Chapter 2.10: Revealed

462 24 0
                                    

Chapter 2.10: Revealed

Angel's POV

Kamumulat ko lang ang aking mga mata,lahat sa paligid ko ay puro kahon.Hindi na masyadong ginagamit ito kaya marami ng mga Spider webs.

Nasan ako? Nasan si Jake? Kinuha ba nila si Jake?

"Your awake,Sapphire",sabi ng isang lalaki na pamilyar ang boses.Nakamask at sombrero siya kaya hindi ko siya masyadong makita.

"Sino ka ba? At anong kailangan mo sa akin?",tanong ko.

"Hindi mo na ba ako makilala?",tinanggal niya ang mask at sombrero niya."Bilis mong makalimut ah?"

Tumawa ang kanyang mga guwardiya.Anong nakakatawa dun? Mga baliw!

"Walang hiya ka talaga,Gueinstein! Hindi ka talaga mananahimik?!",seryoso,wala naman akong ginawa sa kanya noong buhay pa ang mga parents ko.Pinaaresto ko na sana siya dati eh pero ayaw ko,gusto kong patayin siya.Katulad ng pagpatay niya sa aking mga magulang.

"Hindi,ikaw kasi ang isa sa mga nakawitness na pinatay ko ang iyong mga magulang",yun lang ba ang rason kung bakit niya ginagawa ito?

"You're so unbelievable,eh ano na kung ako ang nakawitness? May pagkatanga ka rin noh? Kaya pala ang insecure mo.Hindi lahat ng bagay ay makukuha mo",dahil sa sinabi ko sinuntok niya ang sikmura ko.

"Wala kang alam sa akin kaya shut up ka na lang",Wala naman akong pakialam.Dinungisan ko ang kanyang mukha at in-expect ko talaga na susuntukin niya ako sa tiyan.

"Bugbugin niyo siya",utos niya sa mga gangmates niya.Tumango naman sila at lumapit sa akin na nakangiti.

~~~~~~~~

Hirap na hirap na ako dito,maraming sugat at duguan pa ang aking mukha.Mauubos ang dugo ko anytime dahil dito.Narinig kong bumukas ang pintuan,pilit kong ginalaw ang aking ulo para makita kung sino ang mga pumasok.

"Sakto gising ka na pala",seryosong sabi nito.Nagulat ako ng makita ko sila.Hindi maaari...

"V-vince at M-mark? Kakampi k-kayo ni Gueinstein?",hindi makapaniwalang tanong ko sa kanila.

"Oo",matipid nilang sagot.

"P-paano? Kailan pa? Bakit sila p-pa?",hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko ngayon.May halong galit,lungkot at disappointed.

"Noong buhay pa ang parents mo,magkakampi na kami ni Mark.Plinano lahat namin ito,ang pagpatay sa iyong mga magulang.Nakipagkaibigan kami sayo para kumuha ng mga impormasyon at Iba pa at nagwork naman ang plano namin" -Vince

"Hindi ako makapaniwala na ganyan pala kayong dalawa at ikaw Mark.Akala ko ba na magkaibigan tayo? Bakit mo ba ginagawa ito?",iiyak na ako anytime pero nilakasan ko ang loob ko.

"Sorry ah kung nilihim ko ito.Isa din kasi akong Agent katulad ni Vince",mga walang kwenta talaga ang mga ito.

"Iyan ba ang sinasabi ninyong Agent? Mga kontrabidang Agent? Hindi talaga ako makapaniwala sayo Vince,you betrayed us even your own Father",Magsasalita na sana si Vince ng...

"Nagpakita na pala ang mga kaibigan mo.Ay hindi pala,mga pekeng kaibigan mo hahaha",tuwang sabi ni Gueinstein.

"Anyway,you want to hear why I killed your Parents? Ganito kasi,katrabaho nila kasi ako sa Company ninyo pero isang araw.They fired me because I didn't do my job well and I made a mistake.I want to correct my mistakes so I pleased and asked them to give me another chance.They didn't gave me another chance and the worst of all they killed my only beloved son.Kaya pinatay ko sila but it's not enough.Kahit patay na sila,hindi parin ako kuntento",explain niya.

"So that means I'm next? Tapos ano na? Matutuwa ka ba? Kahit patayin mo ako hindi parin mawawala ang lungkot at galit mo.Just move on will you? Baka kasi may ginawa ang anak mo kaya nila pinatay siya.Just stop this..You're so crazy and Immature ",sumbat ko.

"Oo baliw na Talaga ako",kinuha niya ang baril sa lamesa at tinutok sa akin."Ito na ang katapusan mo Angel Sandoval"

Unti-unti kong pinikit ang aking mga mata at hinintay na putukin niya ang baril sa ulo ko.Susuko na ako,ito na talaga ang katapusan ko sa buhay ko.

Bang!

Patay na ba ako? Hindi eh pero narinig kong pumutok ang baril.Minulat ko ang mga mata ko at nakitang nakikipaglaban si Vince kay Gueinstein.

"Don't worry,Angel.Nandito kami para iligtas ka,malapit na sila Tito Christian",sabi ni Mark habang binabaklas niya ang tali sa kamay at paa ko.

"Dba~~~",he cut my words.

"Acting lang ang lahat ng ginawa namin kanina hehe",sabi nito habang binubuklas parin ang mga tali sa paa ko."Tara na"

Inalalayan akong lumakad si Mark.Kahit masakit na talaga ang aking katawan at nauubos na ang dugo ko sa katawan,pinilit kong lumakad para makaalis na dito.

"Not so fast",at pinaputok niya ang kanyang baril.Huminto kami sa paglalakad at unti-unti kong tinignan ang balikat ko.Malapit dito sa puso ko ang binaril ni Gueinstein.Napahiga ako,wala na talaga akong lakas at marami ng nawalang dugo sa katawan ko.

"Angel!",maraming tumawag sa aking pangalan.May lumapit sa akin at hinawakan ang magkabila kong pisngi.

"Angel,sorry hindi kita naprotektahan dadalhin ka na namin sa hospital",binuhat ako ni Jake palabas sa building.

"J-jake,tandaan mo ang s-sasabihin ko.M-mahal na mahal k-kita,hindi ko a-alam kung ma-bubuhay pa a-ako.Magpapa-kabait ka p-palagi ah?",ito ang huling sabi ko sa kanya bago ako mawalan ng malay.


~~~~~~

Gangster Princess Meets Them || The Final Revenge (COMPLETED)Where stories live. Discover now