CHAPTER 25 - No Regrets At All

Start from the beginning
                                    

"Perooo???" tanong ko.

"Na inlove ka kay J-Janeth..." sagot niya.

Kaya pala ang lungkot niya nung nabanggit ko yung pangalan ni Janeth sa gym. Naalala ko pa nga yung reaction niya eh.

*Flashback*

"Mik! Pwede ba tayong mag-usap mamaysa sa gym?" tanong niya.

"Sure Nics! Pagkatapos ng training namin." sagot ko.

"Cge see you later. Aantayin kita ha?"

"Oo! May sasabihin rin ako sa'yo mamaya."

Mukhang seryoso tong sasabihin ni Nicole mamaya ah? Baka may crush na siya? Hahaha! Hindi niya kasi binabanggit yung crush niya eh, baka ngayon na niya sasabihin. Naks! :) Excited na rin ako kasi sasabihin ko sa kanya yung bagong crush kooo! 

Inspired pa nga ako ngayon sa training namin sa swimming club eh. Kasi pinansin ako ni Janeth kanina sa hallway. Naks kinilig ako dun!

Nagsimula na yung club namin at nag perform ng mga basic tricks kagaya ng freestyle, butterfly at marami pang iba.

"Mukhang inspired tong si Ms. Gomez oh? Ang ganda ng performance!" sabi ni coach.

Nagblush ako kasi totoo yung sinabi ni coach. Tinutukso tuloy ako ng mga ka members ko :3

Ilang oras at natapos na rin yung club namin. Pumunta ako sa gym kagaya ng sabi ni Nicole sa akin kanina. Nakita ko syang nakaupo habang nagbabasa ng libro. Kahit nerdy o mataba siya, mabait naman siya na kaibigan kaya gusto ko siya :) As a friend or maybe a sister.

"Nics!" tawag ko nito at lumingon naman siya. Nakangiti siya pero parang may halong gulat at nerbyos.

"M-mik!" tawag rin niya at tumayo.

"Wala na tayong pa ligoy-ligoy pa. Anong sasabihin mo?" tanong ko.

"Ah-eh ikaw muna..." sabi niya sabay kati ng ulo niya.

"Ikaw nlng muna." sabi ko.

"Ikaw na pleeease.." pagmamakaawa niya.

"Hayy okay cge na nga." sabi ko. Ngumiti ako at pinaupo ko muna siya bago ako sumagot. Hinawakan ko yung kamay niya, ninenerbyos rin ako eh..

"Promise me muna na hindi ka magagalit o iiwas." sabi ko sa kanya.

"P-promise..."

"Okay. *inhale* *exhale* I'm--I'm inlove with a girl." seryoso kong sabi sa kanya.

"W-what?! Wi-ww..with a girl?!" gulat na sigaw niya.

"Shhh! Wag kang maingay baka marinig ng iba." bulong ko sa kanya.

"A-ako rin.." sabi niya.

Kung nagulat siya kanina, ako naman ang nagulat ngayon...

"A-ano?! Parehas tayo?!" gulat na sigaw ko rin.

"Tumahimik ka nga, ikaw na naman ang nagugulat eh parehas lang tayo ng dahilan." sabi niya.

"S-sorry nagulat din kasi ako eh. Kailan pa?" tanong ko.

"B-bago lang..." sagot niya.

"Talaga? Ako rin nga ehh." sabi ko.

"Uhh..sino naman siya?" tanong niya.

Heart Lies (gxg)Where stories live. Discover now