Chapter 45: My Knight Shining Armor

524 24 2
                                    

Angel's POV

Hayys kainis talaga si Violet,bakit yun pa kasi ang parusa niya.Alam niya na  may feelings ako kay Jake pero hindi ko inexpect na iyon ang ipaparusa niya.Aaminin ko rin yung parusa niya pero ang uncomfortable kasi eh.

"Hala nasan na ba yun?",hinahanap ko yung panligo ko.Hayss nakakainis naman eto oh.

"Ano yung hinahanap mo,Angel? Kanina ka pa diyan eh",tanong ni Violet.

"Yung panligo ko,hindi ko kasi makita eh.Nandito lang kanina eh",sabi ko at patuloy parin na naghahanap.

"Ah yung T-shirt at Short?",tinignan ko siya.

"Oo yun nga,nakita mo ba yun?" -Me

"Yep,tinapon ko na yun",nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

"What?! Bakit mo ginawa yun Violet?!",sigaw ko.Nakakainis siya,basta na lang niya tinatapon ang hindi niya gamit.

"Chillax ka lang,Angel.Tinapon ko yon kasi hindi mo na yun ang gagamitin.Bumili ako ng Swimsuit nating dalawa",tumayo siya at may kinuha sa Bag niya.Lumapit siya sa akin at pinakita iyon.Nanlaki naman ang mga mata ko ng makita ko iyon.

"Seriously Violet?! I'm not going to wear",sabi ko habang nakatingin parin sa 2 piece na swimsuit.

"Ano ka ba,Angel.Paminsan minsan lang ito noh",umiling ako.

"Ayoko",pinagkrus ko ang braso ko.

"Magpasalamat ka pa dahil may masusuot ka na swimsuit kaysa sa wala kang suot na damit diyan",bumuntong hininga ako.

"Sige na,susuotin ko na yan",kinuha ko na yung 2 piece at padabog akong pumasok  sa Cr.

"Haha yes,sige sa kabilang Cr na akong magbibihis",sabi niya,hindi ako nagsalita at naghubad na at sinuot ang 2 piece.

"Tapos ka na ba Angel?",tanong ni Violet mula sa labas.Hindi ako sumagot,huminga ako ng malalim at dahang-dahan na binuksan ang Pintuan.Bumungad sa akin ang mukha ni Violet,ang sexy niya.

Nakatingin lang sa Violet sa Katawan ko dahil sa hindi na ako komportable sa tingin niya ay binatukan ko siya,sinamaan niya ako ng tingin.

"Bakit ka kasi nakatitig sa katawan ko? Alam ko namang mataba ako eh",sa totoo lang hindi ako mataba haha sexy kaya ang katawan ko.

"Ang Sexy mo Angel! Coca-cola talaga yang shape ng katawan mo! Baka magkakagusto si JR sayo niyan huh?",sigaw niya.

"Shhh manahimik ka nga diyan baka maririnig niya tayo",ngumiti lang siya.

"Wala na sila,pumunta na sila sa Beach,Excited na silang magswimming haha parang mga bata lang",tumawa naman kaming dalawa.

"Oh dito na lang ba tayo o lalabas na tayo?" -Me

"Tara na",hinatak niya ako palabas,excited din pala siya eh.

"Hey Guys",sabi ni Violet ng makarating na kami sa Place namin,tumingin naman silang lahat sa amin at natulala.

"A-ah",tumawa kaming mahina ni Violet dahil nakatulala lang sila at hindi makapagsalita.

"Huy! May papasok na diyan sa mga Bunganga niyo",biro ko.Kaya bumalik na sila sa realidad.

"T-tayo na magswiswimming na tayo",aya ni Yohanne at tumakbo.Tumakbo na rin ang mga kasama namin.

"Let's go Angel",aya sa akin ni Violet,umiling ako at ngumiti sa kanya.

"Kayo muna,mamaya na lang ako",Ngumiti siya at tumango tapos pumunta na siya sa kinaroroonan ng mga Barkada namin.

Pinapanood ko lang silang lahat na masaya.

"Bakit hindi ka pa pumupunta doon?"

"Ah sh*t",napamura tuloy ako dahil sa gulat,tinignan ko kung sino yung nagsalita

"Nagsasalita ka na naman ng masasama",malungkot na sabi ni Jake.

"Ikaw kasi eh,bigla-bigla na lang nagsasalita...Ayaw ko pa kasing maligo,Ikaw?",sabi ko.

"Same tayo,gusto mo maglakad-lakad muna tayo?",tumango naman ako at tumayo na kaming dalawa.

Tahimik lang kaming naglalakad,gusto ko sanang magsalita pero wala akong maisip na sasabihin sa kanya.

Maya-maya ay meron akong naramdaman sa kamay ko,biglang bumilis ang tibok ng puso ko.My Gosh hinawakan ni Jake ang aking kamay.Tumingin naman ako sa kanya pero hindi siya tumitingin sa akin.Ngumiti ako ng palihim,ayaw ko kasing makita niyang namumula ako eh.

Nandito kami ngayon sa shop,hindi ko ba alam kung ano ang bibilhin niya dito.

"Here,tie this on your hips",binigay niya sa akin ang Pink na Scarf.Ang cute ng kulay nito.

"Hmm Okay? but why?",tanong ko habang tinatali ko na ang scarf sa bewang ko like what he said.

"Marami kasing tumingin sa legs mo eh",umiwas siya ng tingin sa akin.Kaya pala bumili siya ng Scarf,bigla naman akong napangiti.

"Thank you",pagpapasalamat ko,ngumiti din siya.

"Your welcome,teka iihi lang ako ah? Umupo ka muna",hindi na niya hinintay ang sasabihin ko at tumakbo na papunta sa Cr.Tumawa ako ng mahina.Ang cute niya talaga,tinignan ko ang binili niyang Scarf na nakatali sa bewang ko ngayon at biglang napangiti.

Ang Protective naman ng Boyfie ko haha,Susulitin ko na lang ang pagaAct naming dalawa as a Couple dahil hindi na mangyayari ulit ito samin,isang parusa lang ito.

"Miss,may kasama ka ba?",tanong ng isang lalaki sa akin.May kasama pa siyang dalawa parang mga adik.

"Nakikita niyo na ngang wala,bakit niyo pa tatanungin",irita kong sabi.

"Ganyan ang gusto ko sa mga babae eh,masungit",ngumisi siya.Tumayo na ako at aakmang aalis na sana pero hinarangan niya ako.

"Saan ka pupunta?" -Boy

"Eh di sa pupuntahan ko,saan pa ba?" -Me

"Sumama ka muna sa amin" -Boy 2

Ang mamanyak nila dahil nagagalit na ako,susuntukin ko na sana siya pero may tumigil  sa akin.

"Baby,nandito ka pala",inakbayan ako ni Jake."Tara na hinihintay na nila tayo ng mga barkada natin"

"What do you think your doing?",hinawakan ng lalaki ang braso ni Jake.Tinignan ako ni Jake.

"Baby,doon ka na muna sa labas",tumango na lang ako at lumabas na.May upuan sa gilid ng shop kaya umupo muna ako doon at hinintay si Jake na lumabas.

Mga ilang minuto na ang nakalipas ay lumabas na yung mga manyakis at nagsitakbuhan.Tumayo na ako sa kinauupuan ko at lumapit kay Jake.

"Anong ginawa mo sa kanila?",tanong ko,ngumiti siya.

"Tinuruan ko sila ng leksyon",sagot niya at naglakad na kami.

"Salamat sa pagligtas mo kanina ah?",pagpapasalamat ko.

"Walang anuman yun...Basta safe ka palagi",hindi ko narinig ang sinabi niya dahil humina na ito.

"Ano sabi mo?",pagpapaulit ko.

"Sabi ko walang anuman",sabi niya.Sinamaan ko siya ng tingin,alam kong may sinabi pa siyang isa eh tsk.

~~~~

DONT FORGET TO VOTE AND COMMENT.

SINO ANG GUSTONG MAGPADEDICATE SA NEXT CHAPTER? JUST COMMENT PARA MALAMAN KO.THANK YOU.

                           ~ BTS_ELLA

Gangster Princess Meets Them || The Final Revenge (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon