nga ako eh kahit nasaktan ako ng maraming beses at ng sobra-sobra" sabi niya.

"B-bakit?" pagtataka ko.

"Kasi minamahal na ako ng 'malas' na tao na sinabi mo nun." natatawang sabi niya.

Ngumiti rin ako kahit may luha pa sa mga mata ko. 

"Mali ka. Swerte na nga siya ngayon eh." sabi ko.

Tumawa siya at pagkatapos nun, pinunasan yung luha sa mukha ko. Magkayakap pa rin kaming dalawa habang nagtititigan.

"Ang ganda mo talaga. Kahit mataba ka nun, nakasalamin at may maraming pimples, maganda ka pa rin sa paningin ko." sabi ko.

"Hmp, sabi mo pa nga nun na nasusuka ka kapag nakikita mo 'ko." naiinis na sabi niya. Tumayo siya at nagcross arms. Urgh ang cute niya talaga!!!

"Wag ka ngang magpacute dyan, baka mahalikan pa kita ehh. Anong nasusuka? Joke lang yun noh. Naniwala ka naman?" sabi ko.

"Natatawa ka pa nga nun eh. Hmp!" pagpapacute na naman niya. Tsk, hindi ko na talaga mapigilan.

Pinahiga ko siya ulit at hinalikan siya. Halatang nagulat siya pero hindi niya ako tinulak, tumutugon pa nga siya sa mga halik ko. Huminto muna ako para tumingin sa kanya.

"It's your fault kasi nagpapacute ka. Sabing maganda ka kasi eh" sabi ko.

"Nagbibiro ka na naman!"

"Maganda ka Nicole. Kahit marami kang kulubot sa mukha, kahit maging kalbo ka pa o maging gangster sa tabi-tabi, hindi pa rin magbabago yung pagtingin ko sa'yo. seryosong sabi ko sa kanya.

"P-promise?"

"Promise. Cross my heart. Mamatay pa si Danbo." biro ko yung last part pero yung promise totoong-totoo yun.

"Noooooo! Wag si Danboooooooooo!" 

"Di joke lang, pero promise talaga yun." sabi niya

"Hayy, okay." nakangiting sabi niya.

Nag smack ako sa kanya at nag ayang bumalik na sa bahay nila. Malapit na kasing mag madaling araw, baka habulin pa kami ng ahas dito :3

Natutulog na sina Mommy, Nico at Nanay Kristina, pero si Tito Ramon nanonood pa rin ng maliit na tv nila. Pinapatulog na rin kami ni Nicole, inayos na daw yung banig sa kwarto kaya pumasok na kami. Magkatabi kaming apat ni Nicole, Mommy at Nico, kahit masikip, komportable pa rin kami.

Left to Right --> Mommy, Ako, Nicole, Nico.

Magkaharap kaming natulog ni Nicole. Ayaw nyang magpayakap, baka daw kasi mahuli kami ng mga magulang niya. (Wala pa talaga syang alam XD) Kaya hinayaan ko nlng, nakipaghawak nlng ako sa kamay niya, hindi naman niya binitawan.

"Good Night." bulong ko.

"Good Night rin." bulong rin niya.

"I love you." bulong ko ulit.

Ngumiti siya at bumulong rin, "I love you too."

At pumikit na ako, di ko akalain na hahalikan niya ako. Napamulat ako nung ginawa niya yun. Baka di ako makatulog ng maayos nito ha? Kinikilig kasi eh XD Naks <3

------------------------------------------------------------------

Tim says: Liked my chapter? Give it a comment or vote ;) Thank you for reading! 'Til next chapter readers! <3

Heart Lies (gxg)Where stories live. Discover now