Chapter 2.5: Prom

436 22 0
                                    

Chapter 2.5: Prom

Jake's POV

Habang naglalakad ako papunta sa Boys Locker Room ay kumuha ako ng isang plyer na nakadikit sa mga pader.

~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°

PROM

Who is your Prom Date?

When: Tonight at 8:00 pm
Where: Crystal Star Hotel

Wear your Best Dresses and Suits

~

°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°

Napangiti naman ako ng mabasa ko ang mga detalye.Makakasayaw ko na ang Girlfriend kong mahal na mahal ko.Bibili ako mamaya ng  Boquet of flowers pagkatapos ang practice namin sa Basketball.May laban na naman kasi kaya todo practice kami.

~~~~~~

Angel's POV

Nasa labas ako ngayon ng aking Classroom,hinihintay si Jake.Snack Time na kasi eh.

"Oh bakit nandito ka pa?",takang tanong ni Andrew.Tumingin ako sa likod niya pero wala si Jake.Kapag tapos kasi ang Practice nila sa basketball ay palaging nagsasama ang dalawa eh.Syempre barkada,alam niyo na.Oh and si Andrew pala ay captain ball ng Legendary Dragons.

"Hinihintay ko si Jake,nasaan pala siya? Bakit hindi mo siya kasama?",tanong ko.

"Salamat pinaalala mo yan,pinapasabi niya na hindi muna siya makakasabay ngayon.May bibilhin daw siya",sabi niya.Taka naman akong tumingin sa kanya.

"Ano ang bibilhin niya?",nagkibit-balikat siya.

"Hindi niya sinabi eh.Tara na nagugutom na ako",tumango ako at naglakad na kami papunta sa Cafeteria.









Pagkatapos naming kumain ay dumiretso ako sa Girls Room para magpalit ng damit na pang PE.

Magso-Soccer daw kami.Girls vs Girls and Boys vs Boys.Ang mga lalaki ang mauuna at kaming mga babae ang mahuhuli.

Pumunta ako sa Soccer Field ng matapos ko ng sinuot ang PE Uniform ko.

"Okay,pumunta kayong lahat dito.Dalawa lang ang rules sa paglalaro niyo ng soccer.Number 1 Huwag kayong magtulakan and Number 2 No cheating.Simple lang naman ang mga rules kaya alam kong walang magbre-break ng rules.Ang mananalo ay sila ang makakakuha ng mataas na grado.Boys get ready na",pumunta na sa kanya-kanyang pwesto ang mga lalaki at naglaro na.

~~~~~~

"How to be you Sapphire? Bakit ang galing galing mo?"

"Oo nga,lahat ng Sports kaya niya"

"Congrats sa team natin at lalo na kay Sapphire"

"Umm thanks? Congrats din sa inyong lahat",sabi ko sa kanila.Sa totoo lang hindi ko talaga alam maglaro ng Soccer,first time ko maglaro nito eh hihi pero nakaya ko kanina.

"Sapphire,yung Baby loves mo.Hinihintay ka doon oh"!,Naghiyawan silang lahat.

"Kayo talaga,sige aalis muna ako",tumakbo ako papalapit kay Jake.May iniabot siyang tubig sa akin.Nagpasalamat muna ako at kinuha ito at uminom.

"Ang galing talaga ng Baby ko",sumimangot ako.

"Hoy hindi ako baby noh? Nakikita mo na ngang dalaga na ako",pilosopo ko.Tumawa siya ng mahina.

Gangster Princess Meets Them || The Final Revenge (COMPLETED)Where stories live. Discover now