Chapter 46: Couple Bracelet

533 21 7
                                    

AUTHOR'S NOTE:

IDEDEDICATE KO PO KAY @User15069876 AT @JLMNDCRML ITO.SALAMAT PO SA PAGBABASA, PAGCOCOMMENT AT PAGVOVOTE NIYO!

~~~~~

Angel's POV

"Good Morning",ngiting sabi ko kay Violet.

"Good Morning din parang iba yang mga ngiti mo Angel ah?" -Violet

"Haha hindi naman,sadyang masaya lang ako",sa totoo lang masaya kasi ang araw ko kahapon,palagi kaming magkasama ni Jake at nag-uusap.

"Tsk! Hindi ka makakalusot sa pagsisinungaling mo sa akin,Angel noh....Sabihin mo na kasi please",pagpipilit niya,I sighed and tell her what happened yesterday.

"OMG! Nakakakilig naman kayong dalawa,Girl!",hinampa-hampas niya ang aking braso.

"Aray ko Violet!",tumigil na siya sa paghahampas ng aking braso.

"Hehe sorry",nagpeace sign siya.

"Maligo na tayo para makapag-almusal na tayo",aya ko at pumasok na sa Cr para maligo.

~~~~~

"Guys maghihiwalay muna tayong lahat pero yung magCouple magsama sila",may halong biro ang mga ngiti ni Violet sa akin.Tsk ikaw talagang babae ka."Yohanne samahan ko"

"A-ah o-okay",nauutal na sagot ni Yohanne,parang may mali kay Yohanne ah.

"Saan mo gusto pumunta?",tanong ni Jake.

"Hindi ko alam,ikaw na bahala",sabi ko.

"Gusto mo pumunta sa Souvenir Shop?" -Jake

"Yep,salamat sinuggest mo yan baka kasi makalimutan kong bumili eh",sabi ko at naglakad na kaming dalawa papunta sa Souvenir Shop.



"Andami mong kinuha ah",tumawa ng mahina si Jake.

"Yep",matipid kong sagot at binayaran na ang mga binili ko.

Lalabas na sana kami ng may tumawag sa amin kaya napalingon kami kung sino iyon.

"Ikaw pala Rochelle",sabi ni Jake.

"Anong ginagawa niyo dito?",tanong niya.

"Malamang nagbabakasyon at bumibili ng souvenirs",inis kong sagot.

"Wow,ikaw na pala si Jake ah?", aba't sinusumbatan na niya ako ah.

"Oo bakit? May reklamo ka?",inis kong sabi.

"Tsk! By the way,may campfire mamayang gabi,punta kayo ah?",sabi niya,tumango lang si Jake."Saan kayo pupunta ngayon?"

"Pupunta kami sa Arcade",sagot ni Jake.

"Pwedeng sumama?",tanong niya.

"You can't come with us",nagcross arms siya.

"At bakit naman?" -Rochelle

"Kasi~~",hindi ko natuloy ang sasabihin ko kasi nagsalita si Jake.

"Pwede ka naman sumama sa amin",what the?! Bakit siya pumayag?! Sinamaan ko siya ng tingin,nagkibit-balikat lang siya.Hayys kainis,bakit ka pa kasi nandito flirty? Istorbo ka!


"Paano to lalaruin? Huhu pwedeng turuan mo ako?",tanong ni Rochelle,pumayag naman tong si Jake.

"Jake,eto laruin natin.Kung sino ang matalo maglilibre mamaya" -Rochelle

"Haha sige,tignan lang natin kung sino ang matatalo" -Jake

"Duet tayo sa Sayaw" -Rochelle

"Hindi ako marunong sumayaw" -Jake

"Tuturuan kita,halika na" -Rochelle

Okay kayo na,kayo ng dalawa parang multo lang ako dito.Hindi man lang ako pinapansin ni Jake tsk! Nakakainis! Umalis na ako sa Arcade at pumunta sa Ice Cream Shop.Gusto ko magpalamig ng ulo.

"Isang chocolate mint ice cream nga",binayaran at kinuha ko na ang Ice Cream ko at umupo.

Ang sarap talaga ng Chocolate Ice Cream hihi.

"Nandito ka lang pala",sabi niya at umupo siya sa upuan na nasa harapan ko.

"What are you doing here and where that Girl?",inis kong tanong sa kanya.

"Alam ko nagtatampo ka sa akin,sorry.I just got carried away",pagpapatawad niya.

"I dont want your apology,sumama ka na lang sa kanya",sabi ko.

"Nagseselos ka no kaya ka ganyan?",may gana pa siyang mag-asar ah

"Hindi noh",salamat hindi ako na-utal

"Eh bakit ka nagkakaganyan? Ang sungit sungit mo" -Jake

"None of your business" -Me

"Oh kitams,hindi siya makasalita kasi nagseselos siya haha",binatukan ko siya ng malakas "Aray,ito naman hindi mabiro"

"Kanina ka pa kasi eh.Libre mo nga ako ng Ice Cream"

"Ayaw ko" -Jake

"Edi huwag,may pera naman ako",tatayo na sana ako ng pigilan niya ako.

"Joke lang yun,ikaw talaga.Chocolate Mint dba?",tumango ako.Ngumiti lang siya at tumayo na para bumili ng Ice Cream haha.

"May ibibigay pala ako sayo",may kinuha siya sa kanyang bulsa at pinakita sa akin yun.

"Wow ang cute naman yan",react ko sa pinakita niyang bracelet sa akin.

"Kanina ko lang ito binili,nung umalis ka sa Arcade",Kinuha niya ang kamay ko at sinuot  niya ito.

"Salamat",tanging masasabi ko lang.

"Walang anuman,meron din akong ganyan",pinakita din yung sa kanya.Bumili siya ng Couple Bracelet,sa kanya ay Susi at Kandado naman ako.

"Picture'an natin",kinuha niya ang cellphone niya at hinawakan yung kamay ko.


Wala na akong pakialam kung ginagawa niya ito dahil lang sa parusa namin basta masaya na ako dahil palagi kaming magkasama at binigyan pa niya ako ng Bracelet.

Gangster Princess Meets Them || The Final Revenge (COMPLETED)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu